A/N: Hey guys! Eto na ang UD ko. Nagulat ako sa new look ng Wattpad. Di ko pa alam kung matutuwa ako o maiinis. lolz
Anyways sa mga nakamiss sa Blank Mode ni Sky, eto para sainyo. ^_^
Dedicated pala to sakanya dahil siya lang ang nagtake ng time magsuggest ng gaganap kina B1 at B2. Kahit na hindi ko din ginamit yung sinuggest niya ay grateful pa rin ako sakanya. Kaya eto ang pang thank you ko sayo. ^_^
VOTE and COMMENT pa rin.
CHAPTER 14 – B1 vs B2
“Okay, next batch!”Sigaw ni Sky.
Thursday na at ngayon ang try-out para sa basketball team. Napagkasunduang kay Sky muna dadaan ang mga gustong sumali at si Red ang gagawa ng final decision para sa mga pasok sa varsity. Si Blue ang nagsilbing middle man ng dalawa dahil alam naman ng lahat na ayaw makipag-usap ni Red kay Sky. Sampu na lang ang natitirang miyembro ng basketball varsity dahil nag-graduate na yung karamihan. Pito dito ang galing sa Section Fire including Red. Yung dalawa ay galing sa ibang section ng fourth year at isa sa third year.
Nag-try out nga si Rain at kasalukuyang ginaganap ang last batch para sa first stage. Sa first stage ay pinagdribol ni Sky ang mga player. Nang matapos lahat ay sinabi na ni Sky ang mga nakapasok sa next round. Syempre pasok si Rain kaya tuwang tuwa naman siya kasama ang ibang varsity na taga section fire. At mula sa 40 na nag-try out ay 25 na lang sila. Marami pa ang nagreklamo sa mga hindi nakapasok dahil napaka-unfair daw na dribol lang yun at hindi pa nila naipapakita ang tunay na galing nila. Pero sinigawan lang sila ni Grey kaya natakot sila at umalis na lang.
At sa second stage na susunod nang gaganapin ay hinati sila ni Sky sa tig-limang miyembro per team at binigyan sila ng 10 minutes per game. At dahil walang kalabang ibang team ang isang grupo ay napagpasiyahan ni Sky na ipalaban na lang sa varsity ang mga yun. At kasali nga sa team na ito si Rain na siya pang unang sinalang ni Sky para makipaglaban. Si Sakuragi, Chickboy at ang mga hindi taga section fire na varsity ang bumuo sa kalaban nilang team.
Nang mag-umpisa ang laro ay napatunayan naman ni Rain ang galing niya dahil nakikipagsabayan siya sa mga miyembro ng varsity. Isa din siya sa scorer at madami din siyang assist na nagagawa. Kaya sa halip na mga kasama ang i-cheer ay si Rain ang pinagchi-cheer nila B1.
“Woooohhh… Go Rain!”
“Ang galing mo Rain! Mahal na kita! Wahahaha…”
“Woohooo… Nakakabakla ka Rain! Hahaha…”
Sinita tuloy sila ni VC na hindi ata nakatiis sa ingay nila. “Tsk. ‘Tong magbestfriend na ‘to talaga. Magtigil nga kayo diyan. Nakakahiya kayo. Amp.”
“L – O – V – E Rain Rain Rain!” Yan ang paulit ulit na sinasabi ng mga fangirls ni Rain na nanonood ng try-out.
Nang kumaway sakanila si Rain ay nagtilian ang mga fangirls. Nginitian niya din ng malapad si Sky na napapailing na lang.
BINABASA MO ANG
Sky Paradox: Battle of Gangsters
Teen Fiction(Tagalog) Sky Paradox. Isang amateur band na unti unting nakikilala sa mundo ng musika dahil sa kanilang mahusay at kakaibang atake sa mga awitin. Samahan pa ng good looks ay talaga namang wala ka ng hahanapin pa. Binubuo ng leader na si Sky at ng a...