Chapter 24: Aftermath

5.9K 151 51
                                    

A/N: Another update before the year ends, as promised. Buti nahabol ko itong isang chapter. Enjoy reading it.

Salamat pala at meron pa ring naghihintay ng update ko. I'm really glad you appreciate my story. Although I know you’re all waiting for Sky’s scene pero hindi ko pwedeng baguhin ang daloy ng kuwento sa utak ko. Anyway, may appearance pa rin naman si Sky ngayon sa chapter na ito pero hindi siya ang bida. Hehe… Hindi ko pa sigurado kung kelan siya magkakaroon ng full scene dahil medyo malabo pa ang next chapters sa utak ko. Pakiantay na lang siya.

Vote and Comment as always. Thanks.

PS: Don’t expect a fight between them dahil baka ma-disappoint lang kayo. Si SKY ay NEVER makikipaglaban kanino man kahit gaano pa kalaki ang kasalanan sakanya. Unless…

CHAPTER 24: Aftermath

Tutuloy… hindi… tutuloy… hindi…

Kanina pa palakad-lakad ng paroo’t parito si Buzz sa harap ng resto-bar na pinagtutugtugan ng Sky Paradox. Para siyang natatae na ewan at hindi mapakali. Kanina, bago siya pumunta dito ay desidido na siyang manood ngayon kahit ganun pa ang nangyari kaninang umaga na naging dahilan para hindi na tumuloy ang iba niyang kasama. Pero ngayong nandito na siya ay mukhang natatakot naman na siyang pumasok. Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging pakikitungo sakanya nina Sky kung sakaling makita siya dun. Isa kasi siya sa mga nag-voice out ng mga pagdududa niya kanina. Pero hindi ko naman siya pinagsalitaan ng masama ah. Katuwiran niya sa isip.

Ah excuse me.” Napatigil si Buzz nang marinig ang boses ng babae na yun na parang nagpipigil ng tawa. Kinunotan niya ito ng noo.

Ahehe kanina pa kasi kita napapansin diyan. May CR sa loob, libre namang pumasok eh hehe. Baka kasi hindi mo na mapigilan.” Nagkakamot sa ulo habang natatawang sabi nito.

Nanlaki ang mata ni Buzz. “Anong sabi mo? Hekskyusmiiii….” OA na apela niya. “Hindi ako natatae Miss noh? Nag-iisip ako kaya kung wala ka nang ibang sasabihin eh lumayas ka na sa harap ko at baka hindi kita matantya diyan.” Gigil na bulalas niya na pinandidilatan pa ito ng mata.

Nahintakutan naman ang babae at pumasok na sa loob. “Langya yun pagkamalan pa akong natatae. Buwisit.” Asar na reklamo niya sa sarili. “Hay bahala na nga lang. Nandito na ako eh kaya papasok na ako.” Dagdag pa niya at nagmartsa na papasok. Sinigurado na lang niyang malayo siya sa pakialamerang babae kanina at baka lalong masira ang gabi niya. Babaeng singer pa lang ang nasa stage ngayon kaya nag-order na lang muna siya. Hindi pa rin kasi siya nagdi-dinner.

Habang naghihintay ng order ay naisip na naman niya ang dahilan kung bakit mag-isa lang siya ngayon. Dahil sa nalaman kaninang umaga ay hindi na tumuloy ang iba dahil naguguluhan pa rin sila at hindi nila alam kung paano pakikitunguhan si Sky. Hindi naman niya sila masisi dahil masyadong mabigat na isyu sakanila kapag panloloko na ang usapan. Nangyari na ito sakanila last year at sobra silang nasaktan nun at naging maingat na sila kaya hindi nila lubos maisip na maloloko na naman sila ulit. Maski siya ay dismayado pa rin sa ginawa ni Sky. At kaya lang siya tumuloy ngayon ay dahil nami-miss na niya silang panoorin. Hindi siya nakapanood last week dahil may lakad ang pamilya niya. Hindi nga din niya napanood ang laban ng mga kaibigan sa basketball kaya hindi niya alam kung anong eksaktong nangyari nun.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon