A/N: Hello. Here's the chapter 23 guys. Alam kong sobrang tagal na pero gusto ko talaga ito i-continue kaya naman maga-update na ako. Sorry talaga kung umabot ng mahigit isang taon. Nasabi ko naman na yung dahilan kung bakit sa last update ko. (that is, if you've read my author's note there. -_-).
Anyway. Hindi pa rin ako regular maga-update because matagal ako makabuo ng isang chapter. But I promise to update 1-2 more chapters before the year ends. Sana subaybayan niyo pa rin si Sky kahit matagal ako mag-update.
And bago ko pala tapusin ang speech ko ay magpapasalamat muna ako sa inyo dahil nagawa niyong doblehin ang reads ng Sky Paradox from my last update kahit na hindi ito active. Sobrang thank you talaga pati na rin sa mga votes and comments niyo. Hindi ko man kayo ma-replyan ay nabasa ko naman na ang mga comments niyo and i really appreciate all of them even the ones that only asking for updates (well except dun sa mga harsh humingi ng updates. tsk.)
So hindi ko na pahahabain 'to. VOTES & COMMENT if you appreciate this chapter or voice out your questions and reactions on the following scenes.
Chapter 23: Sudden Outburst
Makulimlim ang panahon ngayon at tila nagbabadyang bumuhos ang ulan. Kaya naman isa itong gloomy at boring na araw para sa karamihan. Pero para sa majority ng taga section fire, including Sky, ito na yata ang pinakahihintay nilang araw mula nang mag-umpisa ang linggong ito. Hindi lang dahil wala nang pasok kinabukasan kundi dahil ito na rin ang huling araw ng ika nga nila ay ‘dreadful exam.’ And that’s the very reason why the weather did not affect the positive spirits our favorite students have.
“Mga pre saan tayo mamaya?” Tanong ni Chickboy na may kakaibang kislap ang mata while in the middle of texting.
“Nood na lang tayo sa gig nila Sky mamaya. Hindi ako nakapanood last week eh.” Suggestion ni Buzz na for once ay hindi gossip column ang binabasa kundi ang reviewer for the next and last subject na ie-exam nila.
Napatingin si Sky sakanya at ngumiti pero hindi na nagsalita at bumalik na lang sa pagdodrawing sa kanyang sketch book.
Sumangayon ang karamihan sa mga cool dudes ng gang pero nagulat ang lahat nang mag-pass si Sakuragi. “Hindi ako makakasama ngayon. Walang kasama si Kuting sa bahay nila eh.”
“Wow pre end of the world na ba? Haha tumatanggi ka na ngayon sa mga lakad na may kinalaman kay Sky ah.” Kantyaw ni Art na binaba na ang reviewer.
“Oo nga. Lalo tuloy akong na-curious na makilala yang pusa este kuting na yan. Hehe…” Chickboy remarked.
“Lul huwag mo nang tangkain.” Napasimangot si Sakuragi sa narinig kaya nilamukos niya ang kanyang papel at ibinato dito. “Pwede naman akong manood bukas eh. Hindi ko lang siya maiwanan ngayon dahil pati sina Mommy wala. Hindi ko naman siya pwedeng ibilin sa kapatid ko. Baka ito pa bantayan niya.”
Lumapit naman sakanya si B1 at umakbay. “Bakit hindi mo na lang siya isama para naman makilala na namin siya. Masyado kang madamot eh.”
“Pwede ba tigilan niyo nga ako. Basta hindi ako sasama. Tapos.” He sneered at them then turned to Sky with an apologetic face. “Sorry Sky, bukas na lang ako punta.”
BINABASA MO ANG
Sky Paradox: Battle of Gangsters
Novela Juvenil(Tagalog) Sky Paradox. Isang amateur band na unti unting nakikilala sa mundo ng musika dahil sa kanilang mahusay at kakaibang atake sa mga awitin. Samahan pa ng good looks ay talaga namang wala ka ng hahanapin pa. Binubuo ng leader na si Sky at ng a...