Nababagot na kinalas ni Mikus ang pagkakapalupot ng kamay ni Veron sa kaniyang braso. Kasalukuyan silang nasa canteen malapit sa university na pinapasukan nila. Iyon ang paborito nilang tambayan kapag hindi sila pumapasok sa kanilang klase. Kasama niya doon ang iba pa niyang tropa na sina Gilbert, Jack at Robert. Pawang kaklase niya ang mga ito. At tulad din niya ay may bagsak din ang mga ito ng tatlong subject kaya hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakapagtapos. He was taking civil engineering course at dapat ay tapos na siya ngunit dahil hindi niya makasundo ang ilang sa mga professor niya ay ginantihan siya ng mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng marking singko. Nagmamalaki pa ang mga ito dahil hindi raw siya matatanggap sa trabaho dahil sa mga grades niya.
The hell I care with my grades! Patuyang saad niya sa kaniyang isip.
Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pang makakuha ng matataas na marka dahil hindi naman niya din kailangan maghanap ng trabaho. Nag-iisang anak siya ng may-ari ng South-East Asian hotel. Ngunit dahil na rin sa mga kalokohang ginawa niya noong nasa Korea pa siya ay ipinatapon siya ng kaniyang magaling na ama sa Pilipinas. Kaya hayun siya anim na taon ng nagtitiis sa probinsya ng Bulacan.
"Honey is there something bothering you?" maarteng tanong ni Veron sa kaniya.
Nagkibitbalikat lamang siya. Wala siya sa mood na itolerate ang kaartehan nito. Kung tutuusin ay hindi ito dapat umaakto ng ganoon. Dahil hindi naman niya ito girl friend para magdemand ng kung ano sa kaniya. Napilitan lamang siyang pakisamahan ito dahil na rin sa pambubuyo ng kaniyang barkada.
Gago! Napilitan pero muntik mo ng patulan!
Kung hindi marahil dumating si Maxine sa tapat ng room kung saan siya dinala ni Veron, malamang nakagawa na siya ng pagkakamali na alam niyang pagsisisihan niya sa bandang huli. May buting idudulot din pala ang babaeng iyon na siyang naging dahilan kung bakit napipilitan siyang pakisamahan si Veron.
Nagkaroon kasi sila ng pustahan noong nakaraang buwan na kapag nakausap niya ng matino ang vice president ng Theater Arts club na si Maxine Angela Luchavez ay mananalo siya ng sampung libo pero kapag natalo siya ay kailangan niyang makipagrelasyon kay Veron sa loob ng isang buwan.
Okay lang sana sa kaniya iyon ngunit natalo siya sa pustahan. Dahil hindi pa man siya nakakapagsalita ay sinopla na agad siya ni Maxine. Inis na inis siya ng araw na iyon.
Sa tuwing maaalala niya iyon ay parang nais niyang sakalin si Maxine. Kahit kailan talaga ay wala na itong ginawa kundi insultuhin ang pagkatao niya. At mukhang nadagdagan na naman ang mga bagay na ikakadumi ng imahe niya sa isip nito. Hindi niya akalain na masasaksihan siya nito sa di kanais nais na sitwasyon. At kasalanan iyon lahat Veron. Pero aminado siya na malaking bahagi din niyon ay kasalanan niya. Kung hindi siya nagpadala sa kahinaan niya bilang lalaki hindi sana siya masasalang sa alanganin.
Gago ka nga kasi! Bulyaw pa ng konsensya niya.
"Pare ayos ka lang ba?" natatawang tanong sa kaniya ni Jack.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Pare easy ka lang, mukhang kulang ka sa tulog ah!" anito sa makahulugang tinig.
"Gago! Tigilan niyo nga ako!" inis na tumayo siya sa kinauupuan niya.
"Honey saan ka pupunta?" tanong naman ni Veron.
"Sa lugar kung saan wala ka!" diretsang saad niya.
Narinig pa niya ang pagsinghap ng mga babaeng nakarinig sa tinuran niya. Ang iba marahil ay natutuwa na ipinahiya niya ito dahil hindi lingid sa kaniyang kaalaman na marami ang galit dahil sa kaartehan nito. Pero wala siyang pakialam doon. Sa ngayon ay kailangan muna niyang makita ang babaeng naging dahilan ng parusa niya sa buhay. Nais din niyang ibalik ang cellphone nito na nalaglag dahil sa pagmamadali nitong makaalis nang nagdaang gabi na makita sila nito sa di kanais nais na tagpo.
BINABASA MO ANG
In Your Arms Again
RomanceMaxine Angela Luchavez - isang simpleng dalaga na ang tanging pangarap ay maging isang sikat na film maker, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Sinikap niyang maabot ang kanyang pangarap ngunit hindi naging ganoon kadali ang lahat...