Chapter 6

822 70 27
                                    

"WHAT???" gulantang na tanong ni Maxine. "Teka lang po ha, baka naman po nagkakamali kayo ng prediksyon Mr. and Mrs. Malabrigo." Aniya habang kausap ang mga magulang ni Mikus.

Kasalukuyan silang kumakain ng masaganang hapunan sa Shangrila hotel ng mga oras na iyon. Nang sabihin ni Mikus na magdidinner sila ay isang simpleng hapunan lamang ang akala niya. Nagulat pa nga siya ng doon sila napadpad. Wala namang tutol ang mga magulang niya na napag-alaman nyang dating kababata pala ng mga magulang ni Mikus.

Hindi siya makapaniwala noong una dahil wala namang nababanggit ang mga magulang niya patungkol sa mga kaibigan ng mga ito. Kapwa kasi abala sa kanya-kanyang trabaho. At ang higit sa hindi kapanipaniwala ay ang pakikipagkasundo ng mga magulang niya sa magulang ni Mikus. Now, nauunawaan na niya kung bakit mahigpit ang mga magulang niya sa kanya pagdating sa issue ng pakikipagrelasyon. May binabalak pala ang mga ito na taliwas sa mga plano niya.

"Huminahon ka hija." Anang kaniyang mama.

Paano siya magiging mahinahon kung tungkol sa kasal nila ni Mikus ang pinag-uusapan ng mga ito. At ang hinayupak na Mikus ay tahimik lamang na nakikinig sa usapan ng mga magulang nila. Mukhang wala itong balak na magprotesta sa mga plano ng matatanda. Gusto na niya itong kalbuhin.

"Hindi pa naman kayo magpapakasal ni Mikus ko, ang sa amin lang ay mainam na yung hangga't maaga ay maplano na natin." Malambing na saad ng mama ni Mikus.

"Pero Mrs. Malabrigo-."

"Call me Tita hija." Putol nito sa sasabihin niya.

Napahugot siya ng malalim na hininga. "Ang ibig ko lang naman pong sabihin T-Tita, wala naman po kaming relasyon ng anak ninyo so bakit kami magpapakasal, di ba Mikus?" baling niya sa binata.

Nagkibit balikat lamang ito. Nais na nyang ihampas ang sandals niya sa mukha ng binata. Bakit ba ayaw siyang tulungan nito? Kung tutuusin ay kinabukasan nila ang nakasalalay dito.

"Don't mind my son hija." Saad naman ng papa ni Mikus na si Macario Malabrigo.

Binalingan niya ang kaniyang mga magulang. "Papa, papayag ka ba sa gusto nila?" hinging saklolo niya sa kaniyang ama.

Ngumiti ito. "Alam mo anak, mga bata pa lang kami ay yun na ang napag-usapan namin. Mas tumindi lang ang mga plano naming ng makita naming kanina kung gaano kayo ka-sweet sa play. Kaya pagbigyan mo na sana kami anak." Paliwanag ng kaniyang ama. Mukhang lulong din ito sa mga pangarap ng mga ito.

Hindi siya makapaniwala sa sagot ng kanyang Papa. Of all people, ang tatay niya ang kahuli-hulihang iisipin niya na aayon sa ganoong klase ng kasunduan. "Pero hindi namin gusto ang isa't isa!" desperado ng saad niya.

Nagkatawanan naman ang mga ito. "Madali lang iyan anak, bakit hindi kayo magdate ni Mikus?" suhestiyon pa ng kaniyang ina.

Napabuga na lamang siya ng hangin sa sobrang pagkadismaya. "Mama, bata pa po ako para sa mga bagay na iyan. Alam ninyo naman na marami akong plano sa buhay di ba? At Papa, di ba sabi ninyo bawal muna akong makipagrelasyon?" halos nagmamakaawa na ang tinig niya.

Kahit sino man siguro ang malagay sa sitwasyon niya ng mga sandaling iyon ay mawiwindang din. One minute you're as free as a bird. The next minute, you were already engaged.

"Bawal kang makipagrelasyon dahil nga may kasunduan kami ng parents ni Mikus. Isa pa engagement lang naman di ba? Hindi pa naman kayo ikakasal." Mahinahong paliwanag ng mama niya.

"Pero Ma--."

"Mom, Dad, Tito, Tita, lalabas lang po muna kami saglit ni Maxine." Putol ni Mikus sa pagrereklamo pa niya.

"Go ahead hijo." Nakangiting saad ni Tita Angie, ang mama ni Mikus.

Nakangiti naman hanggang tenga ang mga magulang niya.

In Your Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon