Chapter 3

878 57 7
                                    

NAIS maghurumintado ni Maxine ng isiwalat na ni Melvin ang makakapareha niya para sa nalalapit na play ng organization nila. Hindi niya akalain na mismong si Melvin pa na kaibigan niya ang makakaisip ng ganoong bagay. Alam na alam nitong allergic na allergic siya kay Mikus ngunit ito pa ang napili nitong ipareha sa kaniya.

"Melvin hindi pupuwedeng si Mikus ang makakapareha ko!" nagmamaktol na reklamo niya.

Tinitigan lamang siya nito bago nito pinagpatuloy ang ginagawa. Tila balewala dito ang pagmamaktol niya. "Kung ayaw mo, malaya ka para mag-quit sa role mo."

"Melvin naman! Anong alam nung sa pag-arte? E ang tanging alam nun ay makipagbasag ulo at.." hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin. Muntik na kasi siyang madulas sa pagsasalita niya. At makipaglampungan! Dugtong na lamang niya sa kaniyang isip.

"Why not give him a chance Maxine? Hindi ganyan ang motto ng organization natin di ba? We are open to anybody." Anito habang matamang nakatingin sa kaniya.

"Tama ka! Pero exempted si Mikus doon." Maktol pa din niya.

Tinigil nito ang ginagawa nito. "Ano ba ang punto mo?"

Natigilan naman siya. Anu nga ba ang punto niya? Mabilis na nag-isip siya ng dahilan. "He does not have any experience in acting. For pete sake!" medyo tumaas na ang tinig niya.

Kumunot ang noo ng binata. "Kailan ka pa naging judgemental Maxine Angela? Every one here starts with nothing, if you have forgotten it. Lahat ng member ng teatro ay nagsimula sa wala pero nagsumikap sila para mapaghusay ang kakayanan nila. And now you're bragging here because I accept Mikus as your partner?" tila nauubos na ang pasensya nito sa kaniya. Hindi naman siya nakakibo agad. "Don't tell me, pinepersonal mo si Mr. Malabrigo dahil hindi mo pa din siya mapatawad sa nangyari sa iyo four years ago." Anito na tila inaarok ang kaniyang isip.

Nainis naman siya dito. "Ofcourse not!" asik niya. "I guess walang patutunguhan ang pag-uusap na ito. Hindi mo makuha ang punto ko kaya ako na ang gagawa ng paraan para patunayan sa iyo na tama ako!" matatag na saad niya bago talikuran ito.

"Maxine Angela saan ka pupunta?" tawag nito sa kaniya. Ngunit hindi niya ito pinansin.

Desidido na siya. Kung hindi niya mabubukas ang isipan nito sa punto niya ay siya mismo ang gagawa ng paraan. Kakausapin niya mismo si Mikus at sasabihin dito na tigilan na nito ang pagti-trip nito.

Masamang masama ang kaniyang loob. Hindi niya mapaniwalaan na mas papanigan ito ng mga kaibigan niya. Hinalughog niya ang lahat ng lugar na maaari nitong puntahan. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga kapwa niya estudyante.

Ang akala niya ay hindi na niya matatagpuan pa si Mikus. Dahil halos nahalughog na niya ang mga lugar na tinatambayan nito ngunit ni anino nito ay hindi niya nakita. Nang madaan siya sa school drama department ay nagulat pa siya nang makita niya doon ang binata. Nakasalampak ito sa sahig habang marahang nakapikit ang mga mata. Tila nag-iinternalize ito. Ewan ba niya pero may kung anong nagtulak sa kaniya upang pagmasdan ito habang nakapikit. Iyon lang kasi ang pagkakataon niya na matitigan ito ng hindi siya iniinsulto o hindi sila nagbabangayan. Mabilis na sumagi na naman sa kaniyang isipan ang nasaksihan niyang milagrong ginawa ng binata.

Argghh! Erase erase! Marahang ipinilig niya ang kaniyang ulo.

Kung aalisin niya ang matinding inis sa binata ay malamang na isa siya sa humanga dito. Normal din siyang babae at alam niyang guwapo ang binata. Infact papasa itong maging heartthrob. Mukha kasi itong koreano na may halong pinoy feature. Singkit ang mga mata nito na tuluyang nawawala kapag galit na galit ito sa kaniya. Mapupula ang mga labi nito na animo laging may lipstick. Matangkad din ito at maputi. Makinis din ang kutis nito. Daig pa nga ang kutis niya na sa kabila ng pagiging makinis ngunit animo tagtuyot kapag taglamig na.

In Your Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon