KCP:The 15 Million Deal #2

270 16 2
                                    


Sania's P.O.V.

Start a new day.After all hindi pa katapusan ng mundo kung sakali mang iniwan ako ng boyfriend ko at nagpakasal sa ibang babaeng maykaya.May pera kaysa sa kin at masasabing wala nga ako sa kalingkingan ng babaeng iyon.

Kahapon ay nasaksihan ko nga kung gaano naging ganoon kaganda ang kasal nila.At ang hinayupak talagang pinadalhan pa ko ng imbitasyon at ako naman itong si masukista,pumunta naman ako.Nakita ko lalo ang sakit ng katotohanan na wala na nga,tapos na ang lahat sa amin.

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang makita kong nakita nya ko,nagmadali akong tumakbo para lang makalabas agad sa lugar na iyon.Pero hinabol nya ako at ang malas naabutan pa.Sinabi nyang ako ang mahal nya ako lang at walang iba.At ang kasal nya sa babaeng iyon ay kapirasong papel lamang daw at pagkatapos ay pwede nang itapon o sunugin.Ginawa nya daw ang ganoong ang hakbang para makuha nya agad ang kayamanan ng babae na kahit pagtrabahuan nya hanggang sa pagtanda nya ay hindi nya maiiipon ng ganon kadali.Mukha syang pera.Pera.Pera.Walang ibang laman ang utak nya kundi puro pera.Nakakaawa sya.Tama lang siguro na mawala sya sa buhay ko,hindi ko sya deserved.Lalo na ng sabihin nyang,maaari pang maging kami.Ibibigay nya sa akin ang lahat bahay,lupa,kotse,at pera o kahit anuman ang hilingin ko ay kayang-kaya na raw nyang ibigay.Huh?at talagang gusto pa nya kong gawing kabit,hindi ako ganoon kadespirada para lang tanggapin ang alok nya.Hindi naman ako ganoon katanga.

Sinubukan nya kong halikan.Pero kinagat ko ang labi nya saka ako tumatawang,umiiyak palayo sa kanya.Gamitin nalang nya ang mga labing iyon para halikan ang asawa nya.Hindi ako galit sa babae,ang totoo naaawa ako sa kanya,dahil ginagamit lang sya ni Dayne.Para lang sa pera.At wala syang kaalam-alam.Kung sana ganoon ako kasama para siraan si Dayne sa asawa nya pero ayoko nang pumasok pa muli sa buhay nila,nakalabas na ko don at dapat hindi na ko babalik pa.Hanggang sa muntikan na nga ako masagasaan ng lalaki,at napagkamalan pa nya kong tatalon sa building.At ngayon pagkatapos ng nangyari kahapon ay isang babaeng mukhang reyna ang itsura mukha syang mayaman kasama ang lalaking sa tingin ko ay personal body guard nya.Hindi ko sila kilala.Pero nakakagulat na sumama ako sa kanila sa magarbong restaurant na ito pagkatapos nilang kumatok sa coffe shot ko kaninang umaga.

"Ikaw si Sania?Tama?" Panimula ng ginang na reyna.Tumango ako.

"Ano pong kailangan nyo sa kin?" Tanong ko naman.Sumenyas sya sa lalaking nasa tabi nya.Lumapit naman ito at inilagay sa ibabaw ng mesa ang attaché case na dala nya.Napalinga ako sa paligid.Sobrang sosyal ang restaurant na ito dahil bawat costumer ay masasabing may privacy para kaming nasa isang kwarto lang.Kaming tatlo lang ang tao.

"Ano ho ito?" Nagtatakang tanong ko.

"Buksan mo." Utos nya.

Nag-aalangan akong tumalima sa sinabi nya.Pero ginawa ko pa rin at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang laman ng case.

"Napakadami hong pera nito." Nagugulat na wika ko nang tumambad sa mga mata ko ang napakaraming pera na laman ng case.

"Tama ka pera nga yan,at para sayo ang lahat ng yan,kung gagawin mo ang utos ko."

"Ho?"

Sumimsim sya ng juice sa baso nya saka sya muling nagsalita.

"Ako si Amalia Cal,ako ay CEO at Presidente ng CHGroup,at mayroon akong kaisa-isang anak,nag-iisang tagapagmana ng aking pamilya.Wala na ang papa nya,sya nalang ang tanging mayroon ako,at gusto ko syang umuwi na sa amin,sa Vienna." Mahabang litanya nya sabay abot ng picture sa akin.Dumoble na naman ang laki ng mata ko dahil ang lalaki sa picture ay ang lalaking simula kagabi ay hindi na naalis sa isip ko.Ang lalaking sumagip daw sa buhay ko pagkatapos nya akong muntikan nang masagasaan.

"Gusto ko syang bumalik sa Vienna,at sa tingin ko matutulungan mo ako para mangyari yon,kaibigan mo sya hindi ba?"

"Naku hindi po,kakakilala lang namin kahapon,at..." Natigilan ako sa reyalisasyong mayaman pala ang taong yon,hindi halata sa suot nya kahapon na puro namantsahan ng pintura ang kupasin nyang pants,suot ang t-shirt na puti at jacket na medyo khaki o camouflage ba yon,hindi ko matandaan.Ang lalaking nakatira sa bulok ng building na parentahan na may maliit na mga kwarto,na parang bang isang malakas na hangin nalang ay siguradong magigiba na ang building na iyon.

"Ano hong gusto nyong gawin ko.?" Tanong ko.

"Gusto kong paibigin mo sya at pagkatapos kapag nahulog na sya sayo saka mo sya iwanan at ipamukha mo sa kanya ang kahirapan nya sa buhay na pinili nya kaysa manatili sa Vienna para sana sya ang humalili sa akin sa kompanya ng pamilya."

Kinilabutan ako sa mga sinasabi nya.Hindi ko kayang manakit ng ganoon sa isang tao.Magpaibig madali lang yon pero ang iwan sya mukhang mahirap yon.

"Paano kung ayoko?" Taas noong wika ko.Tiningnan nya ko at parang kinikilatis ang kabuuan ko,saka sya makahulugang ngumiti.

"Nasa sayo yon,pwede ko ibigay ang trabaho sa iba kaya lang nakapag-research na ako ng kaunti tungkol sayo.Nalaman kong nasa ospital ang tatay mo,tatlong buwan na syang nagpapagaling don at kailangan pa nya ang mga mamahaling gamot para sa maintenance nya,nalaman ko din na nakasanla ang coffee shop mo sa bangko dahil nga sa kailangan mong ipaospital ang tatay mo,malaki ang magagawa ng 15 million sa lahat ng mga alalahanin mo Ms.Sania." nakangiting lahad nya.

Nagulat ako sa lahat ng sinabi nya buong magdamag lang ang lumipas andami na agad nyang nalaman tungkol sa akin,pero ang nakakagulat ay ang sinabi nyang halagang ibabayad sa akin.Whoaaa!napakalaking pera non,at tama sya masasagot non ang lahat ng problema ko.

Matagal bago ako nakasagot.Matagal bago ako nakapag-isip ng mabuti.Hanggang sa nakaalis na sila at naiwan ako navhawak ang papel ng aming kasunduan.Tinitigan ko ng husto ang pirma ko.Marahil pumirma nga siguro ako.Tinanggap ko ang 15 Million na nasa harapan ko na.Pumikit ako saka ko hinawakan ang bungkos ng pera.Totoo nga.Pera nga ito.Hindi ako makapaniwalang dahil din sa pera ay magagawa kong manakit ng tao katulad ng ginawa ni Dayne sa akin pinagpalit ako at sinaktan nya nang dahil lang sa pera.At sa babaeng pinakasalan nya nang dahil lang sa pera.Puro pera.Mga lintik!At ngayon katulad na rin niya ako.Makakapanakit nang dahil sa pera.

Tumayo ako at binitbit ang case pauwi.Sa coffee shop ko ito balak itago.Hindi ko pa alam kung ano ang susunod kong gagawin, sa ngayon itago muna ang pera sa walang makakakita.




Please vote.
Thanks for reading.
Share your thoughts,guys!!
THANK YOU.

KAYE CAL   PresentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon