KCP:The 15 Million Deal #5

186 9 0
                                    

"Hindi kita nakitang ganyan kapormal na suot ngayo,ha" bati ni Sania,papasok na kami sa restaurant kung saan ako nagpareserve ng mesa para sa aming dalawa.Napangiti ako sabay ayos ng suit ko."Teka,saan ka kumuha ng pera pambayad dito?"bigla ay tanong nya.

"Sus,ano ka ba? Hwag ka na mag-alala,okay.Don't be at ease just eat.Ako na ang bahala." Nakangiting sagot ko.Saka ko inialok ang mga braso ko.

"Okay,sabi mo eh." Sabi nya,hinawakan nya ang braso ko at sabay na kaming pumasok sa loob.Isang waiter ang naghihintay sa pangalawang pinto.

"Sir,this way sir." Sabi nya sinamahan nya kami sa pinareserve naming table.

Pagka-upo ay kinuha na agad ang order namin.Ako na rin ang nagorder para sa aming dalawa ni Sania.Clear black truffer soup, Britagne lobster with caspias black caviare, at Chevollas rib eye steak with asparagus ang inorder ko.Pagkatapos ay umalis na ang waiter.Matamang nakatingin sa akin si Sania habang nakangiti.

"Madalas ka bang magpunta sa mga ganitong lugar?" Tanong nya.Nagsasalin naman ako ng wine sa kopita nya at sa kopita ko.Sumimsim ako bago ako nagsalita.


"Hindi naman ngayon lang.Nagresearch lang ako sa internet kung ano ang masarap na kainin dito,kanina ko lang napag-aralan." Nakangiti kong sagot.

"Ah,akala ko madalas kang kumain sa mga mamahaling restaurant katulad nito,mukhang sanay ka eh." Sabi pa nya.Muntik na kong masamid sa iniinom ko.Masyado syang observer at consistent sa pagkilatis.

Maya-maya lang ay dumating na ang order namin,isa-isa iyon inilapag sa table namin.

"Ikaw nakapunta ka na ba dito?" Tanong ko.

"Oo madalas noong bata pa ko,dito kami madalas kumain ng Papa ko." Parang wala sa loob na sagot nya.Natuwa sya nang ilapag ang steak sa harap nya.Kinuha ko iyon at dinala sa harap ko.Isa-isa ko iyon ini-slice habang inuusisa ko sya.

"Eh ang mama mo?" Tanong ko habang abala sa ginagawa ko sa steak nya.

"Namatay na ang mama ko bata palang ako,kaya naman nag-asawa ulit ang Papa ko.Kaso madalas sila mag-away ng pangalawa nyang asawa,maluho daw kasi si Papa luho na hindi naman afford ng kinikita nya,kaya ayon iniwan nya din si Papa.Galing sa mayamang pamilya si Papa kaya naman hindi na nya kayang tanggalin sa sistema ang karangyaang kinasanayan nya.Hanggang sa naubos na lahat ng pinamana sa kanya at magsimulang muli.Kahit na sapat lang ang kita nya madalas dito kami kumakain.Kahit maliit lang ang kinikita nya hindi naman nya ko ginutom." Bumalong ang luha ni Sania.Inabutan ko sya ng tissue at tinanggap naman nya iyon.Napangiti sya kahit na may luha sa mga mata nya."Ikaw?"

"Wala na rin ang Papa ko,pintor din sya kaya nga ako nandito kasi gusto kong mamuhay na katulad nya yung simple lang.."

"Eh ang mama mo ?" Bigla ay tanong nya.Natigilan ako.Hindi na ako sumagot bagkus ay nakangiti akong inilapag sa harap nya ang steak na inislice ko.Napatingin lang sya at hindi na nangulit pa.

"Salamat,kung andito si Papa,gagawin nya din itong ginawa mo para sa akin.Gawain nyang i-slice ang steak at isusubo sa akin bawat isa pakiramdam ko noon isa akong prinsesa." Nakangiting sabi nya at parang nangangarap pa habang naalala ang masayang alaala nya kasama ang Papa nya.

"Ganun,I congratulate you dahil naging prinsesa ka ulit." Nakangiting sabi ko.Nagumpisa na kaming kumain.Kasabay ng kaunting kwentuhan para makilala namin ang isa't-isa.Pero madalas mga tungkol lang sa kanya ang nalalaman ko.Kapag tungkol na sa akin o sa pamilya ko ay iniiba ko ang usapan o di naman kaya ay tumatahimik ako at hindi ko na sinasagot pa.Hindi na rin naman sya nagtatanong pa ulit.Ramdam nya sigurong may mga bagay-bagay na ayokong pag-usapan.

KAYE CAL   PresentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon