KCP:The 15 Million Deal #8

160 9 0
                                    

Sania's P.O.V.

Halos ilang minuto din akong naghintay bago ako sunduin ng body guard ni Mrs.Cal.Habang nasa sasakyan ako ay hindi ko mapigilan ang umiyak habang tinitingnan sa daliri ko ang singsing na ibinigay sa akin ni Kaye.Napatitig din ako sa attaché case na may lamang perang nagkakahalagang 15 million.Hindi ko kayang tanggapin ang pera kaya ibabalik ko nalang ito sa mama ni Kaye.Sa isang malaking mansion huminto ang sasakyan.Napalinga ako sa paligid pagkababa ko.Inaya ako ng kanang kamay ng mama ni Kaye sa loob.Sa isang malawak na hardin ako naghintay maya-maya pa ay dumating na ang mama ni Kaye.Umupo sya sa tapat ko at sinipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa.


"Napadaan ka?" Tanong nya.

Inilagay ko sa ibaba ng mesa ang attaché case.Napasulyap din rito ang mama ni Kaye.

"Hindi ko kayang tanggapin ang perang ito,gusto ko sana itong ibalik.." Mahinang sabi ko.Napataas ang kilay ng donya.Tinitigan nya ko.At mukhang hindi nya nagustuhan ang hakbang kong ito.


"Tanga ang taong magbabalik ng ganyan kalaking pera bakit hindi mo gamitin o di kaya itago,pagyamanin mo ang sarili mo gamit ang perang yan,o di kaya ipaopera mo ang papa mo.Pinagtrabahuan mo yan kaya sayo na yan...ano'ng nangyari sa pagiisip mo?"

Bumalong ang luha sa mga mata ko nang salubungin ko ang titig nya.Oo nga madami akong magagawa sa pera,malaking tulong iyon para sa akin..pero...

"Mahal ko na si Kaye.." Mahinang tugon ko.Natigilan sa pagsimsim ng wine ang ginang sa narinig na sinabi ko.

"Ano'ng sinabi mo?"

"Mahal ko na ang anak nyo,kaya ibinabalik ko na itong pera..nagpapaalala lang ito kung gaano ko sya nasaktan,..niloko ko sya..." Humahagulhol na sabi ko.Naramdaman ko nalang ang pagtapik nya sa kamay ko.


"Love yourself more...kunin mo ang pera at hwag ka ng magpapakita sa kanya,naintindihan mo ba?"

"Bakit mo ba ito ginagawa sa kanya?winawasak mo ang sarili mong anak..." Hindi mapigilang sabi ko.Napakasama nya para pahirapan si Kaye ng ganito.

"Hwag kang magsasalita laban sa akin kung hindi mo alam kung ano'ng nangyayari,anak ko sya kaya bakit ko naman sya wawasakin?tinuturuan ko lang sya ng tamang leksyon na wala syang mapapala sa mga paintings nya,wala kang alam kung bakit at kung para saan kung bakit ko ito ginagawa." Madiing sabi nya.Masama ang tingin nya sa akin.Natahimik ako."Kunin mo ang pera,makakaalis ka na."aniya.


Nagpunas ako ng luha ko at tinitigan sya ng masama.Saka ako tumayo bitbit ang attaché case.Maaaring tama sya.Nasaktan man ako,nakonsensya man ako atleast may pera ako.Hindi na ako muling lumingon pa.Tinatagan ko ang loob at hindi ko ipinakita sa mukha ko ang sakit na nararamdaman ko.

Habang nasa taxi pauwi ay napapaisip ako.Nasasaktan ako at hindi ko mapigilan ang pagiyak.Napalingon sa akin ang driver ng taxi nang marinig nya ang paghagulhol ko.

"Ma'am may problema ho ba?" Tanong nya.Bumuntong-hininga ako at nilinaw ang lalamunan ko.


"Kapag ikaw may 15 million kapalit naman non,ay masasaktan mo ang taong pinakamamahal mo,ano'ng gagawin mo?" Umiiyak na sabi ko.Natawa ang driver.


"Ganon?kung ganon bakit ko gugustuhin ang 15 million kung may minamahal naman ako at mahal ako,siguro kung sakaling hindi ko mahal ang taong yon saka ko lang tatanggapin ang 15 million...brain twister na tanong ba yan ma'am?" Nangingiting sabi nya.

KAYE CAL   PresentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon