KCP:The 15 Million Deal #1

499 24 0
                                    

•Kaye's P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaye's P.O.V.

Ordinaryong araw para sa akin.Ngunit hindi para sa katabi kong kanina pa sumisigaw sa takot.Habang pinapalipad ko ang magara nyang kotse.

"Haay Kaye,ano ba dahan-dahan naman!!!!slow down!!!slow down!!!" Patuloy na pagsigaw nya.Natatawa nalang ako.Grabe na ang pamumutla ng mukha nya sa sobrang takot na nararamdaman nya.

Kanina lang ay nakiusap si Lee na ipagdrive ko sya patungong airport para hindi sya malate sa flight nya papuntang Vienna.Tiwala naman sya sa kapasidad kong makakaabot sya sa flight nya kung ako ang magdadrive ng kotse nya.At ngayon nakakatawa nga ang hitsura nyang animo tarsier na nakakapit sa taas ng bintana ng sasakyan habang nakahawak ang isang kamay sa seatbelt na wala na sa ayos sa pagkakabit sa katawan nya.Nanlalaki ang mata at animo mauubusan na ng tinig sa malakas na pagsigaw para patigilin ako sa ginagawa ko.

"Ano ba Kaye,slow down sabi!!!wala ka sa race track kung alam ko lang na papatayin mo ko sa takot dapat hindi na ako nagpadrive sayo!!!"

Tiningnan ko lang sya at ngumisi.Ngunit nang ituon ko na ang paningin ko sa kalsada ay may babaeng bigla nalang sumulpot sa kung saan.Mabilis akong nagpreno at dinig ko pa ang paglangit-ngit ng gulong ng kotse sa kalsada nang huminto ito sa tapat ng babaeng muntik ko nang masagasaan.Nahintakutan ang hitsura nya at parang kasing putla ng mukha ni Lee ang mukha nya.Natawa ako sabay bumaba ng kotse.Bumaba na rin si Lee at sumuka ng marami sa tabi.Malamang dahil iikot nga talaga ng husto ang sikmura nya sa ginawa ko.Saka ko hinarap ang babae.

"Nababaliw ka na ba?anong akala mo sa kalsadang ito hi-way!!!nakita mo ginawa mo muntik mo na ko patayin?" Masungit na angil ng babae.Nginitian ko sya at dinukot sa bulsa ang cellphone ko.Saka ko itinapat ang camera phone ko sa mukha nyang nanlalaki pa ang mga mata.Click.Sabay save ng picture nya sa gallery ko.

"Sorry.Okay?"nakangiting sabi ko.Umikot ang mga mata nya.Inirapan nya ko.At nagustuhan ko yon kung pano nya ko irapan.Ang cute at ang ganda.Nagmamadali na syang umalis pagkatapos.Hindi ko na sya hinabol at tiningnan nalang sya palayo.Mukhang hindi maganda ang araw nya sa paningin ko.Tiningnan ko ang picture nya sa gallery ko.Mukhang galing sya sa pagiyak.Umismid nalang ako.Hindi ako sigurado base lang yon sa kung ano ang nakikita ko.

Pagbalik ko ay nakasakay na si Lee sa driver seat.Binuksan nya ang bintana para makita ko sya.

" Ako na magdadrive para sa sarili ko,nakakatakot ka,papatayin mo talaga akong sadya,una na ko!"sabi nya.

Ngumisi nalang ako at nagpaalam na sa kanya.Mukhang natakot nga ata sya ng husto kung paano nya paharurutin ang kotse palayo sa akin.Napahawi ako sa buhok ko habang sinusundan ng tingin ang kotse palayo.Napailing ako at natawa.





Nagikot-ikot lang ako sa pinakabuod na pasyalan sa lugar.Itong buhay lang ang gusto ko.Simple lang at walang masyadong iniisip.Sa ganitong magisa ako wala akong ibang iniisip kundi ang mga art ko.Kahit na alam kong wala namang ibang nagkakagusto ron kundi ako lang.Oo isa akong trying hard na pintor sabi ng ilan pero wala akong pakialam sa kanila ang importante masaya akong magpinta sa mga alaala na meron ako sa utak ko.

Napahinto ako nang marinig ko sa di kalayuan ang mga pulis at ang mga taong nakapalibot sa lugar.Inilinga ko ang paningin sa paligid.Doon ako umuupa sa building na yon,ah.Bakit kaya? Ano'ng meron?

Nagmadali akong makiusisa sa mga nagkukumpulang mga tao.Hanggang sa mapunta ako sa unahan.Napatingala ako sa taas ng building.Ar nakita ko doon ang babaeng kamuntik ko nang mabangga kanina.

"Ano'ng ginagawa nya don sa taas?" Tanong ko sa katabi kong matanda.

"Haynaku,nakita mo na ngang nasa taas malamang tatalon sya pababa rito." Masungit na sabi ng matanda.Napamulagat ang mga mata ko.Nasisiraan na ba ang babaeng yon,kanina lang galit na galit sya ng kamuntikan ko na syang masagasaan tapos ngayon tatalon sya sa building na yan.Akalain mo yan mas gusto pa nya talagang magpakamatay.Tsk.

Wala akong sinayang na panahon.Inakyat ko sya sa rooftop na lingid sa kaalaman ng mga pulis sa ibaba na panay ang sigaw at salita sa babaeng parang walang naririnig at walang pakialam sa nangyayari sa ibaba nya.

"Miss,huminahon ka,anuman ang problema mo pwede namang pag-usapan yan,hindi naman masasagot ng pagtalon mo dyan ang lahat ng mga problemang dala-dala mo." Sabi ko.Nilingon nya ko at inirapan.


"Para kayong mga tanga,sino naman ang maysabi sa inyong tatalon ako dito,nagpapahangin lang ako!" Sagot nya.Sabay nagpahid ng luha.

"Ganon ba,grabe ka magpahangin ha nasa bingit ka na ng building baka mahulog ka dyan,halika na bumaba ka na dito!" Suyo ko pa rin.

Humalukipkip ang babae at dumaloy ang luha sa mga mata nya.

"Hindi ako tanga para lang wakasan ang buhay ko sa pagtalon dito dahil lang sa iniwan ako ng boyfriend ko at nagpakasal sa babaeng maykaya ngayon-ngayon lang,wala akong pakialam at hindi ako apektado.Hindi ako nasasaktan.Hinding-hindi!" Wika nya habang bumubunghalit ng iyak.Napalunok ako,lahat ng lumalabas sa bibig nya ay hindi tumutugma sa mukha nya.Sa dami ng inilabas nyang luha at lungkot sa mga mata nya patunay na nasasaktan sya.

"O di hindi!" Sabi ko nalang sabay abot ng kamay ko sa kanya."Halika na,bumaba ka na dito!"

"Pwede ba hwag mo nga ko pakilaman!umalis ka na dito at hayaan mo akong mag-isa hindi kita kailangan!gusto kong mag-isa.!" Sigaw nya.Hinawi nya ang kamay ko at umatras ng kaunti.Wrong move dahil na-out of balance sya.Nanlaki mata nya habang inaabot ang kamay ko.Halos parang nilangoy ko ang semento nang magdive ako para mahawakan ang kamay nya.Naghestirikal naman ang mga tao sa ibaba nang lumambitin na ang babae sa buliding.

"Kasi naman sinabi ko na sayo hindi naman ako tatalon at iwan mo ko mag-isa pero hindi mo ginawa!!!kapag ako namatay dito mumultuhin talaga kita!!!!" Mataray na sigaw nya kahit nahihirapan na syang lumambitin.

"Sabi ko naman kasi sayo bumaba ka na dahil baka malaglag ka!pero ayaw mo!!!"

"Manahimik ka!!!hawakan mo ang kamay ko dahil ayoko pang mamatay!!!"

Habang sinasabi nya iyon ay dumulas ang kamay nya sa kamay ko.Kunting-konti nalang para makabitaw sya inabot ko pa ang isang kamay ko.Wrong move na naman dahil saktong paghawak ko sa kanya ay bumitaw din ako sa gater na hinahawakan ko para suporta sana na di kami malaglag pareho.Pagkakamaling nagdala sa amin para maramdaman ko nalang na lumulutang ma kami pababa.Isang sabay at malakas na sigaw namin ng babae at ng mga tao sa ibaba.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Isang malambot na bagay ang binagsakan namin.Mabuti nalang at kahit papaano ay handa ang otoridad akala ko katapusan ko na.Inalalayan ng lahat ang babae at ako.Chineck kung may tinamo kaming sugat.Ako kaunting galos lang sa braso at ang babae ay wala man lang kagalos-galos sa katawan.Nakita ko syang lumabas na ng clinic.

"Sandali,hindi ka man lang ba magpapasalamat na sinagip ko ang buhay mo?" Nakangiting kompronta ko sa babae.Huminto sya paglalakad at humalukipkip na hinarap ako.

"Bakit sinabi ko bang iligtas mo ko?isa pa ano bang pasasalamatan ko sayo yung pagiging pakialamero mo,dahil sayo nalaglag ako don!!!" Angil nya.

Hinarang ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko.Grabe sya bakit ba ang sungit nya.Nagpatuloy na sya sa paglalakad at sinundan ko naman sya.

"Pwede ba hwag mo na kong sundan!malapit lang ang cafe ko dito kaya pwede ba kaya ko na!"

"Hindi kita sinusundan,sadyang tong daan din na to ang daan ko pauwi...don sa building na dapat tatalunan mo.." Sagot ko.

Inirapan nya ko ulit at nagpatiuna na sa paglalakad.Nakita ko syang pumasok sa isang cafe,Cafe Sania ang nakalagay sa itaas ng maliit na store.Ayos dito lang pala sya sa malapit ko nakatira.Kahit bukas pwede ko pa syang makita.






Please vote po.
Share your thoughts.
Thank you :)

KAYE CAL   PresentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon