Be fan, Have Fan, Be Electric fan!
--------------------------------------------------------
Asyang POV:
"Pakasalan mo ako."
"Wait! Seryoso ka ba dyan Miss?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Slight."
"Ano papayag ka ba o hindi?"
"Pag-iisipan ko muna. Strict ang parents ko miss."
"Wow nahiya naman ako sayo koya."
"Dapat lang! Ikaw nag-aalok ng kasal dyan eh dapat pinag-iisipan talaga yan!"
"Papayag ka ba o hindi?"
Bat ba ayaw pumayag nito? Sya pa talaga ang choosy! Sa ganda kong to?! Kahit nga bakla naiinlove sa kagandahan ko.
"Kasal agad?"
"Bakit gusto mo Honeymoon una? Okay lang naman sakin. San ba gusto mo?"
"Hindi naman sa ganun. Hindi ka ba muna manliligaw sakin miss? Dahan-dahan muna tayo. Kasal? Darating din tayo dyan."
"Akala ko ba kailangan mo ng pera?"
"Oo kailangan ko nga ng pera miss pero kasi bigla ka nalang mag-aalok ng kasal dyan di mo nga man lang ako ininform"
"Alam kong hindi ka pa ready koya pero kasi....."
"Kasi ano?"
"Kailangan ko talaga ng asawa at kailangan mo rin ng pera"
"Bakit ba gustong gusto mong magpakasal?" At lumapit na sya sakin at umupo sa tabi ko.
"Kasi may sumpa ang pamilya namin." Sagot ko naman.
"Oh tapos?"
"24 na ako. At sa susunod na dalawang buwan na ang birthday ko. Kapag hindi pa ako nakapag-asawa sa edad na 25 ay hindi na ako magkaka lovelife at magkaka anak forever and ever."
"At bakit ako pa?"
"Marami din naman akong na alokan na proposal na to. Pero ayaw nila pumayag."
BINABASA MO ANG
The Boy In My Closet
General FictionAnong gagawin mo kapag may nakita kang lalaki sa loob ng iyong palda este sa Closet pala? Paano kung Gwapo at may abs pa? Anong gagawin mo? A. Sasampalin mo? B. Hahalikan mo? C. Gagahasain mo? D. Pababayaan mo? Tunghayan natin ang napaka...