Be fan, Have Fan, Be Electric fan!
--------------------------------------------------------
Asyang POV:
Kinabukasan....
Nagising ako dahil sa mainit na sinag ng araw na dumampi sa balat ko. Ang aga-aga binubuksan na ni mama yung bintana!
"Ma'am gising na po kayo nakahanda na po ang almusal" Napatingin ako sa nagsalita. Hala sino tong mga taong to?! Wait bat ang dami naman nila?!
Napatingin ako sa mga mga babae. Yung iba may hawak hawak na ibat-ibang pagkain. Yung iba naman may hawak na towel at kung ano-ano pa.
"Nakahanda narin po ma'am yung Bathtub" TOLOGOOOOO?! MAY BATHTUB NA KAMI?!!!
Ay oo nga pala mayaman na pala kami. Eneeeebeee.
"Sige sige. Labas muna kayong lahat."
"Yes Ma'am"
"Ay teka! Simula pala ngayon hindi na ma'am ang tawag nyo sakin."
"Eh ano po?" Sagot ng isang BAGONG KATULONG namin.
"MA'AM DYOSA ANG PINAKA MAGANDA SA BALAT AT LAMANG LOOB NG LUPA, LANGIT AT IMPYERNO FOREVER AND EVER. Kuha nyo?"
"Yes MA'AM DYOSA ANG PINAKA MAGANDA SA BALAT AT LAMANG LOOB NG LUPAT, LANGIT AT IMPYERNO FOREVER AND EVER." Sabay-sabay na sabi nila bago umalis.
Napangiti nalang ako.
Humarap muna ako sa salamin at nakita ko ang isang dyosang maganda forever and ever.
"Ang ganda ko talaga." Pero napansin ko ang napalaking eyebags sa mata ko.
Kung pwede lang talaga ibenta ang eyebags, nagpuyat ka na nga nagkapera ka pa. At edi sana mas YUMAMAN pa kami.
May ishashare akong story sa inyo. Alam nyo ba nong nakaraang linggo bago kami yumaman ay pumunta ako sa isang mall tapos nag pakilala akong PANGET. Grabe walang naniwala!
---
Pumunta nalang ako sa CR at bininyagan ang bathtub ko.
Pagkatapos ko maligo ay pumunta na ako sa kusina. Nakita ko ang isa naming katulong dito sa bahay.
Kinalabit ko ito.
"Where's my mom?" Tanong ko dito
BINABASA MO ANG
The Boy In My Closet
Fiksi UmumAnong gagawin mo kapag may nakita kang lalaki sa loob ng iyong palda este sa Closet pala? Paano kung Gwapo at may abs pa? Anong gagawin mo? A. Sasampalin mo? B. Hahalikan mo? C. Gagahasain mo? D. Pababayaan mo? Tunghayan natin ang napaka...