RONNIE
Since gutom na ang lahat nag decide kami na pumunta na ng cafeteria. Walang bago mga babaeng ayaw matigil sa pagtitilian. Ewan ko ba di ba sila nagsasawa.
Papasok kami ng makita ko sila Abby, Erica at Faye may kaaway and y guest it right Yung transferee. Wow! Ang tapang netong bago na to ah!
"Sa susunod ayusin mo yang magaspang mong ugali pati na rin yung magaspang mong mukha"
Hindi ata alam netong babaeng to ang pinapasukan niyang gulo
"Aba tong babaeng to!"
Hahablutin na sana ni Abby yung buhok nung weird na yun kaso pinigilan siya ni Paulo
"Abby ano ba! Halata naman ikaw nanguna ang tapang mo parin, hindi porket ikaw ang leader ng sorority dito magmamatapang ka na"
"Hindi naman kami naging leader ng wala-wala lang noh! May araw din sakin yang babaeng hinayupak na yan!"
"Tama na nga yan! Tumabi nga kayo nakaharang kayo kakain kami"
Hinawi ko si Abby at Faye at umupo na sa pwesto namin
"Oh training na bukas maaga na gigising! Since nasa iisang condo unit nanaman tayo kasi pasukan na walang late magigising iiwanan ng coaster ha!"
Sabi ko sa kanila. Oo sa iisang condo unit kami. Malaki yung unit namin. May 2nd floor 2-3 person sa room syempre ang kasama ko si Zeus. Siya lang kasi may alam ng sikreto ko.
CONDO
Nagluluto si Nikko ng dinner. Naglalaro kami ng Xbox ni Jameson si Ryle at Mccoy ayun nagLOL si Tom, Zeus, Paulo at Jon ayan tulog! Si Jimboy naman gumagawa ng Rap si Luke naman nanunuod ng movie. Kanya-kanyang gawa.
Dinner na namin pakbet niluto ni Nikko
"Oh R2 wag ka pihikan kumain ka ng sitaw at okra"
"'Mamatay muna ko bago ko kainin yan"Ayoko talaga ng Okra at Sitaw ewan ko ba basta!
"Akala mo mamatay ka e masamang damo ka kaya lagi ka nga nasa deans office eh"
Nagtawanan sila pwera kay Zeus
"Di magandang biro yan"
Saway ni Zeus kay Ryle"Sorry na kuya"
GYM 5:00am
Training! Training! Training!
Balik training na kami. Oo 5am kami nagstart ngayon tuesday kasi may 10:00 am class kami.
Syempre usual routine warm-up for stamina and strenght pati na rin speed tapos basic shooting skills, build plan namin for the team.
2 hours na nakalipas. Nakakapagod. Naninikip na dibdib ko senyales na para magpahinga
"R2, ok ka lang ba? Pahinga ka muna baka atakihin ka ng asthma. Ok lang yan first day pa lang naman. Masasanay uliy yang katawan mo. Ok break 1hour"
Pumunta kami lahat sa bench. Kinuha ko inhaler ko at nag inhale.
"Ok ka lang ba r2?"
"Oo naman Coy! Ako pa ba sanay na ko sa ganito"
BINABASA MO ANG
Dahil sa planner
FanfictionThis is just a fan fiction for SueNie. Thank you sa pag support kay R2 sa MMFF entries niya. No Hate Please. Read. Read. Read.