PART 5

4 0 0
                                    

SUE

Ang inet...

Ang tagal naman netong braindead zombie na to. Parang ang layo ng cafeteria sa gym ah!



Sige lang ako ng paypay ng mapansin kong nakatayo siya sa may entrance ng gym. Nilapitan ko siya. Para kasi siyang na istatwa na dun sa kinatatayuan niya.



"Huy! Laway mo tutulo na!"



"Ang...... ang... ganda!!!!" O.O

"Nino ko? Bagay ba sakin yung gupit ko?"



Bigla siyang umiling iling

"Ang ganda nung script natin  kasi ako gumawa. ANong pinagsasabi mong ang ganda mo? Tska bat ka nagpagupit? Mas lalo kang nagmukhang lalaki. HAHAHAHAHAHAHAHA"






"Sige tawa mo pa! Pastilan!"

Lait lang talaga matatanggap ko sa Braindead zombie na to. Kaya nasanay na ko dito. Ilang linggo na kaming ganito. Mas madalas ko na kasama tong si Alonte dahil dito sa project na to kesa sa Bes ko. Ang busy na niya kay Nikko. Ewan ko ba sa dalawang yung kung lumalablayp na ba yun.



Kapag nag kakasama kami nun ni Bes , wala yung ibang bukhang bibig kundi si Nikko. Diba ganun daw yun kapag inlove ka sa tao. Siya lagi ang bukang bibig mo.



Ano ba to si Alonte kanina pa to tulala.

"Huy ano ba! kung di lang kita kilala mapag kakamalan kang baliw. Kanina ka pa tulala. Wala ka bang kain?"



"Bakit ba. Di ba pwedeng wala lang ako sa mood"



"Wala sa mood sus! Tigilan mo ko Alonte"



"Ay oo nga pala mamayang 5 may training na kami pero hanggang 8 lang yun. Gusto mo sa condo na lang tayo magpractice. Mas ok pa kasi walang makakakita. Mamaya may mang gaya"



"Ok. wala naman ako magagwa diba?"



"GOOD!"

ilang minuto na lang naman 5:00 na rin. Nagpaalam siya na magbibihis lang siya.

Tagal ah. Isa-isang ng nag datingan mga team mates niya at pumasok sa Doug out.

Pag labas ni Alonte. Woooh. Ang gwapo niya pala talaga o.o

Nagblink blink ako. Kinusot ko mata ko baka naman namamalikmata lang ako sa brain dead zombie na to pero hindi! ANG GWAPO NIYA BESH!!!!!!!

Omayghad ang puso ko. Hindi pwede to. Sue hindi pwede! Tandaan mo hindi ka pwede mainlove!

"Hoy! Anong nangyayare sayo!"

"Ay! Anak ka ng tinapang brain dead zombie! Ano ba ba't ka ba nangugulat!"

"Wag ka kasi diyan sa bench namin dun ka oh! Para kang baliw diyan nagsasalita mag isa!"

Ok na sana eh! Gwapo na! WALA NGA LANG MODO!

Pero gwapo talaga. Pwede bang crush lang? CRUSH lang naman. Pag hanga!

Kinuha ko planner ko/journal na rin

SEPTEMBER 21
Nakita ko si Crush sa Gym. Alonte my Prince Charming. Ang gwapo niya talaga pag sweaty look

Prince Charming? Nagulat ako sa nasulat ko. Di ko naman ma erase kasi permanent ink gamit ko and ayoko ng bura-bura sa planner ko.

Sana! Soon!.........

Andito ako ngayon sa room ko. Di na natuloy yung practice nung 21 kasi daw sumama pakiramdam ni Alonte, sabi sakin ni Zeus.

Ilang araw na di pa pumapasok yun ah. Ano na kaya nangyare dun?

Text ko kaya? Wag na lang baka sabihin nun nami-miss ko siya! Lelang niya!

Nasa class ako ngayon ng Mechanical Engineering namin. Only subject na hindi ka classmate ang hashtags!

Ewan ko ba bakit ako nahiwalay eh pareho lang naman ng oras at konti lang sila tapos kami super crowded dito.

"Class, maglilipat ako ng student sa kabilang section. Since yung iba ka block naman sila kayo na yung ililipat ko para di na kayo mahiwalay. Ok you may leave the classroom and proceed to your class"

Nagbabasa ba ng utak to si sir? Grabe. 

Bali 10 kami na lumipat pagpasok ko unang bumungad sakin ang mukha ng hashtags kaso parang may kulang


WALA SI ALONTE



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dahil sa plannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon