Problema Ng Matatakaw

56 0 0
                                    

Ang sarap tignan lalo na kung gutom ka

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang sarap tignan lalo na kung gutom ka. Sobrang sarap sa panlasa lalo na sa una.

Pagkasubo ng isang kutsara, gutom ka pa. Ngunit nang maubos ang isang plato, tila busog ka na.

Pero dahil ayaw mong masayang ang perang barya, nagdagdag ka pa ng pagkaing malasa sa platong maganda.

Sobrang sarap sa pangalawa dahil gutom ka pa. May pesto pasta, tubig at fanta, isdang walang lansa, at mushroom rice pa.

Pero dahil hindi ka pa rin makuntento, at gusto mong sulitin ang gabing ito, sinunod mo pa rin ang utak mo kahit na ayaw na ng tiyan mo.

Sa pangatlong plato, pangalawang subo, halos ang buong katawan mo na'y manlumo. O 'di kaya'y, ayaw mo nang sumubo?

Pero hindi ka naman masisisi lalo na kung ang mushroom at pinya ay napaghalo mo sa isang subuan pa. Nakakasuka naman talaga. Mukhang, magkakatrauma ka pa yata sa mushroom at pinya.

Ngunit hanga din ako sayo dahil natiis mo, at kahit papaano ay nalunok mo. At alam ko ang ibig na dahilan mo. Naisip mong madaming nagugutom at napakapalad mo dahil nakakakain ka ng ganito. Tama 'yan, ipagpatuloy mo.

Sa sunod mong pagsubo ay nabuo na talaga ang desisyon mong sumuko dahil sa maasim mong nasubo. Hinawakan mo agad ang papel sa tabi mo at handa ka nang iluwa ang sinubo mo ngunit natigilan ka dahil sa sinabi ng lumapit sayo.

"Masarap po ba ang pagkain?" Sabi ng waiter na nakatayo sa harap ninyo ng mama mo at kapatid mo habang may napakagandang ngiti sa kanyang mga labi.

Gusto mo na sanang iluwa ang nasa bibig mong nakumbok na ngunit ayaw mong manghinayang siya kaya nilunok mo ito isa-isa. "Oo masarap!" Mas lalo ka pang nakunsensyia dahil sa sinabi ng inyong ina.

Buti nalang at nakhinga ka pa matapos mong maubos ang isang palanggana.

Ininom mo ang tubig sa 'yong baso ngunit nalasahan mo muli ang nagpahirap sayo kaya halos mibuga mo na naman ito.

Natapos ka na sa misyon mo pero hindi ka pa rin nakuntento.

Nais mo sanang kumain nang prutas dahil may masarap itong katas.

Naalala mo rin ang payo ng 'yong ina na hindi nakakabusog ang prutas at ito'y makatutulong pa. Sakto, ang paborito mo pa ang nakabandera.

Kumuha ka na ng madami dahil ayaw mo ng paisa-isa ang kuha at nakakatamad na.

Una mong tinikman ang paborito mong laman, at mabuti dahil maganda ang kinalabasan.

Hindi ka nasuka at nakatulong ito sa 'yong panlasa.

Ngunit ito ang nagpabago muli sa kapalaran mo, ang panglawang tinikman mo.

Hindi mo alam kung anong magiging itsura ng mukha mo dahil sa lasa nito dahil nalaman mong, tulad ng gamot ang lasa nito.

Swerte mo nga lang dahil kaunti lang ang nakuha mong malas at mas marami ang masarap na prutas.

Ito ang payo ko sayo...

Ito ang payo ko sayo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lunukin mo...

Problema Ng MatatakawWhere stories live. Discover now