Siya ang tatay ko, ang asawa ng nanay ko......
Ang Tatay kong clown.
Mahilig siyang magpatawa, kaya maraming taong gusto siya.
Pag siya ay nagsalita, madami akong natututunang bagong mukha.
Siya ay may "friendly" at maamong mukha. Kaya masaya at komportable siyang kasama.
Madaling 'makipagclose' kumbaga.
Mahilig din siyang mamigay ng mga pagkain sa iba.
Kaya pagbukas ko ng ref, wala na! Kasi inubos na niya.
Kaya naman lagi siyang pinapagalitan ni mama kasi inuubos niya yung pagkain na dapat para sa amin.
Pero ito ang hinahangaan ko sa kanya. Ang mas unahin ang kapakanan ng iba kesa sa sarili niya.
Sabi nga nila 'give and it will come back to you'. Pero hindi ito ang bagay sa kanya.
Kasi wala naman siyang hinihintay na kapalit kapag tumutulong siya.
Ang bagay sa kanya 'it's better to give than to receive'.
Kasi makita lang niya ang mga ngiti ng mga taong tinulungan niya, bumabalik ang energy niya kahit pagod na pagod na siya.
Napakaganda ng mga ngiting kusa na makikita mo dahil sa mga munting bagay na magagawa mo.
Dahil hindi naman talaga nabibili ng pera ang tunay na kaligayahan ng tao.
Kung mababasa nga ito, napakabuting tao nga ng tatay ko.
Mukha siyang 'friendly', maamo, 'cute', at kung ano pa.
Pero wala nga naman kasing taong perpekto. Kaya hindi parin perpekto ang tatay ko.
Dahil kapag siya ay nagalit, tumakbo ka na.
Ang sabi nga nila, 'wag mong gagalitin ang taong masiyahin.'
Para siyang dragong bumubuga ng apoy habang hinahanap ang biktima niya.
Kaya pag naging dragon si papa, tabi-tabi muna. Kasi baka bumuga na.
Walang sinumang taong nangahas para kalabanin siya.
Pero pagdating kay mama, takot siya. Ang mabangis na dragon, nagiging maamong tuta sa harap ng agila.
Kaya kahit anong tapang ang iharap niya, basta pagdating kay mama, taob parin siya.
Ito rin ang gusto ko kay papa. Natatakot siyang magalit si mama sa kanya kasi nga mahal na mahal niya.
Pagkatapos ng transformation niyang maging dragon, na naging maamong tutal sa harap ng agila. Back to clown ulit tayo.
Ito rin ang maganda sa kanya. Kahit magalit siya, wala siyang tinatanim na kung ano mang galit sa puso niya.
Siya pa mismo ang hihingi ng tawad kahit na siya ang tama at ang isa ang mali.
Kasi sabi nga niya 'we need to humble ourselves'. Kasi saan ka naman madadala kung pride pa ang paiiralin mo? Pride rin ang sisira sayo.
Palagi ko nga ring tinatandaan ang mga pangaral niya samin ng mga kapatid ko.
'Ang mga taong mapagmataas, sila ang ibinababa. At ang mga nagpapakumbaba, sila ang itinataas.'
At totoo nga, marami na akong nakitang ganon.
Sabi pa nga niya, 'Masama ang gumanti sa taong gumawa ng masama sayo. Wag ka nang gumanti dahil ang Diyos na ang bahalang gumanti para sayo. At kapag ang Diyos ang gumanti para sayo, mas malala pa kesa sa binabalak mo.'
Ito ang pinaka hinahangaan ko kay papa. Maka-Diyos siya. Bago ang lahat, si LORD muna.
Kaya nga lumaki kami sa presensiya ng Diyos na aming pinaglilingkuran.
Nakikita ko lagi si papa, araw-gabi umaalis siya. Ginagawa niya yun para mapalago pa ang Church.
Minsan nga nagtatampo na ako dahil hindi na namin siya madalas makasama pag kami ay umaalis.
Minsan o kaya madalas ihahatid niya lang kami sa mall para mamasyal tapos aalis na agad siya ng hindi man lang bumababa ng sasakyan.
Sobrang konti nalang ng time na nakakasama namin siya sa bahay. Tulog na kami pag dumadating siya dahil maaga pa ang pasok namin bukas sa school.
Minsan nga naiisip ko, pano kaya pag hindi naging Pastor si papa? Edi masaya sana kaming nakakapagbonding ngayon.
Mabubuhat niya ulit ako tulad ng dati nung bata pa ako. Makakasama siya samin papunta sa mga mall or park.
Makakasabay namin siyang kumain, tabi tabi kami matulog. Close na close parin kami tulad ng dati.
Hindi na kasi ako sanay na makasama si papa dahil palagi nalang siyang wala kaya hindi na rin ako masyadong naging close sa kanya tulad ng dati nung bata palang ako.
Minsan hinihingi ko kay LORD na makasama namin siya kahit minsan lang makasama namin siya.
Kasi miss na miss na miss na miss ko na talaga siya.
Pero bakit ganon? Kapag nandiyan siya parang ang layo ko parin sa kanya.
Kapag nandiyan siya Hindi na ako nasanay magsalita sa harap niya.
Bakit parang nahihiya na ako sa kanya kapag kasama ko siya?
Parang hindi ko na kasi tatay yung kasama ko eh, para na siyang ibang tao sa paningin ko dahil sa sobrang dami na nang panahon na wala siya sa tabi ko.
Hindi na ako sanay na kasama siya kaya hindi ko man ginusto, napalayo na ang loob ko sa kanya.
Pero isang araw, naisip kong mali ang nagawa ko.
Ginagawa niya lahat ng iyon para kay LORD. Kapag nga si LORD ang sentro ng buhay niyo, kahit kailan hindi mawawasak ang pamilya niyo.
Mali ang nagawa ko dahil pinagdamot ko si papa sa iba. Ginagawa niya ito para maraming maligtas at mamuhay sa katotohanan.
Ang Panginoong HESUS, kahit kailan hindi niya pinagdamot ang buhay niya para tayo ay maligtas.
Lahat ng sakit tiniis niya para lang tayong makakasalanang tao ay maligtas.
Sino pa kaya tayo para magdamot diba? Wala tayong karapatan magdamot.
After my realization, nanghingi ako ng tawad kay LORD. Dapat hindi ko inisip na sana hindi naging Pastor si papa dahil ito ay isang napakalaking blessing.
Kapag gipit kami, kailangan namin ng tulong, maraming problema, nandyan ang Church para damayan kami.
Sila ang pamilya na binigay ni LORD samin.
Naisip ko rin na napakapalad ko kasi lumaki ako na kilala ang Diyos at alam kong ginagabayan niya ako san man ako magpunta.
Kung wala siguro ako kay LORD, malamang sira na ang buhay ko.
Kaya hindi man kami sobrang close ni papa ngayon tulad ng dati, hindi niya na kasi ako binubuhat eh.
Syempre naman kasi malaki na ako. At least komportable na ulit akong kasama siya, at ramdam kong may tatay parin akong clown hanggang ngayon.
Wakas
YOU ARE READING
Problema Ng Matatakaw
RandomMga kwentong hango sa hindi malamang dahilan. Isinulat para sa katuwaan lamang ngunit naglalaman naman ng makabuluhang hapunan (wala ng maisip kaya ayan na lamang). Mga ala-alang hindi makalimutan. Mga memoryang masarap balik-balikan. Halika at sama...