Oh, buhok ko! Buhok ko! Buhok ko! Buhok ko! Bakit kailangang magkaganito?!
Oh, mahal ko! Ang sakit sakit lang talaga! Ang sakit lang talagang tanggapin na putol ka na sa buhay ko mahal kong buhok kooo!!!
Oh, buhok ko! Ang dami ko nang napagdaanan na kasama kita sa buhay ko! Paano na ako ngayong wala ka na sa buhay ko, mahabang buhok ko?!
Parang dati lang, sobrang haba mo. Sa sobrang haba mo, napagdesisyunan ko ng putulin ka dahil nabibigatan na ako sayo.
At nang putulin ka na, sobrang saya ko. Sobrang saya ko dahil sa wakas, gumanda na ang pangit na buhok ko.
Pero panandalian lang iyon, dahil nanghinayang ako. Nanghinayang ako dahil sa sobrang haba ng panahon na pinahaba kita, bakit ngayon ko pa napagdesisyunan na putulin ka?!
Pati ang taong nakapaligid saatin ay nanghinayang din dahil sa sobrang laki ng naibawas sayo.
Nanghinayang sila dahil nawalan sila ng libangan, kalaro, at ikaw lahat iyon buhok ko. Pero nanghinayang ako dahil nawalan ako ng kaibigan at ng taguan.
Namiss kitang tirintasin, buholin, suklayin ng mahabang oras at taliin. Pero sana, malaman mo kung anong dahilan ko kung bakit kita pinutulan.
Balak ko sanang iregalo ka sa tatay ko. Ireregalo sana kita sakanya dahil kalbo siya.
Pero, naisip ko na hindi pala pwede. Hindi pala pwede kasi pangit ka.
Nagdaan ang panahon, lumipas ang mga araw at muling humaba ka. Humaba ka, humaba ka nga ngunit hindi naman kita naalagaan. Kaya ang ending, basurahan parin ang bagsak mo.
Kaya sorry, sorry talaga dahil hindi kita inalagaan, hindi kita naipaglaban. Nangako ako sayo na hindi na kita pababayaan at ikaw ay aalagaan. Ikaw ay muling pahahabain at hindi na muling puputulin.
Ngunit heto ako ngayon, nagluluksa sa pagkawala mo. Nagluluksa nanaman ako sa pagkawala mo sa buhay ko.
Pero sana, pakinggan mo muli ang dahilan ko. Sabi sakin ng nanay ko, trim lang ang gagawin sayo para gumanda muli ang buhok ko.
Nung una, ayoko pang pumayag dahil alam kong puputulin at puputulin ka ng manggugupit sayo. Nung una palang, alam kong hindi na siya tutupad sa usapan na konti lang ang ibabawas sayo.
Ngunit ako naman si uto-uto, pumayag parin na putulin ka sa kagustuhang gumanda ka. Ngunit heto ngayon ang karma, dinudurog ang aking puso sa iyong muling pagkawala.
Bawat pag-gupit na ginagawa sayo, oh buhok ko ay ang kagustuhang pumatak ng aking mga luha. Ngunit pinipigilan ko, dahil ayokong maging mahina.
Bawat bagsak ng mga naibawas sayo ay ang kagustuhan kong matapos na ito.
Masakit, masakit makita sa salaming aking kaharap ang iyong unti-unting pagkawala. Mas masakit pa ang pagkawala mo kesa sa sugat na nakukuha ko sa tuwing ako ay nadadapa.
Dahil ang sugat, gagaling din makalipas ang ilang mga araw. Ngunit ikaw, taon ang kailangan para ikaw ay muling bumalik.
At ngayon ngang tapos na ang pangtotorture sayo, ikaw ay tuluyan ng nawalan na ng koneksyon saakin.
Ang puso ko ay naiwang duguan. Ikaw ay naiwan sa sahig at ako'y walang laban.
Kaya sorry, sorry talaga buhok ko. Hindi kita muling naipaglaban.
Mahal na mahal kita buhok ko. Hanggang sa iyong muling pagbabalik.
Paalam.
--
SINONG BAGONG GUPIT DITO? DAMAYAN NIYO NAMAN AKO OH, IYAK TAYO. SORRY KUNG KORNI AT MEDYO EXAGGERATED, LAKAS LANG NG TOPAK KO NGAYON. :'(
YOU ARE READING
Problema Ng Matatakaw
CasualeMga kwentong hango sa hindi malamang dahilan. Isinulat para sa katuwaan lamang ngunit naglalaman naman ng makabuluhang hapunan (wala ng maisip kaya ayan na lamang). Mga ala-alang hindi makalimutan. Mga memoryang masarap balik-balikan. Halika at sama...