Perfect Muse

24 0 0
                                    

"Calling all the attention please! You have 3 minutes to prepare and after that, muses please come over here and tell us something about you, what is your team, and anything about you

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Calling all the attention please! You have 3 minutes to prepare and after that, muses please come over here and tell us something about you, what is your team, and anything about you."

Nagulat ako bigla sa narinig ko at kinabahan ako sa kinauupuan ko. Ang kanang paa ko ay nagsimula na namang gumalaw kahit na hindi ko naman sinasadya.

Wala namang ganito dati ha?

Sinubukan kong ikalma ang sarili ko at ngumiti ako para maiwasan ang kaba. Sinasadya kong takpan ng buhok ko ang 'Muse' na tatak sa likod ng damit ko dahil ayokong ipaglantaran na muse ako. Kaya ayokong sumali eh, kasi baka pagtawanan lang ako. Hindi naman kasi ako kagandahan eh at hindi ganon kataas ang self-esteem ko. Bakit pa ba kasi ako pinilit ni mama dito?

"2 minutes to go."

Mas lalo na akong nakaramdam ng kaba. Tinignan ko si ate Sabrina at mukhang kalmado lang siya. Isa rin siyang muse dito pero wala siyang uniform, pero kahit ganon pa man wala kang makikita na kahit na anong kaba sakanya. Sanay na siguro talaga siya sa mga tao.

Siniko ko siya. "Ate Sab, anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?" Nagaalalang tanong ko sakanya pero nakangiti parin ako para matago ang kaba ko.

"Wala lang, sasabihin mo lang kung anong pangalan mo, ganayn ganyan kunware 'ako po si charrrr." Pabirong sabi niya, tumawa nalang ako. Tinignan ko ulit siya at wala ka talagang makikitang bahid ng kaba sa mukha niya.

Hindi na ako nakatiis sa kaba ko. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat niya dahil kinakabahan na ako na para bang iiyak na 'ko.

Oa na kung oa pero ito talaga yung nararamdaman ko ngayon eh. Hindi naman kasi ako stage person and honestly, I hate attention.

Ang ayoko sa lahat yung lahat ng tao nakatingin sayo at ang attention nilang lahat ay na sayo, mas lalo lang akong nagiging kabado.

"1 more minute to go." Sabi ni mama.

Yeah, si mama ang emcee dito at si papa naman ang organizer. Kaya nga ako naging muse 'di ba?

Kung bakit ba naman kasi kailangang ako pa. Madami naman kasing mas maganda at mas babagay sa pagiging muse diyan kesa sakin.

Bakit ba kasi ako pa?

Nang makita ko na bakante ang upuan sa tabi ni papa, hindi na ako nagdalawang isip pa na pumunta duon at sinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat niya.

Right now, I really need his comfort.

Akala ko mawawala ang kaba ko pag nakatabi ko na si papa pero...oo nga, kahit papaano nawala ang kaba ko pero parang gusto ng tumulo ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Ang oa ko na siguro.

"Papa, ayoko ng sumali please?" Sabi ko

"Bakit naman anak, kaya mo 'yan. Just say your name, and then say thank you, yun lang. And then say..." May sinabi saking bible verse si papa pero hindi ko na matandaan. Hindi ko alam pero imbis na kumalma ako, mas lalo lang gustong tumulo ng luha ko dahil sa pagcomfort sakin ni papa. Natouch kasi ako sa sinabi niya. Ngayon nalang ulit ako nakasandal ng ganito kay papa. At sobrang saya ko na katabi ko siya ngayon para icheer up ako.

Problema Ng MatatakawWhere stories live. Discover now