Chapter 2

126 8 3
                                    

Chapter 2



Mapuputlang balat, malago at kulay pulang mga buhok, magandang hulma ng mukha, mapulang labi at kulay berdeng mga mata. Ganyan ko ilalarawan ang lalaking kanina lamang ay nagligtas sa akin. Sino kaya siya? Ililigtas kaya nya kami ni papa sa mga lalaking ito? Sana nga lang.




Nakatingin kaming lahat sa kanya habang naglalakad siya papalapit sa akin. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit ni isa sa mga lalaking nandito ay walang gumagalaw sa kanya. Hindi kaya isa siya sa kanila? Huwag naman sana, sana ay mali ang nasa isip ko.





Nang makalapit sya sa akin, agad niyang pinulot ang tuwalyang kanina lamang ay tinanggal sa akin ng manyak na lalaking nambastos sa akin. Binitawan na rin nya ako at agad na yumuko ng makita si Kuyang kulay pula ang buhok. Mukang tama ako, isa nga siya sa kanila.





"Isuot mo ulit ito" Malamig ang kanyang boses habang inaabot ang tuwalya sa akin. Kyaaah! Nakalimutan ko! Wala akong suot na kahit ano!




Mabilis kong kinuha sa kanya ang saplot ko at agad ko naman iyong ibinalot sa buong katawan ko. Nakatingin lang siya sa akin habang nagbabalot ako ng katawan.




Inilahad nya ang kanang kamay nya, parang may hinihingi siya mula sa kanyang likuran. "Ang mensahe mula sa palasyo." Sambit niya




"Ito po kamahalan"



Agad na may nag-abot sa kanya ng isang papel na nakarolyo.





Hinatak niya iyon pababa at sinimulan niyang basahin. "Ayon sa kasunduang pirmado ni Alex Reigh, ang kanyang unang anak na babae ay kukuhanin ng palasyo pagtungtong nito sa edad na 18 bilang parusa sa pagtataksil sa mga bampira."



Marahan siyang tumalikod at hinarap si papa na ngayon ay hawak ng isang lalaking kasama nila. "Huwag ninyong kunin si Alice! Parang awa nyo na, napamahal na sa akin ang anak ko na yan. Patayin ninyo nalang ako basta huwag ninyo siyang kukuhanin." Tumutulo ang mga luha ni papa kasabay ng pagtulo ng luha ko. Ano ba kasing nangyayari! Bakit wala akong alam dito, bakit hindi sinabi sa akin ni papa ang tungkol dito. Saka ano bang bampira ang sinasabi nila. Anong palasyo? naguguluhan ako.




"Kung gusto mong mamatay pagbibigyan kita" Biglang may binunot yung lalaking kulay pula ang buhok. Mayroon pala siyang katana. Itinutok niya iyon sa muka ni papa. Marahan niyang pinagapang sa pisngi ng papa ko ang talim ng katana. Bumulwak ang dugo sa maliit na sugat na dulot non.



"Tama na!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko na kasi kayang panoodin ang ginagawa niya kay papa. Napakalupit niya! "Sasama ako sa inyo! Huwag nyo lang sasaktan ang papa ko" Sigaw ko.




Humarap sa akin ang lalaking may pulang buhok. "Kung tutupad ka sa usapan, bubuhayin ko ang ama mo." Ani niya




"Alice huwag!" singit ni papa





Luhaan akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya at tinanggal ang mga dugong naroon. "Pa pangako babalik ako, masakit man sa loob kong sumama sa kanila pero mas masakit sa akin ang saktan ka nila. Pangako magbabalik ako"



Hindi ko na hinintay ang sagot niya bagkus tumayo ako at hinarap ang lalaking may pulang buhok.




"Sasama ako" Nagpunas na ako ng luha, sana ay tama ang gagawin kong desisyon.





"Magaling, siya nga pala. Louis, halika dito" utos niya na agad naman sinunod ng mga kasama niya. Lumapit sa kanya yung lalaking manyak na muntik nakong gahasain.



"Kamahalan, ano po ang ipaguutos ninyo?"




"Yuko"




"B-bakit po?" Peke ang ngiti niya habang nagtatanong.




"Yuko"



"M-masusunod po!" Agad siyang yumuko gaya ng inuutos ng lalaking pula ang buhok.





Halos atakihin ako sa puso ng makita ko ang ginawa niya sa kasamahan niya. Napahawak ako sa bibig ko nang makita ko kung paano niya ihampas sa leeg nung manyak yung katana na hawak niya. Natanggal ang ulo niya, bumulwak ang napakaraming dugo sa pugot na ulo.



"Para nga pala yan sa ginawa mo sa babae kanina." Ako ang tinutukoy niya. Pagkatapos niya ay agad niyang tiningnan ng masama ang tatlo pa niyang kasama. "Subukan nyong pangunahan ako , magagaya kayo kay Louis."





"Opo!"




"S-sino ba kayo! Sino ka ba?!" Sigaw ko dahil nawiwirduhan na ako sa kanila




Humarap sa akin ang lalaking may pulang buhok. Tinitigan niya ako gamit ang berde niyang mga mata.








"Ako si Prinsipe Jhared Rose" Ngumisi siya "Prinsipe ng mga bampira"


Red BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon