Chapter 3

107 5 0
                                    

"Kyaaah! Ano bang ginagawa mo!" Napatili ako ng bigla akong buhatin ni Jhared, Yung buhat na ginagawa ng mga ikakasal.

"Aalis na tayo" Sabi niya na wala manlang ka emo-emosyon ang boses

Sinipa niya ang pinto gamit ang isa niyang paa. Tumilapon ang pinto na gawa sa kahoy nang sipain niya iyon. Grabe ang lakas niya, ganyan pala talaga kalakas ang mga bampira.

Tumalon siya ng mataas ng makalabas kami. Napahawak nalang ako ng mahigpit sa kanya. Tumingin ako sa ibaba, at nagulat akong sobrang taas namin. Nasa itaas kami ng mga puno. Naiwan na si papa sa bahay. "Babalik ako papa, pangako" Sambit ko, at bigla nanamang tumalon si Jhared sa kabilang puno, at talon ulit. Hanggang sa pabilis na nang pabilis ang pagtalon niya. Sumunod na sa aming likuran ang mga kasamahan niya. Bakit naman sa taas pa kami ng puno dumaan, eh pwede naman sa baba. Ang wirdo talaga nila. Nagmuka na tuloy silang ninja.


-----

Makalipas ang ilang pinuto ng pagtalon-talon nila ay nakaaninag ako ng mga kabahayan na halos lahat ay gawa sa kahoy at bato. May kalumaan ang disenyo ng mga iyon.

"Waaah!" Napatili na lamang ako nang lumapag si Jhared pababa. Bumungad sa aking harapan ang isang malaking palasyo na may kalumaan. Napapaligiran ito ng mga damo at mangilan na mga puno.

Ibinaba ako ni Jhared sabay hawak sa braso ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ibinaba ako ni Jhared sabay hawak sa braso ko. "Nandito na tayo" Naglakad siya at mabilis akong hinigit papasok ng palasyo. Masyadong malungkot ang labas nito, ni isang tao o hayop ay wala kang makikita.

Subalit kung anong lungkot ng labas nito ay ganon na lamang ang ganda nito sa loob. Bumungad agad sa akin ang napakalawak na loob nito. Ang magagarbong kagamitan tulad ng mga gintong espada na nakasabit sa dingding. Ang mga baluti ng mga kabalyero na nakatayo sa nilalakaran naming pulang tela. Ang kanilang dingding na napapalamutian ng iba't ibang larawan at karamihan sa mga larawan, ay mga guhit ng mukha ng tao, o mas mainam siguro kung sasabihin kong bampira. Bawat isa sa kanila kasi ay nakalabas ang mga pangil. Gaya ng pangil ng papa ko kapag bilog ang buwan.

Sa lahat ng mga larawang nakasabit sa dingding , ang pinaka pumukaw ng atensyon ko ay ang larawan na nasa loob ng isang malaking kwarto, pero wala itong pinto. Madilim ang loob nito, nagkakaliwanag lamang dahil sa mga kandilang nakatarak sa isang kabaong. Naaninag ko ng kaunti na may laman ang kabaong. Hinala ko ay patay nga ang nasa loob non. May butas rin ang salamin non dahil may nakatarak na isang punyal sa dibdib ng taong nakalagay sa kabaong. Ang larawan ay nasa itaas nito na may mga kandilang nakatusok din sa may ibaba. Isang larawan ng lalaki na may kabataan pa ang edad. Maputla ang balat, mapula ang mga labi, kulay berde ang mga mata, at higit sa lahat ay kulay pula ang mga buhok.

Nilagpasan lamang namin ni Jhared ang kabaong na iyon. Patuloy kami sa paglalakad sa malawak na palasyo na ito. Maraming mga kwarto kaming nadaraanan. Maraming pasikot-sikot. May mga hagdan pataas. Kung hindi ka sanay sa lugar na ito ay maliligaw ka talaga.

Tiningnan ko ang mukha ni Jhared habang naglalakad kami. Kamukang-kamuka niya ang taong nasa larawan. Naguguluhan na talaga ang isip ko. Pero ano bang pakialam ko sa kanila. Ang gusto ko lang makauwi na. Ano kaya ang dahilan kung bakit nila ako sinama dito.

----

Sa Ilang minuto ng paglalakad huminto kami sa isang trono. May nakaupo na babae at lalaki na may suot na korona. Prinsipe si Jhared, siguro sila ang mga magulang niyaz sila ang hari at reyna.

Habang papalapit kami sa kanila napansin kong marami ng tao sa paligid. Hanggang sa parami ng parami. Naglalakad kami ngayon sa gita ng mga tao na nag-uusap at nakatingin sa amin.

Naaninag ko na din ang dalawa pang lalaki sa gilid ng hari at reyna. Nakaupo sila doon. May kasamang tig isang babae na nakatali ang kamay. May mga galos sila sa katawan. At ang lahat ay nakatingin sa akin. Nakangisi ang hari nila. Anong nangyayari.

"J-jhared, na-natatakot ako"

Huminto kami ng panandalian, hinarap nya ako. "Dapat lang matakot ka" Malamig niyang tugon at hinigit niya ako muli.

Huminto ulit siya bago tumungtong sa unang baytang nang hagdan. "Siya nga pala, wala kang karapatang tawagin ako sa pangalan ko."

Red BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon