"Magaling Jhared, sa wakas, pagkalipas ng tatlong araw nadala mo na rin ang pinapahanap ko." Tumayo ang haring may mahabang balbas at saka tinapik ang balikat ni Jhared. "Pero ang tatlong araw ay matagal kung ikukumpara mo sa tagal ng paghahanap na ginugol ng mga kapatid mo. Nahanap nila ang mga alay sa loob lang ng kalahating araw." Itinuro niya ang dalawa pang lalaki na nakaupo katabi ang mga babaeng sugatan at nakatali ang mga kamay."Ipagpaumanhin ninyo, subalit ang paghahanap sa babaeng ito ay masyadong mahirap. Nasa kalagitnaan sila ng kagubatan. Kailangan naming mag-ingat lalo pa at kabilugan ng buwan kagabi. Delikado kung makikita kami ng mga asong puti. Nakuha ko naman ang hinahanap niyo, kunin nyo na. Aalis na ako" Tinulak niya ako, dahil doon ay napaupo ako sa sahig.
Nakita kong tumayo ang sinasabing kapatid ni Jhared na nakaupo sa bandang kaliwa. Maitim at malago ang mga buhok niya, maputla ang balat, matangos ang ilong, at itim na itim ang kulay ng mga mata.
Tumabi siya sa hari, sabay tingin sa akin ng masama. Ngumisi siya sabay tingin kay Jhared na naglalakad paalis. "Hindi ka pa rin nagbabago Jhared, kapatid ko. Masyado kang maawain. Tingnan mo ang babaeng ito, ni walang galos. Paano mo siya nahuli ng ganito kalinis at kakinis, ni walang sugat. Huwag mong sabihin na hinyaan mong saktan ka ng bampirang ito at hindi ka lumaban dahil naaawa ka sa kanya."
Bampira? Ako? Hindi! hindi ako bampira. Isa lang naman akong tao. Muka ba akong bampira? Nagkakamali sila.
Tumayo naman ngayon ang lalaki sa bandang kanan. Ginawa rin niya ang ginawa ng kapatid niya kanina. Lumapit siya sa amin. Mahaba at kulay itim ang buhok niya, mapula ang mga labi, maputla ang balat, matangkad siya at nakasuot ng eyepatch sa kanang mata.
Itinuro niya si Jhared na patuloy pa rin sa paglalakad. "Ama! Yang lalaki na yan ay hindi karapat-dapat makuha ang trono sa inyo. Una dahil masyado siyang magal, ikalawa mahina siya at lampa! At huli masyado siyang maawain! Ni hindi niya nga kaya sigurong pumaslang ng isang daga!" Ngisi niya
Panandaliang tumigil si Jhared sa paglalakad, sabay harap sa kanyang kapatid. "Alam nyo Reyden" Tumingin siya sa lalaking naunang nang-asar. "Jin" ibinaling naman niya ang tingin sa lalaking ikalawang nagsalita. " Wala akong pakealam sa trono, kung gusto ninyo ay pag-awayan ninyo yan. Wala akong interes na maging hari. Naintindihan ninyo?" Malamig ang boses at nananatili siyang kalmado.
"Aba bakit ganyan ka magsalita! Ang yabang mo ah! " Ani ni Jin at nagtangkang sugurin ang kapatid niya na naglalakad na palayo. Napigilan naman siya ni Reyden
Bago makalabas ng aming lugar si Jhared ay muli niyang tiningnan ang hari. "Siya nga pala ama, pinaslang ko si Louis kanina dahil sa hindi pagsunod sa utos ko" Muli tumalikod siya at kinain na siya ng kawalan.
Nakita ko ang pagngisi ng kanyang ama, ang pag ngisi ni Reyden at ang pagkainis ni Jin. Umalis si Jin, pati na si Reyden. Kasabay ng pagpasok ng mga bampirang nakasuot ng kapa.
Mabilis nilang kinaladkad yung dalawang babae sa kung saan at sa iisang direksyon. Akala ko ay ligtas na ako, hanggang sa maramdaman kong may nakahawak na sa akin at mabilis akong kinaladkad sa kaperehong direksyon na pinagdalhan sa mga babae.
Patay, ano kaya ang gagawin nila.
-----
Dinala nila ako sa isang kwarto. Nasa loob si Jhared,mag-isa. Isinara nila ang pinto kapagka pasok ko.
Nakita kong panatingin si Jhared ng makitang naipasok na ako ng kwarto. Nakaupo lang siya sa isang upuan malapit sa long table na puno ng napakaraming pagkain.
"Ano bang kailangan ninyo sa akin? Sabihin mo nga , Jaja?"
Nanlisik ang mga mata nya at napatayo ang narinig niya. "Jaja??!! Saan mo naman napulot ang pangalan na yon ha?!" Lumapit siya sa akin
"Sabi mo kasi wala akong karapatang tawagin ka sa pangalan mo? " Tugon ko
Napakamot siya ng ulo " Umupo ka" Tinuturo niya ang mga bakanteng upuan. Ang sungit!
Umupo ako sa upuang malayo ako sa kanya. Naiinis ako sa kilos niya! Sa ugali niya! Ang angas akala mo kung sino!
"Bakit dyan ka umupo?" Tanong niya
"Wala kang pakealam" Malamig kong tugon
"Nakakainis kana ha, dito ka umupo sa tabi ko"
"Ayoko"
"Isa"
"Nye nye! Oo na! uupo na! Baka mamaya pugutan mo pa ako ng ulo dyan eh"
Hindi niya ako pinansin bagkus ay ibinaling niya ang paningin sa mga plato. Kumuha siya at iniabot sa akin.
"Kumain kana, alam kong gutom kana. Hindi sa nag-aalala ako sa iyo pero, basta kumain kana!"
"Ikaw?"
"Wala nang maraming tanong! Kakain kaba o pupugutan kita ng ulo?!"
"Sungit" Tugon ko
Kinuha ko ang plato at nagsimulang kumuha ng mga pagkain.
T
OB
EC
O
N
T
I
N
U
E
D
BINABASA MO ANG
Red Blood
VampireMatapos kuhanin ng royal vampires si Alice ay dinala nila ito sa lugar kung saan namumuhay ang mga bampira. Makayanan kaya ng isang mortal na makisalamuha sa mga nilalang na kinamumuhian nya?