"Ang dami naman nyan." Ani nya habang nakatingin sa plato kong puno ng pagkain.
Kumuha ako ng pagkain na kaya kong kainin dahil gutom na gutom na ako.
"Gutom ako eh! Kumain ka kung gusto mo"
"Ayoko, para sa iyo lahat yan. Kainin mo lahat ng kaya mong kain. Baka huling kain mo na yan." Napatigil ako sa sinabi niya
"Ha?"
"Biro lang, kumain kana"
Ang ingay niya! Binalatan ko yung saging saka ko ipinasak sa loob ng bibig niya. Itinapon ko sa sahig ang balat. Hindi naman nya nakita ang ginawa ko."Hayan para matahimik ka. "
Pinanlakihan niya ako ng mata. Haha, nakakatawa siya, ang sarap inisin. Parang bata.
"Siya nga pala, nasaan yung mga kapatid mo? Saka ano bang ginagawa natin sa kwarto na ito?" Nagtatakang tanong ko
Tinitigan niya ako sa mga mata ko. Naging seryoso ang muka niya at pakiramdam ko ay hindi maganda ang kasagutang ibibigay niya. Humingi siya ng malalim.
"Hindi ko pwedeng sabihin sa iyo. Malalaman bukas. Pero ang dahilan kung bakit nasa isang kwarto tayu ay kailangan kitang pahirapan, sa isang dahilan. Kailangan kong pahirapan ka, kailangan kong kamuhian mo ako, magalit ka sa akin. Subalit hindi ko kayang manakit ng isang babae. Malamang sina Reyden at Jin pinapahirapan na ang mga kasama nilang babae."
"Paano?"
"Kung anong paraan ang gustuhin nila? Hiwain, saksakin sa iba't ibang parte ng katawan. Basta kailangan kamuhian nila kami. Kailangan mamuo sa kanilang mga dugo ang galit, ang poot. "
Napalunok ako ng laway dahil sa narinig ko. "B-bakit?"
"Bukas ko sasabihin."
"Hindi mo ba ako sasaktan?"
Umiling lang siya
"Mabuti kang bampira Jhared" Nginitian ko lang siya sabay kagat sa kinakain ko. "Ang sarap talaga! Kumain ka na rin Jhared"
Umiwas siya ng tingin ng makita ko siyang nakatingin sa akin habang kumakain. Mahiyain siguro siya. Bahala nga siya, basta ako kakain ng madami. Magpapakabusog talaga ako.
"Ouch!" Daing ko nang bigla kong makagat ang labi ko. Ang takaw kase eh.
Medyo dumugo ng kaunti. Maliit na sugat lang naman.
"Anong nangya---- Dumudugo ang labi mo Alice" Ani niya, tumayo siya sa kanyang kinalalagyan. Humakbang ang mga paa niya, papalapit, papalapit sa akin.
Sobra ang pagkakatitig niya sa akin. Parang tulala lang siya. "J-Jhared ayos ka lang?" Tanong ko
Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hanggang sa makalapit siya sa akin ng tuluyan. Hinawakan niya ang ulo likod ng ulo ko at inilapit ang muka ko sa mukha niya. Tinitigan niya ako sa mata at ganoon din ako. Kaprasong-kapraso lang ang pagitan ng aming mga muka.
Tulala ang mata niya ngayon at mukang wala siya sa sarili. Iniwas ko ang muka ko. Umatras nalang ako nang makawala ako sa bisig niya. "Huwag kang lumayo Alice" Pilit niya akong sinusundan. Pero patuloy ako sa pag-atras.
Hanggang sa bigla nalang akong madapa dahil nakatapak ako ng balat ng saging na nasa sahig. Napaupo ako sa sahig. Sinubukan kong tumayo pero huli na ang lahat. Nahawakan ako ni Jhared sa aking leeg. Itinulak niya muli ang mukha ko papalapit sa mukha niya.
Napapikit nalang ako. Nagdikit ang aming mga labi,hinahalikan niya ako. Pilit akong kumakawala pero hindi ko kaya, ang lakas ni Jhared.
Patuloy lang siya sa ginagawa niya. Wala na akong nagawa, hinayaan ko nalang siyang gawin ang gusto niya. Kakaiba siyang humalik dahil pakiramdam ko ay pilit niyang sinisipsip ang mga likido sa loob ng bibig ko. Nararamdaman ko ring paminsan siyang kumakagat.
Natakot na ako ng sobra kaya inilabas ko lahat ng lakas ko. Nabitawan niya ako. Sinubukan kong tumakbo pero nahawakan niya ang pinaka ibaba ng tuwalya ko, na nagsisilbing saplot ko. Dahil sa lakas ng paghatak niya ay natanggalan ako ng saplot sa katawan at nawala pa ako sa balanse kaya napahiga ako sa sahig.
"J-Jhared tama na! Parang awa mo na!" Pagmamakaawa ko
Tinitigan niya ako sa mata. "Pakiusap, huling tikim na."
T
OB
EC
O
N
T
I
N
U
E
D
BINABASA MO ANG
Red Blood
VampireMatapos kuhanin ng royal vampires si Alice ay dinala nila ito sa lugar kung saan namumuhay ang mga bampira. Makayanan kaya ng isang mortal na makisalamuha sa mga nilalang na kinamumuhian nya?