I

570 17 0
                                    

Masayang nagkukwentuhan ang magkakabarkada sa loob ng sinasakyan nilang van. Binubuo ang magkakaibigan nina Daryl, Christian, Kenneth, Cathy, Joshua at ni Jessilyn. Si Joshua ang kasalukuyang nagmamaneho ng kanilang van. Ilang oras na rin ang binabyahe nila patungong probinsya, sa Ilocos. Balak nilang magbakasyon dito.

"So, pagkarating natin doon sa pupuntahan natin, saan naman tayo mag-ii-stay?" Tanong ni Jessilyn sa mga kaibigan.

"Oo nga. Saan tayo didiretso?" Tanong rin ni Kenneth na hindi rin alam ang patutunguhan.

"Edi maghahanap tayo ng matutuluyan roon." Sagot ng nagmamanehong si Joshua.

"Hinde..." Nagsalita si Christian, "May alam akong matutuluyan natin roon. Wag kayong mag-alala, malapit yon sa dagat na sinasabi niyong gustong gusto niyo."

"Ha? E paano ka naman nakakasiguro?" Tanong nanaman ni Jessilyn.

"Sigurado ako. May alam ako roon," Sagot ng kaibigan sa kanya, "Wag kayong mag-alala." Dagdag pa ni Christian.

Alas cingko na ng hapon at malapit ng maggabi nang marating na nila ang lugar na pupuntahan nila roon sa Ilocos. Narating nila ang isang baryo roon. Maraming kabahayan. Ngunit napansin nilang ganoong oras pa lang ay kokonti na lang ang mga lumalabas. Napapalibutan sila ng isang makapal na gubat. Matatayog ang puno.

Sa labas ng baryo, doon nila ini-park ang kanilang van. Sabay sabay silang lumabas ng naturang sasakyan. Ang mga tao, kapansing pansing matalim ang tingin sa mga dumating na mga bisita. Halos lahat ay nakatutok ang mga mata sa kanila.

"Daryl," Tinawag ni Cathy ang nananahimik sa gilid na kaibigan. "Tignan mo sila oh. Parang nakakita ng mga multo." Ang sabi nito kay Daryl.

Narinig ni Jessilyn ang sinabi ni Cathy, "Mga magagandang multo." Ang hirit nito.

"Pst! Guys, quiet. Mga bagong mukha ang nakita nila. Gaya rin natin, hindi tayo pwede agad agad pagkatiwalaan." Ang sambit ni Joshua.

"Basta wag lang kayong gagawa ng kalokohan." Ang sabi ni Christian habang nagsisimula ng humakbang papunta sa kinaroroonan ng mga mamamayan.

"Saan tayo pupunta ngayon?" Tanong nanaman ni Jessilyn habang nakikisabay sa paglalakad ng mga kaibigan.

"Wag ka na lang maingay. Hayaan mo sila." Ang sabi ni Cathy kay Jessilyn. Ngunit nagtaka rin ito kung saan nga ba pupunta, "Pero teka nga, saan nga ba tayo pupunta? Saan tayo tutuloy?"

"Sigurado ka ba dito, Christian?" Paninigurado ni Daryl.

"Oo, sigurado ako rito. Malapit na tayo." Ang sambit ni Christian sa mga kaibigan.

Pansin pa rin ng mga magkakaibigan ang mga nakatitig sa kanilang mga tao. Tila nagtataka kung bakit dito pa nila namiling magbakasyon. Kahit walang dahilan, may kung ano nang nararamdaman si Daryl. May nararamdaman itong kakaiba sa baryong iyon. Ngunit isinawalang bahala na lang niya ito sapagkat wala naming dahilan para maghinala.

 

"Nandito na tayo, guys." Sambit ni Christian nang tumigil sa tapat ng isang maliit na bahay.

"Dito? Dito tayo titira?" Paninigurado ni Jessilyn.

"Jessilyn. Wag ka nang mag-inarte. Buti nga may matitirhan pa tayo. Wag ka mag-alala, dalawang lingo lang naman tayo rito." Paalala ni Cathy na may halong pagkairita.

Dayo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon