Marahang lumulusot at nagtatago si Daryl sa mga maliliit na espasyo upang hindi mahuli ng mga naglilibot na Inigao. Pautak niyang nalalagpasan ang mga iyon.
Nang bigla na lamang nagulat si Daryl nang bigla siyang may narinig ng isang malakas na sigaw. Sunod sunod naman ang mga ungol ng babaeng ito. Madaling pinuntahan ng mga naglilibot na Inigao ang pinangyarihan ng sigaw. Gayon din si Daryl na pasimpleng nagtatago mula sa mga taong iyon. Nakita niya ang mga Inigao sa isang malaking espasyo, naroon sa gitna ang kanyang kaibigan, si Jessilyn. Nakagapos ang mga kamay at paa habang nakabitin. Pinalilibutan siya ng mga Inigao na sabik sa kanyang dugo't laman. Patuloy naming naghuhumagulgol sa sigaw at iyak si Jessilyn. Habang sa pagmamasid ni Daryl mula sa pinagtataguan niya ay nakita niya ang katawan ni Joshua. Wakwak ang tiyan at wala na ang mga laman nito. Sumigaw nanaman si Jessilyn hanggang sa nangyari na ang inaasahan. Pinatay siya ng mga Inigao, winakwak ang tiyan at kinain ng mga nagmamadaling Inigao ang mga lamang loob nito. Madugo. Madugong madugo ang naganap na iyon. Napakaraming Inigao roon at nagsisiksikan at gusto ring makakuha ng parte sa kinakain ng iba. Maaaring naroon na ang lahat. Wala nang nagawa pa si Daryl. Wala na ang mga kaibigan niya.
Mabilis naman hinanap at pinuntaha ni Daryl ang lugar kung saan nakakulong si Cathy. Hanggang sa nahanap na niya ito.
"Cathy!" Tinawag ni Daryl si Cathy habang nasa loob ng isang maliit na kahoy na kulungan at nakaupo sa isang tabi.
Agad naming nabuhayan si Cathy at agad na tumayo nang makita niya si Daryl, "Daryl! Nandito ka!"
"Ssshh. Wag kang maingay, Cathy. Pumunta ako rito para iligtas kayo." Paalala nito, "Sandali, maghahanap ako ng paraan para maialis ka dyan."
At nagpatuloy na sa paghahanap si Daryl na magagamit niya para masira ang kahoy na kulungang iyon. Hanggang sa makakita siya ng isang palakol. Laking gulat niya nang may makita siyang ganoon na pakalat kalat lamang. "Buti na lang!" Madaling kinuha ni Daryl ang palakol na iyon. Wala naman nakapansin sa kanya.Agad siyang bumalik sa kulungang at sinubukang sibakin ang kahoy na kulungang iyon. Nasibak naman niya ito at sinipa-sipa na lang ng may lakas hanggang sa tuluyan niyang masira ang kahoy na kulungang iyon. Nailabas niya si Cathy.
"Salamat, Daryl. Bumalik ka." Pasasalamat ni Cathy. "Ano? Nasaan na ba yung iba? Sina Joshua at Jessilyn? Baka nandito rin—"
"Wala na sila." Sabi ni Daryl.
"Si Christian... Traydor siya!" Sambit ni Cathy.
"Tara na! Umalis na tayo bago pa—" Nagulat si Daryl nang biglang may humablot ng hawak niyang palakol sa kanyang kamay at bigla siyang sinipa papalayo— si Christian.
"Ikaw?!" Gulat ni Cathy.
"Ang lakas ng loob mo para gawin to'! HA! Bakit? Nagpapakabayani ka?" Ang sambit ni Christian habang tinitignan ang dalawang kaibigan nito dati.
"Walang hiya ka! Traydor ka! Wala kang kwentang kaibigan!" Bulyaw ni Daryl kay Christian habang pinipilit na tumayo at inaalalayan ni Cathy.
"Kaibigan? Sa simula pa lang, hindi ko na kayo itinuring na kaibigan!" Sagot ni Christian.
"Ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Ikaw ang dahilan kung bakit tayo nandito! Ikaw ang nagdala sa amin dito!" Bulyaw ni Daryl, "HAYUP KAAA! Wala kang kwentang tao!! Ang sama sama mo!!" Galit na galit na sinasambit ni Daryl.
"Nagsasayang ka lang ng laway mo, pare! Kung ako walang kwenta, e ano pa kayo?!" Pang-iinsulto ni Christian.
Agad na inihanda ni Daryl ang nakuha niyang pana, susubukan kahit hindi pa nasusubukang gawin. "Walang hiya ka talaga!!" Sigaw ni Daryl hanggang sa itinira ang hawak nitong bow at pana ngunit hindi ito tumama kay Christian.
"Bwahahaha! Hindi mo pala kaya e!" Hawak hawak niya ang palakol at dahan dahang lumalapit kina Cathy at Daryl. "Oh, ano? Di mo kaya? Sige, itira mo!"
Hindi magawa ni Daryl na itira ang hawak niyang pana kay Christian. Hindi sa nahihirapan siyang itira ito kay Christian kundi nakokonsyensya siyang gawin iyon, na patayin ang isang itinuring na kaibigan. Ngunit nangibabaw sa kanya na ang kanyang itinuring na kaibigan, ngayon ay isa nang masamang tao. Kayat buong lakas niyang itinira ang pana at tumama ito sa katawan ni Chrisitan. Tumagos sa likod nito.
Hindi naman makapaniwala na nagawa iyon ni Daryl sa kanya, "D-Daryl? Bakit?!..." Habang natigil sa paglapit si Christian kina Daryl.
"Di ba nga sabi mo, hindi ka na namin kaibigan!!" At muli niyang itinira ang pana. At isa pa. At isa pa. At isa pa. Tumama ang limang panang iyon sa katawan ni Christian. Tagusan. Tumulo ang kanyang dugo. Hindi na nakapagsalita pa. Tumumba sa lapag si Christian at nalagutan ng hininga. Wala na ang dati nilang kaibigan.
Narinig nina Daryl at Cathy na nagkakagulo ang mga Inigao. Maaari'y narinig nila ang mga sigaw nila roon kayat naalarma sila. Nagsisimula nang maghanap ang mga Inigao.
"Anong gagawin natin, Daryl? Baka saktan nila tayo!" Pangangamba ni Cathy.
"Wag kang mag-alala, Cathy. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Nagkatitigan sina Daryl at Cathy. At biglang hinalikan ni Cathy si Daryl sa pisngi nito.
"Salamat, Daryl. Nandito ka." Sambit ni Cathy.
Napangiti naman dahil doon si Daryl ngunit hindi pa tapos ang kanilang kalbaryo, "T-Tara na!" Kaya't madali silang tumakbo papalabas ng kuwebang lungga ng mga Inigao na iyon.
Napansin na sila ng mga Inigao. Patuloy sa pagtakbo sina Daryl at Cathy. Pinilit ni Daryl na tumakbo ng mabilis sa kabila ng sugat ni sa paa. Hinahabol na sila ng mga Inigao. Patuloy lang sila sa pagtakbo papalabas ng kuweba. Nakita na nila ang labasan. Patuloy pa rin silang hinahabol ng mga Inigao. Takbo. Takbo. Hanggang sa marating na nina Daryl ang labas. Nakalabas na sila roon sa kuweba at muli nilang nasilayan ang sinag ng buwan. Napansin nila na hindi na sila sinusundan ng mga Inigao. Tumigil sila nang makalabas ang dalawa sa kanilang lungga. Marahil ay dahil nga sa hindi sila nalabas tuwing gabi.
Panatag na ang kalooban nina Cathy at Daryl. Ligtas na sila. Silang dalawa. Akay-akaya ang isa't-isa habang nagpapatuloy sa paglalakad papuntang dagat. Naroroon ang bangkang gagamitin nila sa pag-alis sa lugar na iyon. Wala na silang lakas. Kailangan na nilang magpahinga ngunit patuloy pa rin sila. Narating nila ang munting bangka. Naroroon lang iyon at hinihintay rin ang pagdating nila.
"Sumakay ka na. Aalis na tayo." Ang sabi ni Daryl. Tinanggal niya ang angkla. Kinuha ang dalawang sagwan na naroon at sinagwan ang bangka papunta sa dagat. Nakaupo lamang si Cathy. Tahimik ang dalawa. Ang gusto lamang ang makauwi na at makapagpahinga na. Payapa ang dagat, ang gabing yaon. Totoo ngang ang mga bakasyon ay hindi makakalimutan kapag kasama mo ang iyong mga kaibigan at mahal sa buhay. Hinding hindi nga makakalimutan iyon nina Daryl at Cathy. Ang bakasyong makapunta sa ginustong lugar at maging dayo roon.
Wakas.
BINABASA MO ANG
Dayo ✔
Mystery / ThrillerKwento ito ng magbabarkadang dumayo pa sa isang liblib na bario sa pinakadulu-duluhan at pinakasuluk-sulukan ng probinsya ng Ilocos upang magbakasyon. Doon ay madidiskubre nila ang pinakatago-tagong malagim na lihim ng isa pang bukod na pangkat ng t...