Chap. 05

1.3K 58 2
                                    

I'm sorry

"Nagustuhan kita hindi dahil sa itsura, nagustuhan kita dahil sa kung sino ka." 

                                                                        -Bryan James Velasco

VERONICA'S POV


Di naman talaga ako aalis eh. Kineme ko lang yun para magtino yung dalawa. Tsaka buti na lang sabado pala ngayon at walang pasok.

Ay wait! Bakit ako umakyat?! Bobitaaaa!! Nasa baba kwarto ko!! Kwarto toh ng mga boys eh!!

Napakamot naman ako kagad ng ulo.

"Yung feeling na ang ganda ng exit. Mali naman ang pinag exitan. Hahaha." Napalingon ako sa nagsalita si Brent. Nakangisi pa ang loko.

"H-Hindi noh! Nagmuni muni lang ako dito.." Palusot ko at tumingin tingin sa paligid.

"Sus! Hahaha, keriboomboom paw lang yun! Tell me? Di ka naman talaga aalis noh?" Nakangising sabi niya. Tae. Pano niya nahulaan?

Napakamot na lang ako ng ulo.

"Fine. Yes. Di naman talaga. Tsaka wala Kong uuwian dito sa maynila. Nasa province na kaya Si Lola." Naalala ko pala na tinawagan ako ni Lola nung nakaraan para sabihing lilipat na siya sa probinsiya namin.

"Nice. Wag kang aalis ah? Tayo na nga lang magkaibigan dito eh." Paawa epek niya kunware.

"Mukha mo. Tsaka di naman tayo friend, fuccboi ka kaya." Nirealtalk ko na siya para magtino. Bwisit din toh. Paasa rin ng mga babae sa school. The innocent one ha? Di yung mga akala mo bayarang babae makalapit lang sa tatlong ugok na toh.

"Ay. Ang sakit ah. Pero totoo naman eh. Pero promise! Pag naging mag best friend tayo titino na ako!" Tinaas niya pa yung kanang kamay niya na animoy nag mamatang makabayan ang peg.

Kita naman ang sinseridad dito eh. Sige na nga. Close naman kami nito. Kami lang halos magkausap one week.

"Sige. Kapag tumino ka na at wala ka ng babaeng kukuhaan ng pagkainosnete tsaka ako papayag na naging bestfriend mo. Kapag nakikita ko na nagbabago ka na, sige payag na ako." Ngumiti siya ng malaki. At isa kang napapansin ko sa lalaking ito. Bang weird din. Ay ewan!

Pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Please!! Wag ka na umalis!!" Sigaw niya habang nakayakap sakin at talagang umiiyak siya. Natataranta tuloy ako.

"Wag ka magsalita. May nanunuod satin. Umarte ka na lang." Bulong niya.

Nakatalikod kasi ako sa hagdanan, bali Si Brent nakaharap sa hagdan ako naman nakatalikod sa hagdan kasi nga magkayap kami. Ay! Iimagine niyo na lang 'day! Hahaha.

Pero sino kaya sa dalawa? Haaay. Hayaan mo nga.

"Pero Brent, di na ko pwedeng magtagal dito. Di na ako welcome sa bahay natoh." Medyo umiiyak ko kunwareng sabi.

"Nice galing." Bulong niya. Suminghot singhot pa siya.

"Payakap na lang ak--"

"Walang aalis." Matigas na sabi nung nasa likod ko.

Si Bryan James. My Hayme!

Humiwalay na Si Brent, at nagulat ako. Talaga pa lang may luha siya.

Galing. Nadala siguro. Hahaha. Yumuko lang ako kunwari at nagpunas ng luha kahit wala naman.

"Sige, alis muna ako. Mag usap muna kayo." Malungkot na sabi ni Brent. At bumaba na.

STATUS: In a RelationSHRIMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon