CHAPTER 36 - T. PORTION

763 25 4
                                    

JAME'S POV

Ngayon niyo lang ulit malalaman kung anong nasa loobin ko.

Okay lang ako.

Basta makita ko siyang masaya. Masaya na rin ako.

Alam Kong linya yan ng mga hopeless romantic. Pero yun yung totoo. Kahit medyo masakit.

Namimiss ko na nga siya eh. Alam niyo yung.. My love is 100m in front of me?

Alam ng utak at katawan mo na nanjan lang siya sa tabi tabi. Pwede mong mahatak para masolo at kausapin.

Pero dahil may emosyon ng nainvolve, parang lumalayo yung mga bagay na gusto mo.

Nanjan na nga siya sa tabi mo Pero parang malayo kasi may ibang nagpapasaya sa kaniya.

Di ko rin naman inisip na Si Inigo? Magkaka interes Kay Nica.

Di naman sa sinasabi kong walang nagkakagusto Kay Nica. Talagang alam kong mapili yan Si Inigo.

Gusto niyan. Maganda, maputi, sexy at kung ano ano pang bagay na gusto ng isang womanizer na lalaki.

Malibog yan eh. Alam Kong Inigo is always Inigo.

Ayokong lang masaktan Si Nica sa dulo. Parang di ko kakayanin na makita na naman siyang umiiyak.

"Kailangan mo ng tulong?" Napatingin ako sa gilid ko.

"Sige patadtad pa ng konte yung mga repolyo tsaka yung mga carrots." Binaling ko na lang ulit yung tingin ko sa niluluto ko.

Nagulat ako ng dumating Si Leah dito. At nagulat pa ko kasama niya sila Inigo at Nica na dapat Ay may date para sa Gabi na yun.

Siguro na carried away lang siya at nakalimutan yung date. Pero kita ko sa Mata ni Nica yung lungkot.

Yung lungkot nung makita niya na kami lagi ang kasama ni Leah. Alam kong pekeng ngiti lang yung pinapakita niya dati. Nasasaktan ako. Gusto ko siyang yakapin Pero di ko magawa.

Di pa namin na eexplain Kay Leah yung lahat.

Na Hindi na siya yung umiikot sa mundo naming tatlo.

"Marami na yatang nagbago." Pagbasag niya sa katahimikan kasabay ng Pag tunog ng sangkalan sa bawat hiwa niya ng mga gulay.

"Marami na nga. Sobrang dami." Nasabi ko na lang.

Nung unang araw, oo. Nagulat ako ng dumating siya at sobrang excited namin. Pero nung mga kinabukasan, wala na eh. Nothing special.

Di katulad noon na kapag nanjan siya kakabahan kaming tatlo. Iba na yung tingin naming tatlo Kay Leah.

Hindi naman sa masama ang ugali niya. Mabait nga tong Si Leah eh. Ang ayaw niya lang yung may kumukuha ng gusto niya. 

At simula rin nun, naging cold ako sa kaniya. Di naman sa sobrang cold ayoko lang na kausap siya palagi.

Kasi Si Nica lagi ang nasa isip ko.

"Dahil ba Kay Nica?" Napatingin ako sa kaniya. Wala man lang bakas ng galit o kung ano pa man. Gusto niya lang siguro malaman.

"Oo. Dahil sa kaniya." Nagpatuloy lang ako sa paghahalo ng mga sahog para sa Chapsuy.

"Kita ko nga sa mga Mata niyo kung paano niyo ako tinitingnan dati. Kung paano niyo ako tinitingnan dati na nakikita kong Kay Nica niyo na inilalaan." Napalingon ako sa kaniya. Nakangiti naman siya. Pero bakas sa boses niya at reaksyon niya ang panghihinayang.

STATUS: In a RelationSHRIMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon