CHAPTER 54 - SULAT

595 30 4
                                    

NICA'S POV

Honestly, hindi ako natatakot. Naaawa ako.

Naaawa ako sa nakikita ko. Sa tingin ko parang ang alam lang ni Zac tulog lang yung babaeng pa sleeping beauty. Patay naman.

Nilibot ko yung paningin ko. Anong gagawin nila jan? Sa mga babae?

Dalawa lang ang nasa kulungan at kung mamalasin pa sila pa yung mga kakilala ko sa school. Kung tititigan kasing maigi, parang ang dami nang nangyari dito. Parang marami nang namatay sa lugar na ito.

"Zac, labas na muna ako. Para di makahalata ang mga tao sa labas. Ramdam kong naghihinala na sila satin. Labas na ko." Seryosong sabi ni Lawrence.

Di na niya inantay na sumagot Si Zac agad agad siyang lumabas at iniwan na kami. Yung mga tauhan niya nasa labas lang at mukhang nakikiramdam.

Rinig ko hirap sa paghinga nila Bella tsaka ni Margaret. Nasa loob sila at ako?

Nandito lang ako nakatali sa upuan at parang lahat ng maaari kong masaksihan makikita ko yata ngayon.

"Zac.." Pagtawag ko ng pansin dito.

Hindi siya umimik. Nanatili lang siyang nakatabi sa bangkay at sinusuklay lang nito ang buhok niya.

"Zac, itigil mo na to.. Matagal na siyang patay!" Bulyaw ko.

Hindi na maganda ito eh. Kahibangan na ito!

"Huwag kang maingay!!! Natutulog pa siya!!!!" Halos umalingawngaw ang boses niya sa lugar na ito.

Nanlilisik ang Mata niyang nakatingin sakin. Nakakapanibago na wala siyang salamin. Props lang ba yun?

"Sa ginagawa mo hindi mo pinapatahimik ang kaluluwa niya!!! Sa ginagawa mo siya ang nahihirapang makaalis dito!! Hindi siya tulog!! Patay na siya!! Patay!!!" Sa sobrang inis dahil wala akong magawa napaiyak na lang ako.

Natulala siya sa sinabi ko.

"Marami ka nang Hindi magandang Nagawa.. Itigil mo na to Zac. Huwag mo nang dagdagan pa.." Pakikiusap ko.

Nanatili lang siyang nakatulala at parang naluluha na siya.

"Gusto mo na bang malaman yung nangyari sa susunod na episode?" Nakangiti siyang pilit.

Naalala ko yung eksena namin sa Cloud 9. Tinanong ko siya kung anong sunod na nangyari. Sabi niya sa next episode na lang. Sa tingin ko ngayon na yun.

Tumango ako.

Gusto ko nang maging malinaw ang lahat. Di man ako involve dito, Pero bilang kaibigan na lang. Gusto ko pa iresolba ang buhay ni Zac na sa tingin isang kembot na lang, patapon na.

JAMES' POV

Paano niya nalaman ang lugar na ito?
Hanggat maaari ayokong nandito sila.

Lalo na Si Inigo. Baka maalala niya..

INIGO'S POV

Nakaupo ako ngayon dito sa sofa habang pinapaypayan ni Brent. Sila James at Jenine naman naglilibot ang mga tingin sa paligid.

"Kuya James!!!!" Mahabang tili ng isang batang lalaki at mabilis na tumatakbo papalapit samin. Kay James pala.

"Oh! Jayjay! Laki mo na ah." Sabay gulo niya sa buhok ng bata.

"Don't tell me, anak mo yan James ah." Natawa sila Leah at Jenine dahil sa sinabi ni Brent di ko rin naiwasang mapangiti. Kahit kailangan talaga.

Natawa rin Si Brent habang pinapaypayan ako.

STATUS: In a RelationSHRIMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon