CHAPTER 78 - FIGHT FOR ME

521 23 5
                                    


NICA'S POV 

"Kilala mo?" Wala sa sarili kong tanong.

Kahit sobrang lakas ng tugtog at halos mabingi ako dito. Paulit ulit pa rin na bumabalik sa isip ko ang imahe na yun.

Laplapan to the max? Sorry for my term pero nababanas ako.

Parang nung nakaraan lang halos mag ala prinsipe at parang napakaperpekto niyang lalaki sa paningin ko kapag sinasabi niyang mahal niya ko at di niya ko kayang iwan. Bullsh*t.

"Yeah. Lagi silang nandito tatlo." Ewan ko kung ilang oras na siyang nagpupunas ng mga baso. Magkano kaya sahod jan?

"K-Kasama ba nila yung babae? Kapag pupunta sila dito?" Ito na yung chance para kahit papaano aware ako sa ginagawa ng tatlo kong amo. Mga gunggong.

Sinilip niya yung babae sa likod ko. May humahatak sakin para lumingon pero ayoko. Nasasaktan ako.

"Hindi. Minsan kasama siya. Pero madalas silang tatlo lang." Medyo lumuwag naman ang pakiramdan ko dahil dun.

"Okay." Sabi ko na lang at pinaglaruan yung baso sa kamay ko.

"Uy bro. Wazzup?" Nakangiting sabi ni Chismosong waiter sa customer niya yata.

"Magulo pa den." Napatigil ako sa paglaro ng baso sa kamay ko. Boses ni Brent yun ah?

"Ikaw James?" Makahulugang ngisi ang binigay niya rito na parang may alam sa mga nangyayari.

Fvck. Confirmed. Sila nga.

"Complicated." Tumawa si Waiter at sabay na umupo yung dalawa sa tabi ko.

Ramdam ko ang presensiya ni Brent sa kanan ko. Katabi niya si James sa dulo.

"Fvck you. Hard drinks nga. Yung dati pa rin." Bored na sabi ni James. Bumuntong hininga naman si Brent.

Grabe sila. Di pa rin nila alam na nasa tabi nila ako?

"I miss her." Wala sa sariling sabi ni James. Natawa naman sj Brent na parang nangangasar.

"Ikaw lang ba? Maraming nagbago. At halos di na natin makilala ang isat isa." Malungkot na sabi ni Brent. May kinalaman ako sa usupan nila, alam ko.

"I miss Nica. The girl who wore a hello kitty-designed undies." Ramdam ko ang lungkot sa boses nila. May namuong luha sa mga mata ko. Ngayon ko lang narinig yung side nila. Di ko alam nangyayari sa kanila.

"But she's still beautiful and sexy." Tansa ko mga lasing na ito at parang may tama. Taena. Ganito ba sila mag pantasya sakin? Pag wala ako?

"Mga malilibog kayo. Pakyu." Wala sa sarili kong sabi. At halos nabuhay ang diwa ng dalawa at sabay na lumingon sakin. Bahagya pang napaatras si Brent na gulat na gulat.

Sabay silang nagmura ng mahihina pero rinig ko pa rin. Napasabunot pa sila sa ulo nila na parang di alam ang gagawin.

"What are you doing here?" Malamig na tono ni James. Napatitig ako sa kaniya.

Once, di ko alam na patay na patay pala ako sa kaniya dati. Ngayon iba na siya sakin. But now? We're perfect strangers.

Ramdam ko rin yung titig sakin ni Brent.

"You're now a party girl, huh?" Sarcastic na sabi ni Brent. Tinitigan niya ang suot ko mula ulo hanggang paa. At parang nandidiri siya sa nakikita niya.

"Bawal na pala ko rito? Bakit magaganda't gwapo lang ba pwede rito? Di ako pwede kasi panget ako ganun?" Di ko alam kung san nanggaling yun. May tama na rin siguro ako ng alak. Ilang shots pala yung nainom ko.

STATUS: In a RelationSHRIMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon