KABANATA 3
Kisses' POV
Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko at ipinagpatuloy lang niya ang ginagawa niya. Hindi ako nanlaban, dahil masyado akong tinamaan sa mga sinabi niya. Akmang ipapasok na sana niya ang kamay niya sa loob ng pants na suot ko ng biglang may nag-door bell.
"TANGINA!" Malutong na mura niya. Parang gusto kong pasalamatan kung sino man ang nag-door bell. Agad kaming tumayo at inayos ang mga sarili namin. Inayos ko ang gusot kong damit. Pinunasan ko ang luha ko habang siya naman ay lumabas para tingnan kong sino ang nandun.
"Tristan, dear, naisip namin na dito na maghapunan. Amoy palang mukhang masarap na ang ulam niyo ah. Alam ko na! Si Kisses siguro ang nagluto niyan noh? Naku! Gustong-gusto ko talaga ang batang iyun. Bukod sa maalaga, mabait din. She'll be a perfect housewife for you. Don't you think honey?" Mama pala ni Tristan. Buti nalang dumating sila kundi, pati pinakaiingat-ingatan kong virginity malamang wala na din sa'ken.
Lumabas na rin ako ng kwarto para kamustahin sat makausap sila. Pinapasok naman sila ni Tristan kasama ang Daddy niya. Umupo muna sila sa malaking living room namin. "Tss. Daldal mo, Ma."
"Tristan! Iyang bibig mo ha? Hindi kita pinalaking ganyan."
Tinalikuran nalang silang dalawa ni Tristan at nagtungo sa kitchen to prepare I guess? 'Pag baba ko ay si Daddy Matt ang unang yumakap sa'ken, ang Daddy niya. "It's nice to see you, Kisses!" He gladly said. Halata naman sa tono ng pananalita niya. Sunod naman na yumakap sa'ken ay si Mommy Rea na halatang tuwang-tuwa rin ng makita ako.
"Hello po." I sweetly smiled at them. Umupo kaming tatlo at nagkwentuhan. "Kamusta naman kayo ni Tristan?"
Tanong sa'ken ni Mama. "Okay naman kami." I lied. "Hindi ka ba pinapabayaan nitong si Tristan?" Tanong naman ni Papa. "Okay lang po talaga. Mas maayos pa sa maayos ang pagtrato sa'ken ng anak niyo, Pa."
Lies...
Lies...
Lies...
"Naku! Mabuti naman kung ganun. Pinalaki ko talaga ng maayos iyan si Tristan. Ewan ko lang kung bakit napaka-sungit niya ngayon. Alam mo ba? Pala-ngiti at malambing iyan si Tristan ko. Pero biglang nagbago. Ay! Hayaan mo na nga, iha. Kampante na'ko sa sinabi mong maayos ang pagtrato niya sayo."
"Hehe." Tanging sagot ko. Gaano ba kasi kadaldal si Mommy. Mukhang hindi siya pwedeng mapag-sabihan ng sikreto. Hula ko lang.
Si Daddy naman ay mukhang nakikinig lang sa usapan namin. Pero, hindi ko mapigilan na hindi isipin ang mga sinabi ni Mama. Nagbago? Siguro nga. Nagbago na siya.
Dahil na naman sa'ken
"Sana bumilis na ang oras noh?" Out of the blue na sabi ni Mama. "Bakit naman po, Ma?" Takang tanong ko sa'kanya? "Eh, kasi dear, para grumaduate na kayo at magpakasal. Haller, gusto ko pang maabutan ang mga apo ko. So, you two better hurry up at tapusin niyo na ang mga pag-aaral niyo. Ayaw na ayaw ko pa naman ang naghihintay."
Napangaga ako sa sinabi niya. Ano bang meron sa bibig ni Mama. Jusko. 'Di ko alam kung san niya nakukuha ang mga pinagsasabi niya.
"Ma..."
"Ano iyun?"
"Alam niyo bang muntik na sana kayong magka-apo? Buti nalang nga dumating kayo eh."
Gusto ko sanang sabihin but hell! No way. Masyado pang obsesses ang hiya ko sa katawan at ayaw lisanin 'tong drop dead gorgeous body ko.
"U-uhm...baka po tapos na maghanda sa mesa si Tristan. Hehe. Tara na po sa dining room?" Pag-aaya ko sa kanila. "O sige, tara na, hon." Sabi ni Papa. Hayst. Buti pa sila, kahit ang tagal na nila, heto pa rin sila, nagmamahalan. Si Tristan kaya? Pano ba siya magmahal?

BINABASA MO ANG
ALLURED SERIES 1: Leandro Tristan Velez
Fiksi Umum"Excuse me for being too straightforward but your lips make me wonder what the rest of you would taste like." - Leandro Tristan Velez Just A Little Bit Of Love: The great heir of the Royal Caribbean Cruises was forced to live with Kisses Luceda, ang...