Chapter 11

13 2 4
                                    


Hindi ko talaga alam 'kung saan kami papunta ngayon ni Bryx. All I can see is trees. Hindi pa din naman kami nakakalabas ng neighborhood nila Caleb, so mukha namang hindi din kami lalayo nitong loko na 'to.

Pero, iniisip ko din talaga si Caleb na baka hanapin niya ako, pero mukhang okay na 'din naman siguro na lumayo muna ako sakanya para naman hindi niya ako alalahanin dahil nga busy siya sa pag eentertain ng mga bisita nila.

"Thinking about something?" biglang sabi ni Bryx. "Oo, iniisip ko 'kung saan mo ako dadalhin" sagot ko sakanya.

He smiled at me at patuloy lang siya sa pag dadrive. Ang laki pala ng neighborhood nila Caleb or talagang nasanay lang ako sa buhay ko na sa condo lang ako umuuwi? Hindi din naman nag tagal at huminto na din kami sa hindi ko alam na lugar at madilim dito. Kinabahan ako bigla. Hindi kaya, may balak na masama sa'akin tong taong nyebe na 'to? Napapikit ako. Kinapa ko ang door handle para buksan ang kotse, "I'll do it for you" sabi bigla ni Bryx at bumababa na siya ng kotse.

Hindi ko alam why out of the blue nag sign of the cross ako. Ang funny. Alam kong wala namang gagawin sa'akin si Bryx pero... Ewan, nararamdaman ko na naman tong abnormal na feeling na ito.

Pagka-bukas ng pintuan ng kotse ay agaad nalang akong bumababa ng hindi natumitingin dito sa kasama ko, pero nararamdaman ko na siya naman ang nakatingin saakin.

Tumingin ako sa paligid. Ang ganda ng buwan. Tanging ilaw lang ng buwan ang ilaw namin ngayon. May ilog din dito na sobrang calming iyong agos ng tubig na maririnig mo. Habang naaamaze pa ako sa lugar na 'to, binunggo ng kaunti ni Bryx iyong balikat ko at inunahan ako papunta malapit sa may ilog. Agad naman siyang umupo at ginaya ko 'din siya. Umupo ako malapit sakanya.

"Bakit mo ako dinala dito? Pag tatanong ko. Nasisinagan ng ilaw ng buwan ang mukha ni Bryx kaya naman nakita kong nakapikit siya. "Ano? Dinala mo lang ba ako dito para tulugan mo?" naiinis kong tanong. Kasi naman diba? Nag papakasaya ka doon sa party tapos dadalhin ka dito sa tahimik na lugar para tulugan lang??

"Ang ingay mo" sagot niya saakin. I sighed at napairap nalang. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa mga oras na ito. "Why are you staring again? I'll remind you to stop staring ar me, it might become a hobby" bigla ko nalang na realize na nakatingin ako sakanya kaya naman umiwas ako ng tingin at tumignin sa ilog.

"Bakit mo ba talaga kasi ako dinala dito?" sabi ko ng naiinis na tono. Pero naalala ko na kailangan kong mabait sakanya kasi nga diba, nakikipag friends ako sakanya. Malay mo, ito 'yung way niya to make new friend. This weirdo.

Nag shrug lang si Bryx! Talagang nakakainis! Anong drama kaya ang pwedeng gawin? Mag inarte kaya ako? Haha!

Naisip ko nalang na umarte na aalis. Hindi naman niya ako pababayaan na umalis. ALAM KO. Kasi naman diba? Ang ganda ko, madilim dito sa lugar na to. Tapos wala akong phone. Baka may rapist sa damuhan... Oh no! I'll take a risk. Assuming na kung asuuming!

Patayo na dapat ako nang bigla nalang hinawakan ni Bryx ang kamay ko. "Don't go" sabi niya. Diba, sabi ko effective ;)

Pero 'yung tono ni Bryx na parang bata na ayaw siyang iwanan mag isa sa daycare? Ganun 'yung pakiramdam ko. Umupo nalang ako ulit sa tabi niya habang hawak niya ang kamay ko.

"Ang lambot naman ng kamay mo" sabi ko at natawa ng bahagya.

Alam kong hindi ako kakausapin nitong mokong na to at ang tanong ko lang sakanya ay, "Bakit mo ba ako dinala dito". Napatingin ako sa ilog at napapikit. There's a lot of things that came up into my mind. Ang sarap pala ng peaceful na buhay. Yung malayo sa ingay at ganito lang katahimik. 'Yung ang calming ng ingay ng tubig kaysa sa ingay na gabi-gabi kong naririnig. Ito na siguro yung pinakatahimik na gabi ko sa buong buhay ko.

"You're pretty" biglang sabi ni Bryx. Nararamdaman ko siyang nakatingin sa'akin pero bahala siya. I'm just enjoying this moment. "Alam ko" sagot ko.

Narinig ko siyang tumawa, "and you're full of confidence too" sabi niya. "Siyempre, sabi kasi ng nanay ko 'yun" natawa kaming dalawa. Ito na ata 'yung pinaka matinong conversation namin.

Natahimik kaming dalawa. Wala na. 'yun na talaga yung usapan namin. Pero naramdaman ko 'yung kamay niya na humihigpit yung hawak niya sa'akin at maya-maya ay hinila niya ako, dahilan para mapahiga ako sa dibdib niya.

"Hey! Anong ginagawa mo?" sabi ko na may gulat sa boses.

"I just want to feel somebody's warmth"

...

"Hindi ko maintindihan?" hindi ko 'din naintindihan iyong sinabi niya sa'akin kaya naman patanong 'din 'yung sinabi kong statement kahit hindi naman dapat patanong.

"Bakit? Kasi English?" Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa sinabi niya. Totoo po!

Pero nang humangin, naamoy ko iyong pabango ni Bryx na gusto kong pabango para sa lalaki. Idinikit ko ang ilong ko sa may damit niya at inamoy ito. Ganito na 'din naman iyong posisyon namin, bakit hindi ko na sulitin diba? Pero may nakakuha ng atensyon ko.

'Yung kabog ng dibdib niya.

"Ano ba kasi ibig sabihin nito?" Pag tatanong ko bigla.

"You don't have to understand what's going on. For now, I want you to relax and don't bother yourself" natuwa ako bigla sa sinabi niya. Hindi ko alam 'kung bakit.

"Uy! First time yun! Ang dami nang sinasabi sa'akin ngayon ah! Friends na ba tayo??" tanging nasabi ko.

"Ssssshhhh!!" aniya.

Hindi ko alam 'kung ano ang mararamdaman ko ngayong gabi. Pero ang ginawa ko nalang ay pumikit at yumakap ng mahigpit sakanya.

At naramdaman ko 'ding yumakap siya sa'akin ng sobrang higpit.

I feel safe.

I feel safe na ngayon ko lang naramdaman...

...in Bryx's arms.



***

Merry Christmas and Happy New Year! Hope you like my update! I'll try to continue this story!! Pray for my soul XD


Thanks for reading :>

The Skirt ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon