Chapter 8

63 5 5
                                    

Wala pa ‘ding nag sasalita sa’amin after mag sabi ng ganon si Bryx. I don’t know, kasi kahit ako nararamdaman ko ang awkwardness. Totoo naman kasi ‘yung sinabi ni Bryx. Hindi kami mabubusog sa landian. Pero, can he just mind his own business? ‘Bat kasi hindi nalang siya mag girlfriend nang hindi siya na-i-inggit sa mga nag lalandian sa harap niya.

Nag lakad na kami palabas ng restaurant ng mahagip na naman ng mahiwagang mata ko na nakatingin sa’akin si Bryx. Hindi ko maintindihan ang gusto niya. Okay, ayaw niyang may nakikita siyang nag lalandian sa harap niya. What for? Bawal na ba ang public display of affection? He must know our rules.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at parang nag smirk nalang siya sa’akin at inirapan ako. Kasing lansa ba siya ni Victor at ganun-ganun nalang siya mang-irap? Di ko siya kinakaya ha.

Ah teka.. Hindi kaya nag seselo siya sa’akin? Hindi kaya may gusto siya ‘kay Caleb kaya ganoon nalang lagi ang expression niya kapag nakikita niya kaming nag lalandian ni Caleb? Pati ‘yung text niya sa’akin kanina na, “Don’t tell me you are Caleb’s property then?”. Hindi kaya..

Kasama siya sa mga ka-pederasyon ni Victor?

Napa-ismid ako sa naiisip ko. Sayang si Bryx ‘kung nag kataon. Sobrang SAYANG. Kaya ba niyang nakikita na nag lalandian kami kasi, may lihim siyang pag tingin ‘kay Caleb? Omo, pag nag kataon, gagawin kong lalaki si Bryx!

“Lalim naman ata ng iniisip mo d’yan? Something’s bothering you?” pag tatanong ni Caleb at inayos niya iyong bangs ko. Hindi ko na nagawang ayusin ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko. Hanggang ngayon, kasama pa ‘din namin si Dave at Bryx. Nakatingin lang sila sa’amin at ‘yung tingin ni Bryx. Nakakaloka!

“Ha? Wala naman” sagot ko sakanya. Nginitian lang akoni Caleb at tumingin naman siya sa mga kaibigan niya.

“So, see you later” sabi ni Caleb at nag fist bomb naman ‘yung tatlo. At nag kanya kanya na kaming lakad. Ako naman, hindi ko napansin na napa-sama pala ako kay Caleb.

Lagi ata akong lutang ngayong araw na ‘to? Ano ba nangyayari sa’akin?

Nag simula ng mag drive si Caleb at nakatingin lang ako sa malayo dahil curious ako ‘kung sa’an ako dadalhin nitong tao na ‘to.

“Saan tayo pupunta?” pag tatanong ko.

Derecho lang ang tingin niya sa daan at parang nag co-concentrate pero nararamdaman niya pa ‘din naman ‘yung presence ko dito sa tabi niya. “Sa bahay ko” simpleng sabi niya.

Napatingin ako sakanya at ganun ‘din naman siya at naka-ngiti pa ang loko. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi niya. Pupunta kami sa bahay nila? I mean, hindi ito ‘yung gawain ng mga gago. 3pm pa lang at masyado pang maaga para mag uwi ng babae sa bahay nila.

“Bakit? Anong gagawin ko ‘dun? Ihatid mo nalang ako sa’amin. Hindi ako nakapag review kanina, kailangan ko ng umuwi para mag aral” sabi ko dahil natataranta ako sa mga pwedeng mangyari kapag pumunta ako sa bahay nila. Pero hindi ko pinapahalata na natataranta ako.

The Skirt ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon