Stavros Untold: Less (Stone Cold)

195 5 0
                                    

From the day you left me for her I promised myself that I won't say a word about your decision. I won't take it against you because I know I failed to fill some spaces on your heart and life as your girl that time... And unconsciously,I gave her the chance to fill those spaces. I let you go even it will broke me into the pieces... Because I loved you enough to give your freedom... I loved you enough to be contented watching you happy even I am not the reason.

I taught myself to move on...and to tell you honestly... What I've been through was not an easy path... I tried hard to smile sweetly even I taste bitterness inside my mouth... I push myself to be okay even my tiny pieces were breaking to smaller one... I worked hard to let you go and move on so that, like you.... I can move forward with my life. I gave so much effort not to answer your text and calls when the two of you were having hard times... I closed my ears and opened my eyes everytime you were asking me to come back and cheat with you ...

And now ... After almost a year ...you finally broke up things with her and you realised that you still want me in your life? Oh! Sorry... I am not your reserve player. I am not your freaking option...and I will never be. I moved on and ready to welcome a deserving one in my life. .

Thank you for being my lesson learned. You taught me hard to be wiser and stronger. Thank you for loving me if you really did. I loved you and it will end there. Take a good care of yourself and I hope you'll find your right one and if you finally have her... Please treat her well and give her what a girl deserves to have.

...
Pagkatapos kong mabasa ang post nya sa IG nya kalakip ng kanyang larawang tila naglalakad palayo...palayo mula sa akin ay hindi ko maiwasang hindi nagsisi. Dahil alam kong huli na ang lahat... Alam kong huli na ako... At hinding hindi ko na sya mahahabol pa at mababawi.

Inaamin kong masakit ang ginawa ko sa kanya. Nasaktan ko sya ngunit hindi ko iyon ginusto kailanman. Hindi ko ginustong saktan sya ng lubusan.

Hindi ko ginusto ngunit hinihiling iyon ng pagkakataon. Upang iligtas kaming pareho sa inaakala kong pagkalunod naming dalawa sa isa't isa. Aamini ko... Naging duwag ako dahil doon... Alam kong natakot ako noon sa mga maaaring mangyari sa aming dalawa pag nagpatuloy kami sa relasyon namin... Natatakot akong dumating ako sa puntong masakal ko sya... Dahil ramdam na ramdam ko na sobrang lumalalim na ang pagmamahal ko sa kanya na tila mauuwi na iyon sa obsesyon... Ayokong masaktan ko sya pag dumating ang oras na mangyari iyon... Ibang iba kasi siya... Ibang iba na tila wala akong makitang kapintasan sa kanya... At tila lahat ng galaw at sabihin niya ay tama... At minamahal ko... Na tila kahit ang pamilya at kaibigan nya ay nagagawa ko ng pagselosan... Hindi ko mapigilan... Hindi ko kayag may umaagaw ng kanyang atensyon at pagmamahal sa akin... Ayokong mahati sya...gusto ko sa akin sya ng buong buo... At alam ko sa sarili kon hindi tama iyon... Hindi dapat ganun kaya ginawa ko ang lahat upang mabawasan iyon... Para maiwasan kong mangyari yun... Para hindi ko sya masira... Para hindi ko siya masaktan...

Nakipagbalikan ako sa dating kasintahan ko... Kahit alam kong hindi ko ito mahal... Kahit na alam kong ginagamit ko lamang ito para iligtas mula sa aki ang babaeng pinakamamahal ko...

Kahit masakit sa akin... Basta para sa pinakamamahal ko ay gagawin ko.

Nagsimula akong maging malamig sa kanya... Sinasadya kong hindi siya kausapin o itext man lang sa mahabang oras... Kahit kating kati ako gawin iyon kahit miss na miss ko sya...

Nagsimula din akong umiwas sa mga paanyaya nyang paglabas... Kahit na nakikita kong nasasaktan sya sa bawat pagtanggi ko ay sumigi pa rin ako ...para sa kanya naman ito... Laging bulong ko sa sarili ko.

Alam kong naghihinala na ito sa mga kalokohang ginagawa ko...alam kong nagdududa na ito...dahil nagiging palatanong na sya...ngunit sinikap niyang hindi maging halata ang pagsusupetya nya sa akin...ganun siya... Laging iniisip nya ang mabuting bahagi ng lahat ng bagay. At lagi nitong sasabihin sa sarili at sa ibang tao na may positibong dahilan ako ... Kaya ginagawa iyon. Pagtatanggol nya ako kahit nakakagago na ako. Ganun sya ...

Dalawang araw matapos ang araw ng mga puso... Nagdesisyon akong makipagkita sa kanya... Miss na miss ko na sya...

Naging masaya kaming dalawa... Tulad ng mga araw na okay pa kami...na okay pa ako... Na hindi pa ko duwag at gago.

Ngunit alam ko ...pagkatapos ng araw na ito... Alam kong magsisimula na syang lumayo sa akin... Na maaaring kamumuhian nya ako ...

Matapos ko syang ihatid sa sakayan ng araw na iyon... Nagkita nakami ng babaeng gagamitin ko para mailigtas ko ang mahal ko mula sa akin...

Sinadya kong magupload ng picture namin para makita nya.

At sana... Siya na ang lumayo...

Na sana tulungan nya akong iligtas sya mula sa akin.

Pero nagkamali ako...

Malaki ang puso ng babaeng mahal ko... Napakalawak din ng pagintindi nito... Sinabi nya sa akin na iintindihin nya ako kung nalilito pa ako sa nararamdaman ko para sa kanilang dalawa ng babaeng kasama ko sa litrato... Na hihintayin nya akong makapagdesisyon at naroroon lamang sya para sa akin...

At dahil doon lalo ko syang minahal... At lalong nadagdagan ang takot ko sa puso.

Sa mismong araw ng kanyang kaarawan.. Pinlano ko na ang lahat... Pinlano kong tapusin ang mayroon kaming dalawa... Pinlano kong ilogtas siya sa aking obsesyon at pinili kong saktan sya sa ganitong paraan upang kalimutan na nya ako... Para kamuhian nya ako...

Pinalabas kong pinili ko ang dating kasintahan ko. Pinalabas kong hindi siya ang mahal ko... Kahit suicide iyon sa parte ko...ginawa ko. Para sa mahal ko.

At ngayon... Magiisang taon na mula ng araw na iyon...

Nagsisisi ako hanggang ngayon...

Dahil siya pa rin.

At sa tingin ko wala ng iba pang hihigit sa kanya.

Siya ang Greatest Love ko. Sya lamang wala ng iba.

- J. Leviste




Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon