"Anong plano mo ngayon, Yvangeline?" napatigil at tingin ako kay papa na syang nagtanong sa akin.
Kasalukuyan kaming kumakain sa isang tanyag na restaurant dito sa Estados Unidos, halos hindi pa ako makakain dahil sa mga sinabi kanina sa sasakyan ng lalaking katabi ko ngayon at tahimik na kumakain na si Celestino.
"Ano ka ba naman, mahal. Siguradong aasikasuhin na nila ang kanilang kasal... Hindi ba at iyon ang plano nila bago lumipad pa Europa ito si Celestino?" ani mama na kinikilig pa sa kanyang sinambit.
"M-mama... Na---"
"Aunti... Hahayaan ko ho munang gawin ni Yvangeline ang mga bagay na gusto nyang gawin habang hindi pa kmi kasal... Ayoko ho siyang madaliin dahil ang tulad niya ay pinaghihirapan" seryosong turan ni Celestino na nagpanilis ng tibok ng puso ko.
"Napakamaginoo talaga ng ating mamanugangin! Victorio... " tila natutuwang sabi ni mama kay papa ako naman ay tahimik lamang na nakikiramdam sa kanila... Gusto kong matapos ang lunch na ito. Nais kong makalayo sa lalaking ipinapares sa akin.
"Alam kong gusto mong ibigay sa dalaga ko ang mundo, Celestino... Pero magagawa niya ang lahat ng naisin nya at mararating niya ang lahat kahit na kasal na kayo... " ani papa.
Napahigpit ang hawak ko sa kubyertos ... Hindi ko makuhang ipagpatuloy ang aking pagkain... Practically, my parents want me to be tied with the man who I want to hate for life...
"I know uncle, pero alam ko rin pong gusto muna ni Yvangeline na makilala sa business world na dala ang apelyidong Hermosa... Natatandaan ko pong mabanggit nya sa akin iyon noon bago ako magtungong Europa!" ani Celestino na ikinatuwa naman ng aking mga magulang... Kung sigurong hindi nangyari ang mga nangyari noon ay matutuwa ako sa naririnig ko mula sa kanya... Pero alam ko ang totoo...
"Yvangeline...hija... Napakapalad mo sa mapapangasawa mo... Napakamaginoo at suportado ka sa iyong mga ninanais..." ani mama... Na sinuklian ko lamang ng isang pilit na ngiti.
"Ganoon ko ho kamahal ang anak ninyo... Auntie ...uncle... " hayag nito na tila taos sa kanyang puso.
Tumawa naman ang aking mga magulang lalo na si mama na kinikilig sa sinabi ni Celestino... Ako lamang yata ang hindi natutuwa sa mga naririnig ko...ako lang naman ang nakakaalam ng katotohanan sa likod ng maskara ni Celestino. Lahat ng babae o sino man ay mahuhulog sa kanyang matamis na dila at muy simpatikong anyo...pero sa likod nito ay ang halimaw na handang kainin ang puso ng mga dalagang mahuhulog rito.
Been there, done that.
"You must be grateful my dear Yvangeline... Tama ang desisyon namin ng iyong mama na sa kanya ka ipagkasundo..." ani papa .
Hindi na lamang ako kumibo... At hinayaan na lamang silang magusap.
Hindi ko alam kung paano natapos ang napakahabang lunch na iyon ng buhay ko... Akala ko nga ay hindi na sila matatapos na magusap... Mabuti na lamang at tumawag si Fidel...and assistant ni papa at sinabing mahuhuli na ang mga ito sa kanilang flight patungong Russia kung saan mayroon international convention na pupuntahan si papa kasama ni ama...kaya naman napilitan akong pumayag na sumabay muli kay Celestino...
"Kumusta ang pagtakas sa akin, my empress?" Sarkastikong tanong nito na nasa tabi ko sa backseat ng limousine na pagaari nito. Habang hawak ang baso ng mamahaling alak galing sa mobile bar ng sasakyan.
Pilit kong pinanormal ang mukha ko...para hindi kabakasan ng kahit na anong guilt sa mukha ko...dahil totoo naman ang sinasabi nito...tinatakasan ko siya...
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Celestino." Mariin kong sambit at nilibang ang aking sarili sa panonood ng aming dinadaanan... Hangga't maaari ay ayokong magusap kami...
Narinig ko ang pagtawa nito na nakakaloko kaya naman napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang aking noo.
"Sige...let's play your game...my empress... Sa huli naman ay sa akin ka mapupunta.. " anito sa seryosong boses na ikinapuyos ng aking dibdib... Ang kapal ng mukha nya para sabihin ang mga bagay na iyon?! Matapos nyang saktan ang puso ko ng sundan ko sya sa Europa?!
Hindi ko na napigilan ang galit at sakit sa aking puso dahil doon!
"Hindi ba't nabuntis mo ang isang dugong bughaw sa Europa noon? Ang nagiisang anak na babae ng Duke ng House of Wolsey? Bakit hindi na lamang siya ang pakasalan mo?!" Singhal ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito kaya naman napangisi ako ng sarkastiko... Akala ba niya ay hindi ko alam ang nangyari nitong nakaraang taon sa Europa... Kung saan ipinadala ako noon nina papa upang irepresenta ang kumpanya namin sa isang convention roon... Sakto ay naging maugong ang balitang nagdadalang tao ang nagiisang prinsesa ng House of Wolsey at ang ama ay si Celestino... Ngunit hindi nagpakasal ang dalawa sa hindi ko malamang rason at wala na akong planong alamin pa!
"Surprise Celestino! I am fully aware about your son from that royal blood! I wonder why the head of the house didn't force you to man up and marry his granddaughter?" Sarkastikong tanong ko.
Damn this pain!
"...or maybe...they found out that... You just love to have a good fuck with different women from that part of earth like how you fuckyour bitches right infront my eyes!So suck it off Stavros! I will never be your fucking woman... Not specially your wife!" Buong pait kong sabi at saktong huminto ang sasakyan sa aking bahay rito sa Estados Unidos kaya naman dali dali na akong bumaba at hindi siya nilingon pa...
Now, Celestino... Leave me alone!
Hinding hindi mo na ako maloloko pang muli!!!
BINABASA MO ANG
Untold Stories
RandomUntold stories of my series Random thoughts Letters Dreams Experiences Secrets Whatifs