Weird Dream

66 5 0
                                    

"I am pregnant." Sabi ko kay Rael na syang nakaklase at kaibigan ko noong College.

Natigilan ito at palipat lipat ang tingin nito sa aking maimpis na sinapupunan at sa aking mga mata... Tila ba may hinihintay itong kasunod na sasabihin ko pa.

Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang aking kamay... Hinila ako palapit sa kanya at hinapit ang aking beywang... Naramdaman kong pinasok niya ang mainit niyang palad sa aking blusa at hinaplos ang aking puson...

Napapikit ako sa initna hatid niyon... Nararamdaman kong nararamdaman na ng buhay na nasa loob niyon ang init ng haplos ng ama nito.

"Magpakasal na tayo." Anito sa akin.

Ako naman ang natigilan sa sinabi nito.

Napaharap ako sa kanya at tinitigan siya... Sinuri ko ang kanyang expression kung ito ba ay nagbibiro lamang ngunit ang nakita ko roon ay isang taos pusong ngiti na kinababakasan ng kaligayahan .

Tumango ako bilang tugon...isang alanganing sagot dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Dahil hindi ko alam kung paanong napunta kami sa ganung sitwasyon gayong hindi kami masyadong nagkikita at ni minsan ay walang namamagitan sa amin...

Niyakap nya ako at sinabing "Wag kang magalala...aalagaan at mamahalin ko kayo ng ating magiging anak. "

Napangiti ako sa aking narinig. Sapat na upang lumipad ang lahat ng pagtataka at pagdududa sa aking isipan.

Sinabihan nya ako na iuuwi nya muna ako sa amin at sabay naming ipapaalam sa aking pamilya ang akig sitwasyon.

Nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko alam kung anong mangyayari matapos niyon.

Nagtataka man ay natutuwa ang aking pamilyang makita kaming magkasama... Seryoso siyang nakiharap sa kanila at hindi man lang binitawan ang aking mga kamay kahit na tinitingnan na iyon ng aking mga magulang... Ramdam ko ang pamamawis ng mga kamay nito... Hatid siguro ng matinding kabang nararamdaman nito.

"May ipagtatapat ho sana kami ng inyong anak sa inyo... At sana po'y iyon ay inyong maintindihan." Tahimik lamang ang aking mga magulang habang hinihintay ang kasunod na saaabihin nito.

Aalisin ko sana ang aking mga kamay mula sa pagkakahawak mo. Ngunit hinigpitan mo ang hawak doon na tila nakasalalay sa mga kamay ko ang buhay mo... Kaya hinayaan ko na lamang at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Hindi ko po natupad ang aking pangako sa inyo na kasal muna bago ang lahat... Ngunit ang pangalawang pangako ko ho'y naririto na. " hinapit nito ang aking beywang palapit sa kanya at hinaplos ang aking sinapupunan.

Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa nito...  "R-rael..." Kinakabahan kong tawag sa kanya.

Hinigpitan nya ang yakap sa akin... Ramdam kong nabuo ang tensyon sa paligid. "Pananagutan ko ho ang anak ninyo. Mahal ko po sya at ang aming magiging anak. Pakakasalan ko ho sya sa simbahan sa lalong madaling panahon... Nakaayos na din ho ang lahat... Mula ng may mangyari sa amin... Hinihintay ko na lamang na magbunga iyon. Patawarin nyo ho sana ako kung naging mapusok ang pamamaraan ko. Ngunit mahal na mahal ko ho ang inyong anak." Madamdaming sabi nito.

Nakita kong seryosong nakatingin ang aking mga magulang sa amin. Tila ba pinoproseso ang lahat.

"Kung ganoon... Kailangan nyong magpakasal sa lalong madaling panahon... Ngunit... Iyon ba ang gusto mo anak?" Tanong ni tatay sa akin

Naramdaman kong humigpit ang yakap mo...

Ngumiti ako at hinaplos ang sinapupunan ko... "Opo tatay." Sagot ko.

Naramdaman ko na tila naibsan ang lahat ng nararadaman  mo sa aking naging tugon.

"Kung gayon... Pumapayag na ako sa gusto nyo. Basta sigurado kayong handa na kayo sa responsibilidad na pinapasok nyo... " ani tatay

"Ilang buwan na ang apo ko nak?" Ani mama

Ngumiti ako at hinaplos ang aking sinapupunan... "6weeks po. Ma. "

"6 weeks na pala. Nagpacheck up ka na ba?" Ani tay

"Opo. Pero magpapacheck up po ulit ako bukas... " kwento ko

"Sasamahan ko ho sya!" Ani Rael

Ramdam ko ang pananabik nito sa pagpapatingin namin ni baby sa doctor.
Doon ko nakita na tila ba napakaswerte kong siya ang naging ama ng aking anak...at siya ang magiging kabiyak ko sa buhay.


"Gising na! Oras na anak! Malelate ka na sa trabaho!" Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa paligid.


Panaginip lang pala.

Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon