His Downfall

119 5 0
                                    

"From in a relationship to it's complicated."

After two weeks.

"From It's complicated to Single"

I smiled bitterly upong reading your relationship status.

You both decide to end it ,eh?

"Balik ka na sa akin. Nagawa ko na yung gusto mo."

Masakit mang isipin na ganun pala kababaw ang lahat para sa iyo...

Seen

I didn't reply to your message.

"Ano pa ba ang kulang para bumalik ka na sa akin? Mahal kita. Ikaw ang mahal ko. Iniwan ko na sya para sayo. Mahal na mahal kita."

Mas naging mapait ang pakiramdam ko.

You broke someone's heartbeat to mend yours?

That is a pure bullshit!

Seen

Hindi ko magawang maging masaya dahil pinili mo ako...
Kung umpisa nung palang ay ganyan ka na... Siguro napapayag mu pa ako... Siguro... Magtatatalon ako sa tuwa...

But now?

I think it is far too late...

I am no longer that foolish girl who you can cling whenever you want...

I am wide awake with what you are doing!

"Sumagot ka naman oh! Pupuntahan kita sa inyo! Gusto kong makausap ang mga magulang mo. Ipapaliwanag ko sa kanila ang lahat... Gusto kong magsimula tayo ulit . This time, wala ng iba. Ikaw na lang"

Seen

No . You can't. I won't.

Because... After almost a year... I moved on... Not totally but...I can say I moved on around 90%.

"Kachat ko si Ems. Humingi ako ng tulong. Kaso nalaman ko na. "

Seen

Kumabog ang dibdib ko...

Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nito...

Hindi kita nirereplyan.

Alam kong patay malisya ka lamang sa gusto kong iparating sayo.

"Umamin na pala si Rael sayo. At nagsisimula na syang manligaw."

Seen

Napalunok ako sa nababasa. Alam kong nasasaktan kita... Pero... Nasasaktan ka nga ba? Hindi na ako sigurado...dahil nakayanan mo nga akong ipagpalit sa iba noon.

"Ang bilis din niya. Siguro ay nalaman nya lamang na wala na tayo kaya sumalakay na sya. Pero hindi ako papayag. Mahal kita at ipaglalaban ko iyon."

Seen.

Napapikit ako at dinama ang bahagyang kirot aa puso ko.

Hindi.

Hindi na ako uulit sa katangahan ko noon.

Hindi na...

Matagal ng alam ni Rael na wala na tayo. Simula palang ay alam na niya ngunit hinitay nya akong gumaling.... Hinitay nyang makabangon akong muli na magisa bago nya ako nilapitan... Bago nya inamin sa akin ang kanyang intensyon.

Kilala ko sya.

Alam kong mabuti siya.
At alam kong hindi sya mahirap mahalin...

Alam din niya ang tunay na kondisyon ng puso at isipan ko... At handa syang maghintay...
Kikilalanin muna namin ang isa't isa bago kami magdesisyon kung papasok ba kami sa mas malalim na relasyon... Hindi tulad ng nangyari sa atin...

"Mahal kita. Kaya please. Bigyan mo ako ng pagkakataon para mapatunayan yan at makabawi sayo".

Seen.

You messed up your chance. And I will be giving it to others.

"Siya na ba ngayon? Wala na ba ako? Ganun na lamang ba yun?"

This time... Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Yes. And my decision is final. Let me go."
Right there and then...I know...

Seen

Huminga ako ng malalim ay inoff ang messenger ko. Alam kong tama ang desisyon ko.

Enough for the pain you caused me.

Enough for your involvement in my life.

ENOUGH.

Napapitlag ako ng may tumatawag sa phone ko.

'Tita Nanay calling..."

Kumabog ang kaba sa dibdib ko...

Nanay mo ang tumatawag.

Sinagot ko yon...kahit naaalangan ako.

"Anak... Hindi ko macontact si --- wala siya sa bahay nya... Tinawagan ko ang mga kaibigan nya at ang sabi ay hindi nila kasama... Kaya ikaw ang naisip ko... Dahil sabi nya... Babalikan ka na nya... Kasama mo ba sya ngayon? Nagaalala kasi ako."

Mas lumakas ang kaba sa dibdib ko...

"H-hindi ko po sya nakita mula pa po nung nagouting kami nung s-summer tita. Nakachat ko po sya kanina. Pero hindi po naging maganda ang usapan namin. S-susubukan ko po syang contactin. " sabi ko sa nanginginig na tinig.

Alam ko....

Isang lugar lamang ang pupuntahan mo...

Tinext ko ang dati mong nobya...

' He needs you. Please. '

Tumunog ang phone ko.hudyat na may nagtext

"NO. He needs YOU." Sabi nya

Napapikit ako sa oras na iyon.

Napatingin ako sa cellphone ko ng magring iyon...

Numero ng isang taong alam kong lalapitan mo sa panahong ito...

Iyon ay ang iyong tatay... Na sabay nating hinanap noon... Dahil hindi mo sya nakilala... Mula pagsilang palamang sa iyon...

"Hello po?"

"Anak... Nakikiusap ako. Kausapin mo siya... Narito sya sa akin at hindi ko makausap dahil sa pagiyak... Tanging pangalan mo lang ang sinasabi."

Doon palamang...

Alam ko na...

I am your downfall.
My healed heart is your heart destruction....
And I am your lesson learned.

And I am sorry... But I think this is for the best... 'US' will be part of our history...and starting today... There is only You alone..

Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon