chapter 4 feeling's

2 1 0
                                        

Author note's
Ito na yung hinihintay nyo guys kumapit na kayo sa kinauupuan nyo at baka mabigla kayo    ....

________)

Matapos mag linis ng mag asawa ang buong bahay ay nag pahinga na ang mga ito .

Mag gagabi narin ng Matapos ang mag asawa sa pag aayos sa bahay kaya naman tuluyan na silang nag pahinga sa Napili nilang maging kwarto .

Alas 12 ng gabi ng maalimpungatan si Louisa dahil sa mga boses na tila tinatawag sya . agad na hinagilap ni Louisa ang kanyang tsinyelas upang puntahan ang mga boses na kanyang naririnig....

Louisa

Louisa .

Louisa /..

Louisa pov's

Para akong hinihigop ng mga boses na kanina pa ako tinatawag   ,
Nag Simula sa mahina at papalakas ng papalakas ,  sinulyapan ko ang aking asawa sa pag babaka sakali na naririg din nya ang mga boses , ngunit mahimbing itong natutulog. 

Tuluyan na akong lumabas sa aming kwarto at nag tungo sa pinag mumulan ng boses  , napansin ko nalang na dinala ako ng aking mga paa sa kwarto na binuksan namin kanina    , isang batang babae ang napansin ko na nag lalaro ng   manika Hanggang sa dumating ang isang babae na animo'y nanay ng bata  .

Diba sinabi ko na maligo ka    !!!
Nanggagalaiting Wika ng babae .

Ang tigas talaga ng ulo mo !
At pabalibag na tinapon ang manika ng bata .

Pupulutin ko  sana ang laruan ng bata ng mapansin Kong nasa iba nakong lugar (isang banyo)

Mula sa kinaroroonan ko ay kitang kita ko na pinaliliguan ng babae ang bata habang salita ng salita .
Hindi ko alam kung galit sya pero batid Kong malungkot sya .
Mayamaya pa'y inilubog nya ang bata sa bath tub na pinag liliguan nito ,
Hanggang sa Hindi na naka hinga ang bata at tuluyan na itong mawalan ng buhay  ,

Gusto kosyang pigilan gusto Kong tulungan ung bata pero halos tumatagos lamang ang aking mga kamay sa twing  tatangkain Kong hawakan ang kamay ng babae.
Tumutulo na ang mga luha ko dahil sa mga makita ko pero isang batang lalaki ang sumigaw...

Anong ginawa mo sa kaibigan ko ?
Umiiyak na Wika ng bata .
At tumakbo papaalis sa bahay nayon,
Pero nahabol sya ng babae at agad na inundayan ng  saksak sa katawan.

Agaw buhay ng binitawan ng babae ang batang lalaki at pinag masdan ang mga bahid ng dugo sa kutsilyong ginamit sa pag patay sa bata...
Nagulat ako ng biglang nag baling ng tingin ang babae sa kinatatayuan ko at sasaksakin ako , napabalikwas ako ng tuluyang bumaon ang kutsilyo sa aking dibdib ramdam ko ang pag Habol ko ng aking hininga ,
Hanggang sa ---

Huh ,?

Panaginip ?

Panaginip lang ang lahat ?
Sino sila ? at bakit ko sila napapanaginipan ? Mga tanong sa aking isipan  ...





sorry if mabagal ang usad ng istorya. ..
I hope you enjoy .
Till the next update ...
Seee yah .

THE HOUSEWhere stories live. Discover now