Memories

441 16 4
                                    

"Sino kaya yung Denise?" tanong ko kay Jeron. Eto kami at pauwi na sa Manila, hindi ko mai-alis sa isip ko kung sino si Denise

"Natanong mo ba kay Tita yung surname?" tanong din niya habang focus sa pag d-drive

"Oo, kaso hindi na daw niya maalala, antagal na din kasi nun eh" sagot ko

"Kung sino man yung Denise ano naman kayang connection nun kay Ara? Bakit sila magkasama sa kotse nung aksidente?" andami kong tanong sa isip ko lalo na't alam kong buhay si Ara

"I'm glag she's alive" sabi ni Jeron

"Me too. Hindi na tayo malulungkot pero mahirap itago 'to Je. Nahihirapan na si Thomas, pero kailangan eh. Emotionally, hirap siya pero si Ara kasi, emotionally, mentally and physically. Mas hirap si Ara" sabi ko

"Like what other's says, Mother's knows best, kaya sumunod nalang tayo kay Tita" sabi ni Jeron


***


Nakauwi na kami at agad kaming dumeretso sa bahay ni Thomas, it's January 1st, kami ang magsisindi ng kandila sa may corner kung saan inaalala si Ara. Wala kaming magagawa ni Jeron, kahit alam naming hindi naman pala patay si Ara, kapag hindi namin ito ginawa magtataka si Thomas.

"Oh! Akala ko di na kayo dadating eh" bati ni Thomas

"Hindi namin makakalimutan si Ara, Thom" sagot ko at binigyan siya ng malungkot na ngiti

Habang sinisindihan ko ang pa-eight na kandila ni Ara, tinanong ako ni Thomas

"Bakit daw kayo pinapunta ni Mama Betchay?" tanong niya. 

"Kinakamusta ka lang, hindi ka daw niya mapuntahan o mapapunta dahil alam daw niya ang sakit nadinadanas mo sa t'wing naaalala mo siya" sagot ko nalang, palusot kumbaga Parehas kayo ni Ara na nasasaktan sa t'wing naalala ang isa't isa.

"Ahh, sana makapunta si Mama Betchay dito, mula noong nawala siya, nawala na din sina Mama." malungkot niyang sambit

"Thomas, siguro hindi ka pa lang harapin ni Tita, masakit din para sa kaniya iyon" 

"Pero sana pag nagkita kami maalala niya ako" sabi niya

Sana nga Thomas. Sana maalala ka ni Ara, kahit wag na ako, kahit ikaw nalang


***


Matapos ang pagsisinding iyon, napag pasiyahan naming umuwi na. 

"Grabe nakokonsensiya ako, sa t'wing nakikita kong ganun ang itsura ni Thomas, nanlalambot ako at konti nalang masasabi ko na sakaniya ang totoo" sabi ko kay Jeron

"Hold it Miks. Hold it, we promise to Tita Betchay diba?" napatango na lang ako sa sinabi ng asawa ko. Nakakita ako ng singkamas at parang gusto ko nun.

"Je, singkamas oh! Bili tayo!" This past few days trip na trip ko ang singkamas parang heaven kapag kumakain ako eh

"Hay nako, sabi ko na eh"


***


VICKY

Nang pumunta dito sa bahay sina Mika, gusto ko na siyang yakapin pabalik, pero hindi ko magawa. Oo, naalala ko sila, naalala ko yung mga panahong nasa Italy kami, ang mga sermon niya sa t'wing umiiyak ako at sinasabing babalik siya. Pero kahit anong gawing isip ko kung sino yun, sumasakit lang ang ulo ko. Nakita ko rin ang isang vintage themed na notebook, nang binuksan ko iyon at sinimulang basahin, sumasakit ang ulo ko, katulad ngayon.

"Ahhhh! Mama! Ansakit ng ulo ko! Mama!" sigaw ko 

"Hi Ara! Pasabay!" 

Lalong sumakit ang ulo ko nang nakarinig ako ng boses at may nakikitang malabong imahe ng babae sa t'wing pumipikit ako at namimilipit sa sakit. Alam kong may amnesia ako, kaya kahit masakit pinipilit kong i-picture out

"Nako, wala na kasi akong masakyang bus"

"Mama! Tulooooong! Ahhhh!" sigaw ko ulit nang lalong sumakit ang ulo ko

"Ara! Babangga! Araaaaaaaaaaaaaa!" sigaw nung babae

"Ahh! Deni---" 

Naputol ang sinabi doon sa imahe nang naramdaman ko ang pagbigat ng aking mata, wala akong nagawa kundi ang ipikit ang mga ito.


***


Nagising ako sa lamig na nasa noo ko, minulat ko ang mata ko at nakita ko si Mama

"Nako, Ara pasensiya ka na at nahuli si Mama ah?" mangiyak ngiyak na pahayag ni Mama at ini-abot ang maintenance ko

"Okay lang yun Ma." sabi ko at ininom ang gamot

"Ma, habang sumasakit yung ulo ko, may nakita ako..." sabi ko at tila nakuha ko ang antensiyon niya

"Ano yun?" halata sa mukha ni Mama ang pag aalala

"Yung sa aksidente Ma, ang huli kong naalala tinawag ko siya sabi ko lang Deni, tapos ayun na nawala na ang lahat" paliwanag ko

Niyakap ako ni Mama

"Ma, sino ba yun?" tanong ko

"Vicky anak, wag mo na munang isipin baka sumakit ulo mo" sabi ni Mama. Hindi na ako nagtanong pa.


***


Dahil sa wala akong magawa, kinuha ko yung vintage na notebook, hindi ko binasa ang mga nakasulat sa bawat pahina, kumuha ako ng ballpen at sinimulang magsulat. Nakakaramdam ako na akin ito


~*~

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para kuhanin ang notebook na ito. Gusto ko lang isulat ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung alin ang totoo sa hindi, may mga bagay na pilit kong iniisip pero sumasakit lang ang ulo ko, kung sino ba yung lalaking sinusulat ko dito, kung sino ba yung iniiyakan ko sa Italy. Ni hindi ko alam kung bakit ako nandoon, ang hirap nang ganitong sitwasyon, apat na taon na akong ganito simula noong aksidente. Isa pa yan, iniisip ko kung sino ba yung babaeng kasama ko? Bakit ako na aksidente? Sino si Deni, hindi ko alam, hindi ko alam ang sagot  dahil sa t'wing naghahanap ako ng sagot sakit ang nakukuha ko

-VSG

~*~

Isinara ko ang notebook at itinago, napatigil ako sa narinig ko

"When the time comes and we're both okay, promise this journal will be exchange" 

Narinig ko ang boses ko, this time wala akong imaheng nakikita pero rinig ko sa sarili kong boses ang sakit at parang umiiyak pa nga ako. Nagulat ako dahil hindi sumakit ang ulo ko. Sinubukan ko ulit makinig

"Babalik ako Galang" 

Sabi nung lalaki, sinubukan kong ulitin pero wala na akong narinig. Sino ba kasi yun? 

Sana makilala ko na siya




[Rian's Note:

 -I know, maikli ulit :3 I tried people, I tried.

-Dedicated to: @imkylegolez3 sorry at maikli nanaman ituuu. Bear with me please :))))]


Fate and DestinyWhere stories live. Discover now