King and Queen

491 17 1
                                    

This is the day para umuwi na nang Pampanga, noong una ayaw pa ni Ara sumama kesyo dito daw muna siya sa Manila kasi kailangan siya ni Mika.

"Thom, kailangan tayo ni Mika ngayon, lalo na't bagong panganak lang siya" sabi ni Ara

"Vicky, kailangan na nating umuwi" ma awtoridad kong sabi sakaniya

"Ih ikaw nalang" pagmamaktol niya

"Vicky, hahanapin ka ni Mama sige ka baka hindi na tayo payagan makabalik dito, sige na Vicky tara na umuwi" sabi ko

"Tsss. Tara na nga" and then I won.


***


Sa sasakyan hindi matigil tigil itong si Ara sa kakatanong kung di ko lang to mahal eh. Nako, Ara, Nako

"Bakit ba tayo uuwi agad? Sino ba yung kasama natin? Parents mo? Anong gagawin nila sa bahay?" tulo tuloy niyang tanong 

"Vicky, mamaya I'll explain it to you pero hindi yun sina Mama, sina Tita Arlene yun, nanay nung kasama mo sa aksidente" sabi ko

"Magpapasalamat lang sila kay Mama Betchay" dagdag ko pa. Nakita kong tumingin siya sa bintana, siguro iniisip nito yung aksidente

"Vicky, if you're trying to remember that accident, please don't baka sumakit ulo mo" paalala ko sakaniya

"Sorry" sabi niya


***


Nakarating na kami sa bahay nila Ara, sakto at lumabas si Mama Betchay

"Mga anak, sino yang bisita niyo, papasukin niyo muna" sabi ni Mama

"Hindi niyo naman sinabi hindi tuloy ako nakapag handa ng mamakain man lang" sabi ni Mama pagka pasok namin sa bahay

"Sorry Ma, biglaan kasi" sabi ko

"Betchay, wag na. Okay lang kami, nandito kami para magpasalamat" sabi ni Tita Arlene. Halatang naguguluhan si Mama

"Ah, Mama eto nga pala yung pamilya ni Denise, yung nilibing niyo po na akala niyo si Ara. Siya po ang nanay niya, si Tita Arlene" sabi ko

"Ah, nako Arlene, wala iyon. Pasensiya ka na at hindi ko na kayo na abisuhan, nalaman kong hindi siya ang anak ko nang mailibing na namin siya" sabi ni Mama

"Kaya nga kami nandito para magpasalamat dahil binigyan mo siya ng desenteng libing" sabi ni Tita Arlene

"Saan nga pala ang sementeryong ipinaglibingan sa kaniya?" tanong ni Tita Arlene


***


Sinamahan namin ang mga Lazaro sa libingan ni Denise, pinabago na ni Mama ang lapida dito dahil hindi naman si Ara ang nakalagay doon. 

Denise Lazaro

Death: Jan 1, 2016

Yun lang nakasulat sa lapida ni Denise

"Pasensiya na kayo, yan lang kasi ang alam ko tungkol sa anak niyo" sabi ni Mama 

"Ayos lang yun" sabi ni Tita. Iniwan na muna namin ang pamilya nila para naman maging komportable sila

"Anak, mabuti naman at nahanap mo na ang mga magulang niya" sabi ni Mama

Fate and DestinyWhere stories live. Discover now