Chapter 3: Number 2

32 2 2
                                    

[Austin's POV]

Ako si Austin Salvador. Senior student sa isang all boys school. Masungit at suplado pero once na close na tayo, sobrang kulit ko na. 5'9. Basketball player ng school namin. Sabi nila gwapo daw ako. Di naman ako naniniwala kasi NGSB ako. No girlfriend since birth. As in. Di naman kasi ako nagmamadali e. Nakakairita rin kasi pag nagkaroon ako ng crush at once na malaman nilang crush ko sila, sobrang mangulit. Ayoko ng ganun. Gusto kong pinaghihirappan yung babaeng magiging girlfriend ko.

Andito kami ngayon sa mall. Kasama ko sina Chris, Luis, Eric at Gelo. Gagala daw. Maghahanap na rin ako ng isusuot para sa prom next week.

"Pre, papakilala ko sa inyo yung bestfriend ko. Andito rin kasi e." Sabi ni Chris samin. 

"Sus! Baka girlfriend mo na yan pre?" pang-aasar naman ni Luis kay Chris.

"Baka naman girlfriend? Yan pa si Chris. Atras lagi pag may magandang babae na." Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Eric. Parang mga kapatid ko na yang mga mokong na yan e. 4 yrs na kaming magkaklase and I can say na totoo silang mga kaibigan.

May pinuntahan kaming babae sa Penshoppe. Yun ata yung bestfriend ni Chris. Pagkatingin ko... TEKA.

Yan yung babaeng marker ah? Yung kahapon sa daan. 

*Flashback*

"Miss, yung ballpen mo, tsaka marker mo, tsaka dos mo." Sabi ko dun sa babae. 5'3, maiksi yung buhok. Hindi sobrang ganda pero may something sa kanya na kapag nakita mo siya, di ka magsasawang tumingin sa kanya.

"Ha?" lumingon yung babae. shet. Mas maganda pala to sa malapitan. Kaso ang burara sa gamit. Inabot ko nalang sa kanya yung ballpen, marker at dos. "Akin ba yan? San galing yan?" sabi niya.

"Sa bag mo ata, nahulog lang eh." sabi ko. 

Chineck ko yung pocket sa bag ko, walastek. May butas?! Ayun, yung cutter palang hiniram ni Sy, hindi inayos, masyadong naistak sa gilid ng pocket at nabutas. Infairness kasya yung marker ha. Nako naman kasing babae to e. Napakaburara. Tss.

"Ay, thank you." sabi niya. 

"Wala yon." sabi ko nang hindi ngumingiti. Badtrip ako e. Galing ako sa restaurant ni tita She. Pinagalitan na naman ako. Bakit daw umabsent pa ko e pwede namang half-day. E gusto ko ngang magpahinga buong araw. Ayoko rin magtraining ngayon kasi ang sakit ng buong katawan ko.

Step-mother ko nga pala si tita Sherly. Pangalawang asawa ni papa. Namatay na kasi yung nanay ko 3 yrs ago. Wala naman kaming problema sa bahay. Mahal na mahal nila ako e. Ganun rin ako sa kanila. Pero syempre bilang pangalawang nanay, concern din sya sa grades ko kasi varsity ako ng basketball.

Sumakay na ko pauwi samin. Ano kayang pangalan nung babaeng yun? May something talaga sa kanya nakapagpa-attract sakin.

*End of flashback*

"Parang kilala kita, nagkita na ba tayo dati?" tanong nung Rae sakin. Nagulat naman ako dun.

"Ay sorry, baka kamuka mo lang." binawi naman niya yung sinabi niya sakin. Parang kahapon lang yun ah? Nakalimutan na niya agad? Napakaulyanin naman nito.

"Marker." sabi ko. Malay mo naman maalala niya diba? Nakakainis bakit di niya maalala?! Sabagay, di naman lahat ng nakakasalubong mo maaalala mo diba. Tss. Ba't nga ba ko nababadtrip? Siguro kasi iba yung nangyari sakin. Simula kahapon di na mawala yung muka nung babaeng yun.

Umalis na sila nung kapatid niya.

"Bakit biglang naging ganyan itsura mo pre?" Tanong ni Chris sakin. 

"Wala. Uuwi na ko." Nagpaalam na ko sa kanila. Bahala sila, badtrip na ko.

[Rae's POV]

Tuesday na ngayon. Ngayon pala ko bibilhan ni Chris ng damit para sa prom. Ang sweet talaga ng bestfriend ko e. Pumunta na kami ng mall after class. 

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon