Chapter I: Marker

45 1 0
                                    

Another boring day in school. Seatworks, quizzes, may tambak na assignments pa. Nakakaasar. At least, 3 months na lang. Gagraduate na ko ng high school. Ayoko nang pumasok. Pero kailangan. May hiya naman ako sa mga magulang ko no. Sila nagpapalamon at nagpapaaral sakin e. fuck this.

Ako nga pala si Patricia Rae Aragon. Never mo kong tawaging Patricia. Rae ang tawag ng lahat sakin dahil sa tuwing nagsusulat ako ng pangalan, Rae lang sinusulat ko. Ayoko kasi ng Patricia, masyadong girly. 5'2, volleyball player, honor student, short-haired, normal body, hindi panget, hindi maganda, but I'm worth a second look. Proven and tested na yan. Suplada at mataray ang first impression nila sa'kin. And I love it. Ayoko kasi ng  tatapak-tapakan lang ako. I'm not that kind of girl. Hindi ako yung pasweet o ano. I can stand on my own.

Pauwi na nga ko actually. Bwiset naman kasi. Dapat sabay kami ni Chris. Eh may training pa ng basketball yung mokong na yun. Di na kami nagkakasabay e. Magkasalungat sched namin.

"Miss, yung ballpen mo, tsaka marker mo, tsaka dos mo." sabi nung lalaki. Matangkad, mga 5'9 o 5'10 ata? Hindi kaputian, masculine yung katawan. Pataas yung buhok, may piercing tapos black na earring. Isa lang e kaya walang s. Mukhang rebel tong isang to. And I can say na may itsura siya. Mas nakakadagdag ng appeal yung hikaw niya.

"Ha?" lumingon ako. Inabot niya sakin yung ballpen, marker at dos. "Akin ba yan? San galing yan?"

"Sa bag mo ata, nahulog lang eh." sabi nya na walang expression sa mukha niya.

Chineck ko yung pocket sa bag ko, walastek. May butas?! Ayun, yung cutter palang hiniram ni Sy, hindi inayos, masyadong naistak sa gilid ng pocket at nabutas. Infairness kasya yung marker ha. Nako naman kasing babae to e. Napakaburara. Tss.

"Ay, thank you." sabi ko nang hindi ngumingiti. Badtrip na talaga ko ngayong araw na to.

"Wala yon." sabi niya, ni hindi man lang ako tiningnan. Sumakay na siya sa may terminal. Sa kabilang terminal pa ko sasakay e. Mukang masungit na ewan. Pero at least sinabi niya sakin na nahulog yung mga gamit ko.

Nakasakay na ko ng jeep. Pagkauwi ko sa bahay, patay na naman lahat ng ilaw sa loob. Wala na naman sila. Sila, meaning si mama at Leslie, yung kapatid kong bunso. Dalawa lang kaming magkapatid. 2 years agwat namin at hindi kami magpareho ng school.

Gumala na naman yung dalawang yun. Ang daya ha. Kailangan kong magliwaliw tutal sabado naman bukas.

Inaayos ko muna yung mga gamit ko, inakyat ko sa kwarto, nagpalit ng damit, atsaka lumabas. Nagugutom na ko kaso wala namang pagkain sa bahay. Di pa namimili si mama. Bukas pa schedule nun e.

Naglakad-lakad lang ako papuntang park, malapit dun yung basketball court. Daming naglalaro. Palibhasa friday ngayon e. Nakita ko naman si Chris na papalapit sakin. Patay to sakin.

"BHEST!" Bati nitong singkit na to. Si Chris Romero. 5'8, singkit, maputi pero hindi sobrang puti, may braces, payat na sakto lang. Bestfriend ko since ever. Kababata ko kasi. Siya madalas kong kasama, well, palagi kong kasama pag walang pasok. Magkaiba kasi kami ng school e. Exclusive for boys yung school niya kaya tuwing ganito lang kami nagkakasama. Maliban na lang pag sabay kaming umuwi.

"Che! Sabay daw e! May training naman pala!" kunyaring pagtatampo ko. Inirapan ko na lang siya. 

"Etong bitter na to. Sorry na po. Biglaan eh. Bawi na lang ako, ipagluluto kita." 

Pumunta kami sa kanila, phase 1 kami, phase 3 pa sila. Di naman nakakapagod maglakad kasi daldalan lang kami ng daldalan. Kinwento pa niya yung gusto niyang babae na bagong lipat malapit sa kanila. 

"Ba't di ka magpakilala? Malay mo maging kaibigan mo at magkaroon ka pa ng chance." sabi ko sa kanya habang nakangiti ako ng nakakaloko.

"A-ayoko nga! N-nakakahiya naman e!" sabi niya. Namumula naman yung pisngi niya. Parang timang ang sarap asarin. HAHAHA

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon