Chapter 2: Paper

31 0 0
                                    

[Rae's POV]

Monday na. Tae. Late ako. Flag ceremony namin ngayon. Di tuloy ako nakaabot sa gate. Sarado na. 

Requirement pa naman pag pumasok dito ng late e kakanta ng isang full-length song. TAKE NOTE. Kasabay mo pa yung ibang late students. Bale, maririnig ka nilang kumanta.

Pagawin mo na sakin lahat in public, wag lang kumanta. Maganda naman boses ko pero ayokong may nakakarinig saking kumanta. Mapapasubo ako nito eh.

"Sy! Late ka rin?" Tanong ko kay Sy.

Siya si Rissela Aquino. Classmate kong transferee this year, close naman agad kami. Sabay namin tinatahak ang natitirang taon ng high school and we both know that it isn't easy. Matagal na yang may gusto kay Gio yung salutatorian naming nerd na walang balak magkalovelife. Kawawa yang babaeng yan. Kahit anong pagpapapansin niya kay Gio wala namang effect. To think na maganda siya, she's hot actually. Long-haired, half-spanish ang beauty ng lola niyo. Maraming suitors and admirers pero si Gio ang nakabingwit ng puso niya. Na never naman syang pinansin. 

"Oh, yung mga late, dumeretso na sa hall. Nandun na yung teacher in charge." sabi ni Manong guard saming mga late. 

Bukod samin ni Sy, may 3 sophomores at 6 na juniors na late.

Pumunta kami sa hall. Kinanta ko yung "Stay" ni Rihanna. Paborito ko kasing kanta yun e.

Pagkatapos ang kantahan session, bumalik na ko ng room. And welcome to hell bitches.

"BABY diba ako LANG ang MAHAL MO??" Sabi ni Claire kay Vince habang nakayakap siya sa leeg nito. Talagang in-emphasize niya yung mga capitalized letters na yan.

And this is what I hate in my classroom. Yung pangpuputangina ni Claire sakin. Yung araw araw ganyan. Excited na talaga kong pumatay ng tao. Este, grumaduate. 

"Oo naman babe." Then he kisses her forehead. See?! PDA NA PO GUYS. AM I THE ONLY ONE WHO CAN SEE THIS? Or.. Hindi kaya matagal ko nang pinatay tong dalawang to tapos nagmumulto lang kaya ako lang nakakakita? Hmm. No. Last time I checked, hindi pa ko nakakapatay.

Kung pwede lang gumawa ng pathway deretso sa upuan ko na hindi ko madadaanan yang dalawang linta na yan, matagal ko nang ginawa. No choice naman e bakit sa malapit sa pinto pa sila pumwesto.

Nagstart na ang klase. Blah blah eklavu. Then lunch.

Sa school garden ako naglunch with Sy. Wala akong masyadong kaibigan dahil I lost them all. Dahil sa isang insidente, nawala na lahat ng taong naging parte ng buhay ko. 

"Ate, may nagpapabigay po." may lumapit na freshmen sakin. Nag-abot ng letter.

"Why do you have to be so perfect? I wish you could be mine..

PS. Nice voice :)"

Drama ha. Ano na namang prank to? Hindi nakakatuwa. Nice voice? Kaninang umaga lang ako kumanta in publis as in eveeer.

"Sinong nagbigay nan?" Sabi ni Sy dun sa bata.

"Secret daw po. Bye." Tumakbo na paalis yung bata.

"Hoy babae! May hindi ka ba sinasabi sakin?" sabay tingin naman niya sakin ng nakakaloko.

"Hoy wala! Malay ko dyan! May nangloloko lang sakin." sabay kain ko sa last part ng steak na ulam ko. Bwiset ha. Di ko naman alam kung bakit kailangan tripin pa ko.

Lumingon ako sa paligid para tignan at nagbabakasakaling makita kung sino ang nagbigay. Wala rin naman akong nakita. Sino kaya yun? Naiintriga ako ha.

"Sino namang hinahanap mo?" tanong ni Sy.

"Wala. Tara na nga." 

So ayun, continue sa klase. Then natapos na. Ang bilis ng oras. Eto na naman ako. Tuwing dismissal, mag-isa umuuwi. Di kami sabay ni Sy kasi magkaiba kami ng route. Nakasakay na ko ng tricycle. Isa na lang hinihintay, punuuan kasi dito sa terminal e. 15 minutes, nakauwi na ko sa bahay namin.

Andito si mama. Naglilinis ng bahay pagkauwi ko.

"Hi ma. Anong ulam?" Bati ko sa kanya habang nagmamano.

"Wala pa nak, mamaya pa ko magluluto." 

Bumaba naman si Leslie galing sa kwarto nya. 

"Ate magbihis ka na, pupunta pa tayo kina Kate diba?" 

"Oo nga pala. Ay. Nakalimutan kong sabihin kay Chris." Nako. Napakamakakalimutin ko talaga. "Sige magbibihis lang ako.

After a few minutes, natapos na ko. Nagshorts lang ako tapos t-shirt na may print. Si Leslie naman nakatokong at sleeveless na shirt. 

Pumunta na kami sa bahay nila Kate. Nagulat ako nang makitang, yun yung bahay nung sinasabi sakin ni Chris na crush niya. Sabi na e. Ang galing ko talagang makaramdam. Kaso tanga ko rin naman, nakalimutan kong sabihin kay Chris.

May lumabas na babaeng brown-haired. Natural yung kulay ng buhok niya. Ka-edad ni Leslie. Eto na siguro si Kate.

"Hi Les! Hi Ate Rae!" Bati niya samin habang nakangiti. Nagulat naman ako kasi kilala niya ko. "Ay, madalas po kasi kayong kinukwento sakin ni Leslie e. Nice meeting you po." siguro nabasa niya yung facial expression ko. HAHA Ang ganda talaga niya. Parang may lahi e, hindi ko alam. Basta she really looks nice.

Pinapasok niya na kami sa garden ng bahay nila, andun na rin yung ibang guests. May babae namang ka-edad ko na kanina pa naglalabas-masok sa kitchen nila, naghahanda ng plates dun sa garden. Kamuka ni Kate pero mas maganda yung babaeng yun. Di kaya yun yung ate niya? Kung lalaki lang ako, niligawan ko na to. HAHAHA

Lumapit naman sa table namin si Kate kasama yung babae kanina. 

"Ate Andrea, sina Leslie at Ate Rae nga pala." Pinakakilala kami ni Kate. Ate nga niya yun.

"Hi, nice meeting you!" nakangiting sabi ni Andrea.

Nagstart na yung kainan, may kantahan pa. As usual, hindi ako kumakanta sa public. HAHAHA  si Leslie naman todo kanta sa videoke. Di namin namalayan, 8pm na pala. Masyadong napasarap e. Kami naman ni Andrea, todo chikahan all the way. Close na agad kami.

Napag-usapan namin kung bakit sila lumipat dito. Nalipat daw kasi dito yung trabaho ng daddy nila. Tapos sa isang private school siya nagaaral malapit dito. Tapos ayun, hiningi niya yung number ko.

"Andrea, mauna na kami ni Les." paalam ko sa kaniya. "Sige, Ingat kayo ha. Gabi na." pinuntahan naman namin si Kate, nagpaalam na rin kami. Sumakay kami ng trike pauwi. Nakakatakot rin maglakad kasi gabi na. Few minutes lang, nasa bahay na kami.

Nagpalit muna ko ng damit pantulog. Chineck ko yung phone ko, di ko kasi dinala e. 8 unread messages.

1st message - From: +63909*******

"Hi Leslie, si Andrea to. pakisave na lang. :)"

2nd message - From: Bhest :)

"Good eve."

3rd message - From: Sy :)

"Hoy babae may date tayo bukas ha."

4th message - From: +63919*******

"Hi."

Tinry kong magreply pero wala na pala kong load. Gabi na rin para lumabas. Sino kaya yung isa pang unknown number? 

yung 4 other msgs. puro GM lang galing sa mga classmates and schoolmate ko.

Good night. Today's a fun day.

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon