Yui's POV
Palabas na ko ng malaking kwarto na to habang nakasunod ako sa mga gwapong nilalang na tinatawag na 'Gods'. Nakakaloka! Nahihirapan mag sink in sa utak ko na tuturuan ko tong mga Gods na to.
Napasulyap ako sa kanila at nagulat kasi wala na ni isa sa kanila!
Iniwan nila ako mag isa!? Lintek!
Ang sama naman ng mga yun! Balak ko pa naman makipag friends! Porket mga Gwapo at Yummy sila pwede na nila ako iwan!?Aba'y NO NO NO! sabi ko sa isip ko habang umiiling at nakataas pa ang isa kong kamay na naggegesture ng parang may tinatanggihan.
At dun ko lang narealize na nagmumukha akong Tanga sa ginagawa ko. Ehh wala naman kasing tao!
Pero ayos din.. At least di ako napahiya kasi walang nakakita! HAHAHA talino ko talaga.
Nagsimula na ko maglakad para hanapin yung tutuluyan ko dito. Di ba may Dorm daw?
Kesa naman kasi magdrama at mag mukmok ako dito, dapat magsimula na lang akong maglakad at hanapin yung kwarto ko dito.
Nakarating ako sa may bandang likod ng school may nakahiwalay kasi dito na isang Building at may mga Kwarto sya.
Eto ata yung sinasabi ni Zeus.
At pagtingin ko sa taas nakita ko ang isang sign na may nakasulat na 'DORM'. Kaya sigurado ako na ito na yun!
Malamang! Ayan na nga oh!
Munbaliw naman ako dito. Kinakausap ko na sarili ko huhu. Ang boring kasi eh wala kausap! Mapapanis na ata laway ko. Haha
Nagsimula na kong maglakad at tignan ang kabuuan ng Dorm.
Ang Ganda!~
Kulay pale yellow tas may halong gold at white yung pintura nung building tas may limang kwarto bawat palapag. Tas meron naman syang 3 palapag. Kaya bali 15 lahat ng kwarto. *o*
Naglakad na ko papasok at napansin ko na may pangalan bawat pinto.
So nakaorganize na pala to?*pout* Akala ko pa naman makakapili ako ng gusto kong kwarto.
Tinignan ko yung mga kwarto sa first floor at wala naman name ko sa kahit isa sa pinto kaya umakyat ako sa second floor at dun nakita ko na ang Kwarto ko sa pang apat na pinto. Hehe
Bubuksan ko na sana nang mapansin kong kailangan ng Susi. Wait.. Susi? Wala naman binigay na susi si Zeus eh! Pero sabi nyia magkakaroon daw kami pag nandito na?
Napakamot tuloy ako sa ulo ko.
Habang namomoblema ako napansin ko na may umiilaw.
Napatingin ako sa may ID ko at nakita na may nafoform na Susi out of Gold particles.
Ang Cute! Waaaaahh~ *O*
Pagkatapos maform nung Susi nagkaroon ito ng Gold chain at nakasabit ito sa ID ko.
Baka ito yung Susi sa kwarto ko? Matry nga..
Sinubukan ko buksan yung kwarto ko gamit yung Gold Key at VOILA!! Bumukas! Yes!
Sinilip ko ang loob at halos mapanganga ako sa ganda ng Kwarto ko..O_o
"Wooowwww.." Yun na lang ang nasabi ko sa sobrang ganda.
Kulay Gold with a touch of White and Sky blue sya.. At napakaganda naman talaga ng color blending.
Pagbukas mo may sala tas nandoon yung 3 sofa na may mini table sa harap tas nakaharap yun sa Tv, tas sa may likod nun may kusina then may pinto dun sa may malapit sa sofa at pagbukas ko nandun ang napakalaking kwarto! May queen size bed tas walk in closet, mini study table tas may pinto na sigiro cr yun then may terrace at pagpunta ko dun..

BINABASA MO ANG
The Gods and I
FantasíaPaano pag ipinadala ni Zeus, ang God of the Sky , ang iba pang gods na itinuturing na delinquent sa lugar nila?? Ang mount Olympus. Tapos ikaw yung napili ni Zeus na turuan sila kung ano ang Humanity at ang mga tungkol sa tao? Meet Yui Rodriguez. 1...