KAIBIGAN
©AlexandraDelFiero | wattpad
Napakasaya ko kahapon. Kasama ko kasi ang aking mga kaibigan.
Nagpunta kami sa bahay ni ate. Siya ang pinakamatanda sa aming magkakaibigan. Nakamotorsiklo kami habang binabagtas ang national highway patungo sa kabilang bayan. Mga dalawampung minuto pa ang nakaraan ay tinatahak na namin ang bundok patungo sa lugar na aming pupuntahan. Pagkarating namin sa kabisera ng bayan, huminto kami upang magpahinga sandali. Nagpatuloy kami hanggang sa makarating sa liblib na lugar kung saan naroon ang mga bumibiyaheng bangka patungo sa kabilang pampang. Inihabilin muna namin ang aming motorsiklo sa tagabantay doon bago lumulan sa bangka.
Pagkarating namin sa kabilang pampang, naglakad pa kami ng mga dalawang kilometro bago narating ang bahay ni ate. Ngunit wala siya roon. Nasa paaralan daw sapagkat siya'y isang guro.
Napabuntonghininga ako sapagkat ako'y pagod na. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Binigyan ko rin sya ng pilit na ngiti. Inakyat namin ang 150 steps na hagdan papunta sa paaralan.
Sobrang nakakapagod ngunit hindi ko iyon gaanong naramdaman dahil sa kanya. Lagi niya akong inaalalayan saan man kami magpunta.
Sobrang saya ko talaga kapag kasama ko ang bestfriend ko. Siya kasi yung taong nakatulong sa akin ng malaki upang mapalaya ko ang aking pagkatao na gumapos sa halimaw. Tahimik na ulit ang halimaw sapagkat nabuwag ang pader at binuo niya ang puso kong winasak ng nakaraan.
Sobrang saya ko.
Gayunpaman, hindi pa rin mawala sa isip ko ang pangamba na bawat kasiyahan ay may katumbas na kalungkutan.
And then it happened...
Hindi ko sinasadyang mabasa yung note sa cellphone niya. I thought it was for me. Nakalagay kasi, "to my bestfriend". Pero nagkamali ako. Para sa isang kaibigan pala namin yun.
Sobra akong naapektuhan noon. My mood suddenly changed. I tried to act normal eventhough I was already feeling the pain.
Pagkatapos namin maligo ng dagat, nakita ko siya na nakahiga sa duyan. I wanted to talk to him.
Nilapitan ko siya at nagpasuklay ng buhok. Tumayo siya at ako ang pinaupo niya sa duyan. Inaasar pa niya ako habang sinusuklayan.
I was about to open the topic when I felt that familiar pain in my heart. So, i decided to keep silent for i don't want him to see me in tears.
I love him so much that i can even sacrifice my real feelings for him.
If you only knew how much i love you...
Haaaaaysst ...
:::BUNTONGHININGA:::
--ALEX
💋June 01, 2012
BINABASA MO ANG
BUNTONGHININGA
RomanceMga damdamin at salitang hindi nabigyan ng pagkakataong maipahayag ng lubusan. Sa halip, itinago na lamang at idinaan sa isang... haaaaayysstt... :::BUNTONGHININGA::: --happydreamgirl