LIHIM na PAGMAMAHAL

31 1 0
                                    

Kasabay ng paghampas ng alon sa dalampasigan, pag-ihip ng hanging amihan, pagtatago ng haring araw, at pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagpatak rin ng luhang matagal na panahon ng pinipigilan.

Puno ng hinanakit, galit, at pagkapoot sa mga taong sinaktan siya ng lubos.

Ang emosyong matagal na itinago ay tuluyan ng kumawala.  Ang mga matang punong-puno ng kasiyahan, labing laging naka-smile, mga halakhak na sobrang nasisiyahan, positibong aura araw-araw.  Lahat ng ito ay napawi nang dahil sa isang pagkakamali.

Pagkakamaling hindi man sinasadyang makasakit ay nakasakit pa rin.  Ang tanging hangad lang naman ay kasiyahan.  Ngunit ang kaligayahang hinangad ay may katumbas palang kalungkutan.  Kalungkutan at pagdadalamhati ng isang pusong lihim na nagmamahal.

Thursday, June 12, 2014,  11:32:28pm

BUNTONGHININGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon