HALIMAW
©AlexandraDelFiero | wattpad
Natatakot ako.
Isang halimaw ang nais kumawala. Minsan na siyang nakatakas at nakapaminsala ng ibang buhay. Ngunit nagawa ko siyang ikulong gamit ang tanikalang unti-unting pumapatay sa aking pagkatao.
Matagal na panahong nanahimik ang halimaw. Ngunit nang muli kong masilayan ang mukha ng taong nagpalaya sa halimaw na iyon, biglang nabuhay ang galit na matagal nang kinikimkim.
Hindi ko makakalimutan ang araw na nakilala ko siya.
"Bagay sa'yo ang role mo. Para ka talagang si Maria."
Pilit ko siyang iniiwasan dahil nahihiya ako. Iyon kasi ang unang pagkakataon na may pumuri sa aking pagtatanghal.
Simula noon, naging malapit na ako sa kanya. Bilang isang estudyanteng wala pang karanasan sa pag-ibig, masasabi kong napakadali na para sa akin ang mahulog sa kanya. Niligawan niya ako ngunit hindi ko agad siya sinagot.
Makalipas ang walong buwan, sinagot ko na siya. Noon ay nasa kolehiyo na ako. Naramdaman ko ang sobrang kasiyahan. Sa tuwing magkasama kami, para bang napakahalaga ng bawat sandali.
Ngunit ang sobra palang kasiyahan ay may katumbas na kalungkutan.
Isang araw, nakita ko siyang kasama ang kaibigan ko na halos ituring ko nang kapatid. Nakangiti pa ako sa kanila noon. Ngunit napawi ang mga iyon nang dumako ang aking mga mata sa kanilang mga kamay.
Hindi ako makapagsalita.
Hindi ko rin maigalaw ang aking mga paa upang umalis sa kanilang harapan.
"Mali ang iniisip mo. Wala.."
Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil dumapo na sa kanyang pisngi ang aking palad. Tumakbo ako palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang mahalaga, makaalis ako sa lugar na iyon.
Ang sakit! Parang minamaso ang puso ko. Ni minsan, hindi pumasok sa isip ko na magagawa niya sa akin iyon.
Sa sobrang galit at pagkapoot dahil sa damdaming sinaktan ng lubos, nagising ang halimaw na sa simula't simula pa ay mahimbing nang natutulog. Sa kanyang pag-gising, hindi lang isang buhay ang nadamay. Maging ang pamilya ko at mga kaibigan ay walang awa nitong sinaktan.
Sobra akong nahirapan. Halos araw-araw akong nakikipagbuno upang maigapos ang halimaw at nang hindi na makapaminsala pa. Ngunit sa tuwing susubukan ko, lagi lang nawawasak ang tanikalang iginagapos ko dito. Marahil ay talagang nawasak ang puso ko na ginawa niyang pahingahan sa matagal na panahon.
Hindi tumigil ang halimaw sa pamiminsala sa buhay ng iba. Pinipilit niyang palabasin ang mga kapwa niya halimaw upang may makasama siya. Sobrang hirap at sakit ang naranasan ko.
Hanggang sa napagdesisyunan kong isakripisyo ang aking pagkatao upang matigil na ang halimaw. Iginapos ko siya sa tanikalang unti-unting pumapatay sa pagkatao ko.
Ngayong nakita ko ulit siya. Natatakot ako. Baka maulit ang mga nangyari. Hindi pa rin niya ibinabalik ang puso kong winasak ng sobrang pagmamahal.
May mga taong dumating sa buhay ko upang tulungan akong buohin ang durog na puso. Ngunit isang mataas na pader ang aking inilagay sa pagitan namin. Hindi maaaring magiba ang pader.
Ayokong maulit ang nangyari. Kaya't pinili kong manatili sa kabila ng pader. Kasama ang halimaw na nakagapos sa tanikalang tanging ako lang ang makapagtatanggal.
Hanggang kailan kaya ako mananatili sa ganitong sitwasyon?
haaaayysst...
:::BUNTONGHININGA:::
ALEX
💋05/19/10
BINABASA MO ANG
BUNTONGHININGA
RomanceMga damdamin at salitang hindi nabigyan ng pagkakataong maipahayag ng lubusan. Sa halip, itinago na lamang at idinaan sa isang... haaaaayysstt... :::BUNTONGHININGA::: --happydreamgirl