Gaano kadalas ang MINSAN?
©AlexandraDelFiero
Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo.
Hindi lahat ng naririnig mo ay pawang katotohanan.
Hindi lahat ng nararamdaman mo ay may kasiguraduhan.
---
Minsan... kailangan mong ITAGO ang tunay mong NARARAMDAMAN dahil ito yung TAMA.
Minsan... kailangan mong BITIWAN ang isang bagay hindi dahil sa ayaw mo na dito kundi dahil ito yung mas MAKAKABUTI.
Minsan... kailangan mong ipakita na MALAKAS ka kahit ang totoo... HINDI.
Minsan... kailangan mong NGUMITI kahit nahihirapan ka na para sa mga taong nagmamahal sa'yo.
Minsan... kailangan mong TANGGAPIN na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo.
Minsan... kailangan mong ISAKRIPISYO ang sarili mong kaligayahan para sa IKATATAHIMIK ng lahat.
Minsan… kailangan mong maging MANHID para hindi masaktan.
Minsan… kailangan mong gawin ang lahat ng ito ng sabay-sabay. Mahirap… ngunit dapat kayanin.
HINDI ito isang KATANGAHAN.
HINDI rin natin masasabing isa itong KAHINAAN.
Mas masasabi pa nga natin na MALAKAS ka dahil kaya mong tiisin ang lahat ng pasakit.
Kailangan mo lang maging matatag upang hindi ka magapi ng halimaw.
Ngunit… gaano ba kadalas ang MINSAN?
Siguro naman.. sapat ang dalawang taon upang maulit ang MINSAN.
Haaayysst...
:::BUNTONGHININGA:::
--ALEX
💋01/10/12
BINABASA MO ANG
BUNTONGHININGA
RomanceMga damdamin at salitang hindi nabigyan ng pagkakataong maipahayag ng lubusan. Sa halip, itinago na lamang at idinaan sa isang... haaaaayysstt... :::BUNTONGHININGA::: --happydreamgirl