OMH 5 Komplikado

112 7 7
  • Dedicated kay Charmaine Napa
                                    

DAVE's P O V

I followed Kuya Lance & Kuya Shane.

Habang naglalakad kami papunta sa SC Office..

Bakit bigla akong nagkwekwento?

Sa totoo lang mas gusto ko pang makinig o kaya magbasa ng kwento ng iba, kaysa ako ang magkwento.

Dahil bored na bored na ako dito sa paglalakad namin, wala na akong choice kundi mag-imagine dito at magmunimuni...

Ang kambal na yun, kapatid lang naman sila ng ex-girlfriend kong si Shy. Bakit ex ko na siya? Dahil lang naman yan sa pamilya ko at pamilya niya. Romeo and Juliet kumbaga.

Pero wala eh, ganyan talaga kapag pera na ang usapan. Hindi naman dahil sa mahirap lang kami, ang masaklap eh dahil kakumpetensya namin ang kumpanya nila. At hindi ko rin alam kung bakit dito ako pinapasok ni Lolo, siguro dahil may plano siyang kung ano. 

"Hoy! Dave!" bigla akong nawala sa sarili kung kaya't nagulat na lang ako sa tawag ni Kuya Shane. Andito na pala kami sa may labas ng office

"Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong naman ni Kuya Lance.

At pinapasok na nila ako sa loob ng office.

Pagkaupo namin sa sofa. "Tatanungin niyo ba ako kung anong nangyari sa hallway? Aaminin kong ako ang may kasalanan, kaya pwede bang umalis na ako? Punta pa ako ng library, kailangan ko ng matapos ang book review ko bago mag-exam." Tumayo na ako at aktong aalis na...

"Teka! Hindi yan ang gusto kong malaman."  sabi bigla ni Kuya Lance, kaya napatigil ako, nakatalikod lang ako sa kanilang dalawa.

"Huh? Eh ano?" sabi naman ni Kuya Shane.

"Mahal mo pa ba ang kapatid namin?" napaharap ako at pilit na ngumiti sa kanila.

"Ang awkward naman ng tanong na yan Lance." sabat naman ni Kuya Shane.

"Wag kayong mag-alala, mayroon na ulit akong bago. Hindi naman madaling palitan ang kapatid niyo." siyempre hindi yun totoo. Mahal na mahal ko pa rin si Shy. At hirap na hirap na ako sa pag-iwas sa kanya tuwing makikita ko siya. Siya lang ang babaeng minahal ko ng totoo at siya lang ang babaeng nakakapagpangiti sa seryoso kong buhay.

*BOOOOGSH!* Inaasahan ko na 'to.

Nakakadalawa na ako ngayon. Masakit, pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko para kay Shy.

"Tarantado ka!" sabi ni Kuya Shane. Hindi ko akalaing ganito pala siya magalit.

Susuntukin pa niya sana ulit ako, ng biglang pigilan siya ni Kuya Lance. "Tama na, Shane."

"Eh, bastos eh!" sabi pa ni Kuya Shane. Seryoso lang ako at hinihilot-hilot ang aking pisngi.

"Pasensya na mga Kuya. Aalis na ako. Marami pa akong gagawin."

"Isa lang ang hinihingi ko Dave, wag na wag ka ng lalapit sa kapatid ko. Dahil hindi lang yan ang aabutin mo." rinig kong sabi ni Kuya Lance bago ako lumabas ng office.

Habang papunta ako ng library.

Takte! 

Andiyan na naman ang haliparot na si Venus Jewel Nam.

"Hi, honey! ^___^ Kanina mo pa ba akong hinahanap. Hihi." At may pagpulupot pa ng braso niya sa braso ko. Hay! Nakakairita talaga siya.

"Wag ka ngang feeling Venus! Pwede ba wag mo nga akong hawakan. Baka kung anong isipin nila." sabay alis ko sa kamay niyang nakapulupot sa braso ko.

"Eiy! Honey naman, di ba sabi ko sa'yo Vej na lang itawag mo sa akin. O kung gusto mo honey. ^__^." ang babae talagang ito, napakalayo sa pinsan niyang si Shy. Oo, tama pinsan niya si Shy.

Hindi ko siya pinansin at nagdiretso sa paglalakad ko.

Pero sunod pa rin siya ng sunod. Haist!

"Gusto mo bang mag-date?" O___o. Ano bang naisipan ko bigla at niyaya ko 'tong makipag-date? *face palm*

"Ano?! O___O" Gulat na gulat siya at ngiting-ngiti sa akin.

"Huh?! Wala! Umalis ka na nga, I'm busy. Maghanap ka na lang ng ka-edad mo." lalakad sana ulit ako..pero bigla niyang hinila yung laylayan ng damit ko.

"Ano ba?!" napasigaw ako kung kaya't nagtinginan ang mga tao sa paligid.

"*pouts* Bakit?! Ano bang problema sa edad ko?! I'm 15 and you're 18. Ok nga yun eh! At saka ang bad bad mo! Aalukin mo ko ng date, tapos bigla bigla na lang sabi mo wala! Ano ba tingin mo sa akin, bata?!" nakakairita na nga, nakakabingi pa ang boses ng babaeng 'to!

"Oo. Kaya pwede ba, maghanap ka ng iba mong makukulit!" naglakad na ulit ako at nagbulungan ang mga tao.

***di ba si Dave at Vej yun? - girl1

***oo, unbelievelabable talaga ang magpinsan na yun! - girl2

===================================================

VEJ's P O V

Susundan ko pa sana si Dave ko, pero bigla naman akong tinawag nitong si Cindy Lim ang aking bestfriends forever! ^__^, pareho kaming 15 pero mas matanda siya ng ilang buwan sa akin.

Nag-alisan naman yung mga tao sa paligid. 

"Vej!!!!" nagtatakbo papalapit sa akin ang naka-glassesna si bff. Siya yung tipo ng taong nerdy, pero hindi naman kasi ako choosy sa mga friends ko, kaya ayon. Love na love ko 'tong si Cindz.

"Oh, Cindz! San ka galing? o__o"

"^__^ Hehe." hihingal-hingal siya.

"Oh? Hinga bff, Hinga. :D"

Huminga nga naman siya at nagsimula ulit magsalita.

"Ang tagal mo kasi kanina, hindi mo tuloy nakita yung scene sa hallway." Eh paano, galing pa akong bookstore, binili ko kasi yung isa sa book ng fave author ni Dave eh. 

"Huh? Mamaya mo na lang ikwento, Cindz huh. Susundan ko pa kasi si Dave my labz ko eh."

"Huh? Eh, nakita mo siya kanina?"

"Oo, bago ka pa man dumating, umalis naman siya."

"Eh, may napansin ka ba sa mukha niya?" O__o .. Ang weird talaga nitong si bff.

"Hmm. Wala naman, ganun pa rin siya. Gwapo! ^__^" keke! Daydreaming na naman ako. Eh ang gwapo kasi talaga ng honey ko. And I'll be winning his heart soon. After that break up with my dear cousin. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan.

"-_____-" anong problema ng poker face na yan? "I mean, wala ka bang nakitang kakaiba sa mukha niya?"

"Ano bang pinagsasabi mo dyan bff? Hay naku, ayan! Nawala na si honey ko. San na kaya nagpunta yun?"

"Teka lang Vej! Makinig ka, kanina sa hallway, may isa pang gwapong sumuntok sa honey mo."

"Huh?!!!! Sino sya?!! How dare he do that to my honey!"

"Hindi ko kilala eh. Halos magka-height lang sila, medyo singkit, maputi, basta gwapo rin! Crush ko na nga eh." -____- Hay! Malandi din! :3

"Hay! Kailangan kong malaman kung sinuman ang gumawa non sa aking honey! Magbabayad talaga siya." sabi ko habang naka-crossedarms at sabay pout.

"Pero bago yan, bff. Pwede bang pumasok na tayo? Late na tayo oh." O____O

"OMO!!! Bakit naman hindi mo agad sinabing malelate tayo? At nagkwento ka pa!"

Takbo

Takbo

Takbo

Hay! Ang weird niya talaga, nakuha pang magkwento eh late na pala kami. Pero nakinig naman ako. Kamot-ulo na lang.. 

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

AN: Ano kaya ang sunod na mangyayari? Makikita ba ni Vej si Jiro? At ano kayang mangyayari sa feelings ni Dave para kay Shy?

Alamin sa mga susunod na chapters ^^

PLEASE COMMENT. VOTE. FOLLOW

Thank you! :)

-karen-

Oh My High!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon