Gumising sa Katotohanan

512 11 2
                                    

After One Year

"Nay!!! Si Karylle!!!" Tawag ni Anne sa kanyang nanay na nagliligpit ng kanilang kinainan.

"Bakit? Anong nangyari kay Karylle." Tanong ni Nanay Rose habang natatarantang lumakad papunta kay Karylle.

"Nay gising na siya." Sabi ni Anne at nabigyan ng liwanag at kasiyahan ang mga mukha nina Nanay Rose at Anne nang minulat ni Karylle ang kanyang mga mata.

"Daddy?" Paghahanap ni Karylle sa kanyang ama. Kaya biglang nag-iba ang emosyon. ng mukha nina Nanay Rose at Anne.

"Nanny? Anne? Anjan ba kayo? Asan kayo?"

"K, andito lang kami, I miss you so much Bestfriend." Sabay hug kay Karylle.

"Mabuti nalang anak gising ka na, ikinagagalak namin ang pagising mo." Sabay hawak at pahimas-himas sa kamay ni Karylle.

"Wala akong makita Nanny." Kaya nagtinginan ang mag-ina.

-------------------------------------------------------------

"Base po sa check namin kanina ay nagkaroon po siya ng amaurosis o yung tinatawag po nating pagkabulag, siguro po may kinalaman ito sa kanilang pagkadisgrasya." Pagpapaliwanag ng Doctor sa mag-ina.

"Salamat po Doc, ah, kailan na po bang pwedeng makalabas ang pasyente doc?"

"Depende po iyan kung kaya na po niyang tumayo, kasi may posibilidad po na mahina pa yung mga paa niya resulta ng pagiging Comatose niya."

"Salamat po Doc."

"Walang anuman po, tumawag lang po kayo ng nurse kung may kailangan kayo. Sige mauna na po ako."

At tumingin sila kay Karylle at lumakad papunta kay Karylle. At hinawakan ni Nanay Rose ang kamay ni Karylle.

"Nanny Rose? Bulag na po ba ako?" Pagbreak ng boses ni Karylle at umiyak. Kaya umiyak na din sina Nanay Rose at si anne.

"Anak... tahan na." Sabay hug kay Karylle.

"K huwag ka nang umiyak, andito lang kami para sayo. Diba walang iwanan? Sige na K tahan na." Sabay himas sa buhok ni K.

"Anak, may regalo pala daddy mo sayo ito oh." Sabay abot ni Nanay Rose sa regalo ni Mr. M, at pinabangon niya si K nang dahan-dahan. Kinapa-kapa ito ni Karylle.

"Gitara?"

"Oo K, para maalala mo siya tuwing mapatugtug mo yan." Sabi ni K at ngumiti.

"Asan po ba si Daddy? Mabuti po ba ang kalagayan niya? Ba't hindi niya ako dinadalaw dito?"

"Mabuti na siya anak. Kaya wag ka na'ng mag-alala magpagaling ka na muna sandali." Pilit na ngumiti si Nanay Rose at tumango nalang si Karylle.

Ilang araw lang naman ang sandaling pagpapahinga ni Karylle sa hospital at lumabas na.

"Karylle may dadaanan muna tayo ha." Sabi ni Nanay Rose habang hinihimas ang braso ni Karylle at tumango nalang si K.

Huminto ang kanilang sasakyan sa isang graveyard.

"Karylle andito na tayo, baba na tayo ha, aalalayan lang kita." Concern na sabi ni Nanay Rose sabay hawak sa kamay ni K para maalalayan ito.

Ilang segundo na paglalakad lamang ng makita na nila Anne ang puntod ng Ama ni Karylle ay huminto na sila.

"Karylle, andito na tayo.................a-andito na t-tayo sa puntod ng D-daddy mo." Utal na sabi ni Anne at biglang napaluhod si Karylle sa puntod ng kanyang Ama at humagulgul ng iyak. "Nasa langit na siya K, mabuti na ang kalagayan niya at huwag ka nang mag-alala alam namin na hindi ka pa rin iiwan ng Daddy mo at kahit anuman ang mangyari alam namin na nasa tabi mo pa rin siya." Hinimas himas ni Anne si K sa likod upang patahanin ito sa paghagulgul.

"Pero ang unfair ni Daddy siya lang ang makakakita sa akin pero ako, hindi ko na siya makikita. Sabi pa niya sa akin 'walang iwanan' bakit ngayon iniwan niya ako?"

"Anak, alam naman natin na hindi sinasadya ng Daddy mo ang pagkamatay niya at hindi niya rin kasalanan ang pagkamatay niya. Alam namin na gusto pa nun mabuhay ng Daddy mo nung nabaril siya ngunit alam mo naman anak baka gusto na talaga siyang pahingahin sa trabaho ang-----" hindi natapos ang sasabihin ni Nanay Rose.

"Eh, makapagpahinga din naman siya kung matutulog lang Nanny."

"Pero anak walang nabubuhay MAGPAKAILANMAN." (promise mga Ati MMK talaga ako 😂)

Pagkatapos nilang dumalaw sa puntod ng ama ni Karylle ay nagsimula na sila bumyahe pauwi sa bahay nina Karylle, ngunit habang bumabyahe may maraming katanungan pa rin na gumugulo sa isip ni Karylle.

"Nanny?" Tawag ni Karylle kay Nanay Rose.

"Anak? Bakit? May kailangan ka ba?" Tanong niya kay K at hinimas himas ang buhok nito.

"Bakit po? Bakit kung kailan di nako makakakita, di ko na rin makikita ang mahal ko sa buhay? Bakit unti-unti silang nawawala. Feeling ko ngayon, wala nakong pag-asa, at feeling ko nag-iisa nalang ako. Nanny, huwag niyo kong iwan ha?" Sabi ni Karylle habang may tumutulo nang luha sa kanyang mga mata.

"Anak, oo naman mahal ka namin ni Anne. Di ka namin iiwanan anak kaya wag mong damdamin na nag iisa ka lang kasi andito lang kami para sayo anak. Sa lahat ng problema mo andito lang kami, tawagin mo lang kami anak, okay?" Sabi ni Nanay Rose at hinug si Karylle at pinatahan na ito.

"Oo naman bestfriend!!! Tawagin mo lang kami kapag may kailangan ka, andito lang kami sa tabi mo." Sabi ni Anne at hinug din ito for comfort.

"Pero, gusto ko ng hustisya para sa daddy ko, gusto ko malaman kung sino ang bumaril sa daddy ko. Nanny tulongan niyo ko huh?" Paghagulgul muli ni Karylle.

"Oo anak. Hahanapin natin yang bumaril sa daddy mo." At pagbuntung hininga ni Karylle sa galit at sakit na naramdaman niya.

Pagkatapos ng ilang oras na pagbyahe ay nakarating na sila sa mansyon ngunit hinarangan sila ng gwardya ng bahay nila.

"Manong! Papasukin mo kami, andito na nga si Miss Karylle oh. Buhay siya." Sabi ni Nanny Rose.

"P-pero p-po." Utal na sabi ng guard at lumabas ang kapatid ng daddy ni Karylle na si Mr. Ferdie ang baklang nilihi sa ahas.

"Oh, haha... Iha youre here. Guard papasokin niyo muna sila. Yayas gumawa kayo ng juices para sa kanila." Sabi niya na para bang siya ang boss.

"Tito ----"

"NaaAh. Iha, Tita." Correction niya sa akin.

"Haay.. Okay, ganyan na po ba talaga kayo nung wala na ang daddy ko at nabulag ako? Parang kayo na yung nagmamay-ari dito ah? Parang kayo na yung boss?" Pikon kung sabi.

"Hahahaaa...Talaga Iha, Ako na talaga ang boss dito."

"Paano? Eh, si Karylle ang unika iha ni Mr. M kaya siya talaga ang mag-mamana ng lahat ng ari-arian dito." Sumbat ni Nanny Rose upang ipaglaban ako.

"Na Ah... Ako ang kapatid niya kaya ako ang magmamay-ari! At masusunod dito! And by the way pinapasok ko nga pala kayo upang kunin niyo na yung mga gamit niyo and special pa ha, nasa box na. Kaya kunin niyo na yun! Guard palabasin niyo agad sila." Sabay clap ng hands niya bilang senyas ng mga guards niya.

"Wala kang pagmamay-ari dito!" Sigaw ni Nanny Rose ngunit tumawa lang ang bruha este si Uncle Ferdie at napalabas na kami.

"Nanny gusto ko na ng Hustisya para sa daddy ko." Sabi ko kay nanny rose at niyakap niya ako.

"Oo karylle, mahahanap at malalaman din natin kung sino talaga ang may gawa sa daddy mo. Dahil hindi nila ito matatakasan." Sagot ni Nanny rose kay Karylle.




Continue mga Ati❤

When I Meet My GayWhere stories live. Discover now