Oi! Eunice! Bakit kasama mo si Keith kanina? Ikaw haa! Ninja moves ka agad bagong salta lang yun!! *Sumbat ni Miel sakin*
"Ah? Letse. Wala. Tinulungan niya lang naman ako. kase yung iba jan! Kanina pako sigaw ng sigaw di man lang ako matulungan. Bilang lang ata yung pagtulong sakin."
Ayiiiieeeeeeeeeeee. Tinulungan daw oh!! (Lahat sila naghiyawan) Wow! jan kayo magaling ha! Diba ako nga ang Manang for all seasons? Hindi naghahanap ng kahit anong Romansa sa buhay!! Ang drama mo!! (sigaw ni arwin) Talaga? Malay mo ikaw ang hinahanap ng love ni Keith. (Sambit ni Miel)
"Tigilan niyo nga ko. "
"Naniniwala ako na kapag ang isang tao ay nainlove, nawawala siya sa tamang pag-iisip, tulad nitong si Miel, Nag-iilusyon na naman. Hindi dapat pinaniniwalaan ang mga pinagsasasabi... Me maisingit? HAHA! haynako!! uwian na! Diretso ng bahay dahil napaka daming homeworks!!" EUNICE POV Homeworks? naimbento para bigyan ng pagkakaabalahan ang mga estudyante sa bahay. Pero minsan hindi na 'to nakakatuwa!! Katulad ng sinasabi namin ni Miel. Pwede ng i-consider as Child Labor ang mga ito at ayon sa nakita ko sa Facebook.....
STUDYING= STUDENT + DYING </////3 Inabot ako ng Alas Dos ng umaga sa Kakatype ng book report sa english, Final report sa chemistry, at kung saan saan pa! "Ayan, magpi-print na lang akooo" Biglang tumunog ang aking gintong PC, at may nagappear sa monitor na. ..
"PRINTER IS OUT OF INK"
Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaatt?!!?!?!??!!?
Ano b'yan! Paano ako makakapag'print neto!?! Argggh!