Strike IV

21 0 0
                                        

Amanda's POV

Hindi ako naglunch.

Ayokong isipin ang pagkain. Wag muna sa ngayon, makikipagbreak muna ako sa masarap na tanghalian.

Naglalakad ako sa ground ng school at nag-iisip.

Paano na to mamaya? Paano ako kakain?

"Amanda!" Napahinto ako sa paglalakad at lumingon.

Bad timing.
Sinubukan kong hindi pansinin si Henny pero kahit anong tago ko, nakikita niya pa rin ako.

Okay, surrender.

"Hi Henny." Sabi ko tapos ngumiti.

"Tapos ka na bang kumain?"
Nabuhayan ang loob ko.
Pakiramdam ko nakikita ko na ang pag-asa!

"K-kumain?" Say yes. Please, ayokong magbigay utang na loob ulit sa kanya. Ayokong abusuhin ang kabaitan niya.

"Oo." Sagot ko na malumanay.
Hindi ako magsisisi.

"Talaga? Then, tara!"
Nagulat ako nang hinila niya na naman ako.

"Teka saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Sa canteen! Kakain tayo ulit." Naging tuwid ang lakad ko at saka tumingin sa kanya.

"Seryoso ka ba? Hindi, okay na busog pa ako!" Sabi ko sa kanya pero hindi naman humihinto ang mga paa ko. Great!

"Hayaan mo na! Kumain ka ulit! Please!" Please.

Napa sigh ako. Bakit ba ako nanghihinayang eh siya yung nag-iinsist na kumain ulit ako! That's fair. Isa pa, bawal tanggihan ang grasya.

Hinayaan ko siyang hinihila ako papuntang canteen.

Derederetso lang ang lakad namin hanggang nakapasok kami ng canteen.

Akala ko doon kami uupo sa bakanteng table ng lumiko ng lakad si Henny at papunta sa table ng mga gangster.
Lord, save me sa kung ano mang binabalak nito.

"Henny!" Sigaw ko sa kanya. "Bakit tayo uupo don? May bakante naman doon oh!"

Hindi niya ako pinansin at mabuti nalang at huminto agad kami.

Napatingin ako sa dalawang taong nakaupo sa table na katapat namin ngayon.

"Hello, Chan," Nagtama ang tingin namin ni Chan nang bumati si Amanda sa kanya.
"Okay lang ba kung sasamahan ka namin ni Amanda kumain dito?"

Naku! Wag sana siyang pumayag. Tiningnan ko siya ng masama at nginitian niya lang ako.

"Sige." Sabi niya.

Aish. Bakit parati nalang 'to sasalu tuwing may problema ako?

Naunang umupo si Amanda at saka tumabi na rin ako sa kanya.
Umiinit ang dugo ko sa lalaking katapat ko sa mesa ngayon.

"Bakit ba dito tayo umupo?" Tanong ko kay Henny na medyo nilakasan ko ng kunti upang marinig ni Chan.

"Bakit ayaw mo?" Tanong niya sakin, at limingon kay Chan. "Nag-away ba kayo?"

Beautiful ManslayerWhere stories live. Discover now